Hindi umalis si Carlos sa ospital at siya mismo ang nagbantay sa asawang si Misty Faith kahit pa may kinuha naman na siyang private nurse para dito. He want to be the first person she will see once she wake up, kaya naman kahit inaantok ay talagang matiyaga siyang nagbantay dito. And the good thing is Donya Emilia was found near on the abandoned house where he saw his wife. Nasa kostudiya na din ito ng mga pulis kaya oras na magising ang asawa niya ay saka siya pupunta sa presinto at sila naman ang magtutuos na dalawa.
"Carlos.." Tawag ko sa pangalan niya ng makita kong nakasandal siya sa upuan, nakapikit siya pero hindi ko alam kung tulog ba siya o hindi.
"Misty!" Agad na sabi ng haciendero ng makitang may malay na ito, pagtingin niya sa rilo na suot niya ay alas singko na pala ng umaga. "Finally gising ka na din sa wakas." Nakangiti niyang sabi dito. "Teka tatawagin ko muna ang doktor para matingnan ka." Pinag-coffee break niya kase ang nurse na kinuha niya sa canteen kaya sila lang ang narito sa loob ng kuwarto.
Para naman akong maiiyak ng maalala ang nangyari sa akin, pero ayos na din siguro dahil atleast ay buhay ako at nandito ako sa ospital ngayon.
"Hey hey wag kang umiyak." Hinila ni Carlos ang upuan at lumapit sa tabi ng kama imbes na lumabas ng kuwarto at tumawag ng doktor, he held her hand but he frowned when she pulled it away.
"M-Madumi na ko C-Carlos, madumi na ako." Umiiyak ng sabi ni Misty Faith naalala niya kung paano siya hawakan ng tatlong tauhan ng Tiya Emilia niya at kung paano siya sinikmuraan ng isa sa mga ito na dahilan para mawalan siya ng malay. And she can't remembered anything after that, basta masakit ang katawan niya ngayon.
"Don't say that okay? Hindi ka marumi Misty dahil tama lang ang dating ko at walang nangyaring masama sa 'yo kung 'yon ang iniisip mo." Paliwanag ni Carlos dito, he's about to wipe her tears but she move away again. So he got this idea that she thought she was raped by the three men who kidnapped her.
"A-Anong ibig mong sabihin? H-Hindi ba natuloy ang plano nila? S-Sinuntok ako ng isa sa kanila kaya nawalan ako ng malay. P-Pero sinubukan ko, sinubukan kong makatakas sa aknila dahil alam ko ang gusto nilang gawin sa akin." Tanong ko pagkatapos kong punasan ang luha ko, pinilit ko pa ngang maka-upo at inalalayan naman niya ako.
"No hindi nangyari 'yon dahil dumating ako at mga tauhan ko. Pati si Wilde ay kasama ko kahapon at saka mga pulis. And thank God nothing worst happened to you aside on the bruises you got yesterday dahil hindi ko din alam kung ano bang nangyari kung hindi kami nakadating sa tamang oras." He's trying his best to be calm infront of her dahil ayaw niyang makita nito kung paano siya magalit at kailangan niyang maging mas matapang dito ngayon.
"P-Pero paano mo ako nakita? Paano mo nalaman kung nasaan ako? At 'yong driver mo, binaril nila 'yong driver mo Carlos."
"Because of the wrist watch I gave to you, actually hindi lang 'yon basta rilo dahil namomonitor kita kapag suot mo 'yon kung nasaan ka." Pakiwanag ni Carlos na kinuha mula sa suot na maong na pantalon ang rilo na binigay niya dito. "At buti na lang sinuot mo din 'yon kahapon no'ng umalis kayo." Dahil napadali ang paghahanap nila dito sa tulong ng rilo na binigay niya at suot nito. "And about my driver he was dead on the spot."
"Oh my God!" Napatutop na lang ako ng sabihin niya 'yon, Diyos ko kawawa naman ang driver niya. At kung hindi sana siguro ako sumama papunta sa bayan ay hindi din mangyayari 'yon dahil ako lang naman ang kailangan ng mga tauhan ni Tiya Emilia.
"And don't blame yourself about this Misty dahil walang ibang dapat sisihin dito kung hindi si Donya Emilia, at buti na lang nahuli na din siya ng mga pulis pati na ang tauhan niya." Nandoon pa din ang galit sa boses ni Carlos dahil hindi niya na mapapatawad pa ang matanda dahil muntik ng may mangyaring masama sa asawa niya, at paano na lang kung pati sa magiging anak nila ay may nangyari din na masama? Siya na mismo siguro ang makakapatay.
"Alam na ni Tiya Emilia na alam ko na din na hindi niya naman talaga ako tunay na pamangkin, sinabi ko sa kanya ang tungkol doon kahapon. Pero ako pa din ang sinisisi niya kung bakit nangyari sa kanya ang lahat ng 'to." At sa totoo lang parang nawala ang katiting na respeto ko sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin, akala ko dati ay iritable lang siya dahil nga umeedad na pero hindi pala. Gano'n pala talaga siya dahil 'yon ang ugali niya mismo, at oo nakakapang-hinayang na nawala agad ang magulang ko at sa kanya napunta ang dapat na hacienda na para sa Mama ko at sa akin. Pero wala naman na akong magagawa pa dahil na kay Carlos na 'yon at dapat ko na lang siguro ipag-pasalamat na sa kanya napunta ang lupain namin at hindi sa ibang tao.
"And that's good at hindi mo siya papatawarin Misty dahil grabe na ang ginawa niya sa 'yo." Sabi pa ni Carlos.
"Yan din ang iniisip ko dahil hinayaan niya ako sa mga tauhan niya, p-para akong nandidiri sa katawan ko dahil h-hinawakan nila ako." I wiped again my tears dahil hindi ko talaga makalimutan ang nangyari sa akin. Naalala ko pa tuloy ng punitin ng isa sa kanila ang dress na suot ko at makita ang reaksyon nila matapos makita ang dibdib ko.
He gently hold her hand, at laking tuwa niya dahil hindi naman ito pumalag pa at hinayaan na lang na nakahawak siya sa kamay nito.
"S-Salamat at dumating ka, akala ko pa naman natuloy na ang gusto nilang gawin sa akin." Sabi ko ulit, hindi talaga niya ako pinabayaan. Hindi talaga ako pinabayaan ni Carlos.
"At simula ngayon hinding-hindi ka na puwedeng humiwalay sa akin Misty, kung nasaan ako ay dapat nandoon ka din dahil hindi na puwedeng maulit pa ito ulit." Sabi pa ng haciendero, kung kinakailangang lagi silang magkasama na dalawa ay gagawin niya talaga at hindi niya na ito iwawaglit sa paningin niya simula ngayon.
Ako naman ang naguluhan sa sinabi niya, oo alam ko na may pagka-possessive siya simula ng magkakilala kaming dalawa pero bakit parang iba na yata ngayon? "N-Naguguluhan ako sa 'yo Carlos kaya puwede ko bang itanong kung bakit ka ganyan magsalita sa akin? Oo alam kong mag-asawa tayo pero hindi naman tayo katulad ng ibang mag-asawa diba? Kaya gusto kong malaman kung g-gusto mo ba ako?" Tutal kaharap ko naman na siya kaya ano man lang na itanong ko sa kanya ang tungkol dito.
"Hindi pa ba obvious Misty? Kinain ko na 'yong sinabi ko noon na hindi ako magkakagusto sa 'yo dahil gusto na kita. And you can't escape from me now dahil sinabi din kahapon ng doktor na buntis ka. So meaning magkakaanak na tayong dalawa."
Hi! Ito po yong mga books na naka-pre order at darating ngayong end of March or first week of April. Open for installment, just dm me on my fb page!
#maribelatentastories