CHAPTER 42

16.2K 316 14
                                    




1 chapter left🥹




"Come on do'n na tayo sa loob." Pag-aaya ni Carlos sa asawa habang nakasandal siya sa isang poste sa may swimming pool area ng bahay niya. Naka ilang sabi na siya dito na tama na sa pagswi-swimming pero ayaw naman nitong umahon mula sa tubig. 



"Ayoko pa, saka may gagawin ka diba? Mag-ikot ka na sa hacienda at dito lang naman ako." Sagot ko naman sa kanya at nilublob ko ulit ang buo kong katawan sa swimming pool. Isang Linggo buhat ng makabalik na ako dito sa bahay niya at sa loob ng isang Linggo na 'yon ay lagi na din siyang nakasunod sa akin na akala yata ay aalis ako at saan pupunta. Baka daw kase kapag nawaglit siya sa akin ay kung ano na naman din ang mangyari sa akin. Pero wala naman na kaming dapat ikabahala diba? Dahil unang-una hindi na lang basta nakakulong ang kumidnap sa akin kung hindi namatay sila sa kulungan at kahit itanggi niya sa akin ay alam kong may kinalaman siya do'n. Si Tiya Emilia naman ay nakakulong pa din hanggang ngayon at wala palang piyansa ang mga kaso na nakahain sa kanya. 



"No I'm good here, inutusan ko na si Jimuel na gawin ang gagawin ko." Sabi ng haciendero, ang kulit ng talaga. Mag-aalas dos na nga ng hapon pero nandito pa din talaga ito sa swimming pool at ayaw umahon. 



"Ikaw dapat ang gumawa no'n at hindi mo inuutos sa iba." Sabi ko pa at saka umahon na mula sa tubig, kung gaano ako katagal dito ay gano'n din siya na nakabantay sa akin. "Hindi mo naman ako kailangang bantayan dahil hindi naman ako aalis at nandiyan din lang naman sa loob sina Esther at Miriam."



Agad naman inalalayan ni Carlos si Misty Faith dahil baka madulas ito, their still not okay like before. Oo bumalik na ito sa bahay niya pero ang siste ay hindi naman na sila magkatabi sa pagtulog at doon siya sa kabilang kuwarto natutulog. Pero kapag tulog na ang asawa ay saka siya pumupunta sa kuwarto nila para tabihan ito. At ang pagtataray nito sa kanya na talaga namang nasasagad siya paminsan. But he can't do anything now, he's still gaining her trust, but what is important is he knew his mistake and he want to prove to her he can change. 



"Tumigil ka nga." Sabi ko sabay hampas sa kanya at inirapan ko pa nga ng makita ko siyang nakatingin sa dibdib ko. 



"Can't helped it, I miss your perky tits." Wala din pakundangan na sabi ni Carlos na inabot sa asawa ang towel na nakasampay sa isa sa upuan na naroon. Paanong hindi niya titingnan 'yon, eh naka puting sando lang ito at wala na namang suot na bra kaya halatadong-halatado ang malulusog nitong dibdib. Na para bang nagha-hi pa sa kanya. 



"Tsk, nang-mamanyak ka lang kamo." Uminom ako ng tubig, grabe ang init ng panahon ngayong araw pero mahangin naman dito sa bahay niya dahil nga mga nakabukas ang mga bintana. Pero maalansingan pa din ang panahon kaya sana umulan mamayang gabi. 



"Wala namang masama kung manyakin kita dahil mag-asawa naman tayo." Dagdag pa ni Carlos, par tuloy gusto niya itong dambahin at hawakan ang malulusog nitong dibdib.



I looked at him blankly, alam kong minsan naiinis na din siya sa akin pero wala lang siyang magawa dahil siya ang may kasalanan. At ewan ko din ba kung kasama ba talaga 'to sa pagbubuntis ko dahil lagi akong naiinis sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa sa akin. Kaya nga minsan naiisip ko na baka tama si Jesylyn, na baka kaya ganito ako sa kanya dahil siya ang pinaglilihian ko!



"Don't look like me like that Misty dahil hindi ako aalis kung 'yon ang iniisip mo."



"Hindi naman 'yon ang iniisip ko pero gusto kong kumain ng halo-halo." Sabi ko sa kanya. "Ang sarap kumain no'n tapos gatas na powder ang ilalagay saka may mangga na kulay green sa ibabaw."



"G-Gatas na powder? Pero hindi naman 'yon ang inilalagay do'n." Ani ni Carlos, natural alam niya ang halo-halo pero evaporated milk ang nilalagay do'n at lalong walang mangga na kulay green sa ibabaw. 



"Pero 'yon ang gusto ko kainin, sige na Carlos bili mo na 'ko no'n." Tinaas-taas pa ni Misty Faith ang magkabilaang kilay habang sinasabi 'yon dito, ito na nga yata ang paglilihi dahil minsan may mga pagkain siya na gustong kainin tapos kakaiba din ang mga combination. 



"I can buy you that, pero hindi powder na gatas ang nilalagay do'n saka lalo na ang manggang hilaw." Paliwanag ni Carlos, she's pregnant and her taste bud are getting different now. Noong nakaraan nga ay naabutan niyang kumakain ito ng kayomito pero sinasawsaw naman nito 'yon sa coke. At natural nagalit siya dahil hindi naman 'yon ang tamang pagkain no'n tapos may softdrinks pa, eh bawal nga ito uminom ng gano'n sabi ng doktor. 'Baka sumakit ang tiyan mo kapag 'yon ang kinain mo."



"Eh di wag." Nakasimangot na sabi ko sa kanya. "Sige wag mo na akong bilhan at hayaan mo na lang kaming magutom ng baby natin." Naiinis na sabi ko. 



"Misty naman." Napapalatak na sabi ni Carlos, heto na nga ba ang sinasabi niya. Wala na naman siyang magagawa kung hindi sundin ang gusto nito dahil sinabi na nito ang alas nito sa kanya. Kapag ayaw niya itong pagbigyan sa gusto nito ay magsasalita ito na para bang kausap ang baby nila. 



"Salbahe talaga 'tong magiging tatay mo anak, halo-halo lang ayaw ka pang bilhan." Sabi ko pa habang hinihimas ang tiyan ko, wala pa namang baby bump 'yon pero siyempre alam kong may baby do'n at lalong alam ko na 'yon ang gustong kainin ng baby namin. 



"Hindi ako salbahe okay? Oo na bibili na ako, maghahanap ako ng halo-halo sa bayan." Parang walang choice na sabi ng haciendero, he really don't have a choice because if he will not buy what she want now she will surely get pissed to him and might cry too. 



Para namang nagliwanag ang mukha ni Misty Faith ng sabihin 'yon ni Carlos sa kanya, mas lalo din siyang natakam makakain no'n ngayon. 



"Talaga? Sabi na nga ba eh may kabaitan ka din talaga pogi!" Nakurot ko pa siya sa pisngi niya pagkatapos. 



"At nambola ka pa nga, magbihis ka na muna at pupunta ako sa bayan para bilhan ka ng halo-halo."



"Hindi kita binobola no, saka totoo ang sinasabi ko. Pogi ka naman talaga kaya dagdagan mo 'yong mangga sa ibabaw ng halo-halo ha? Gusto ko din 'yong maasim tapos maraming gatas!" 



He just took a breathe, dahil walang-wala talaga sa isip ni Carlos na darating siya sa puntong ganito kung saan siya ang sumusunod keysa siya ang nasusunod. 





   Halos isang oras din ang tinagal ni Carlos bago nakabalik sa hacienda, he bought two large halo-halo, at imbes na evaporated milk ang ilagay ay bumili pa siya ng powder milk at 'yon ang nilagay niya doon. Maski mangga na hilaw ay bumili din siya at nilagay sa pinaka-ibabaw na para bang 'yon ang toppings. At hindi na lang niya maiwasang matawa dahil nag-uumpisa pa lang maglihi ang asawa niya so meaning mas may lalala pa dito. 



"No way! Hindi ko kakainin 'yan Misty dahil sigurado akong hindi maganda ang lasa niyan." Mariing tanggi ni Carlos ng sabihan siya ng asawa na siya daw ang kumain ng halo-halo na binili niya. Mamaya magloko pa ang tiyan niya kapag kinain niya 'yon eh, halo-halo with green mango? Fuck! "And isa pa ikaw ang may gusto niyan diba? Do bakit mo sa akin ipapakain?"



"Anong hindi masarap? Sure akong masarap 'to no, saka gusto ko kase ikaw ang makita ko na kumakain niyan." Sabi ko sa kanya habang hinahalo ang halo-halo na kakainin niya. 



"No, no. no I will not eat that. Isa pa ikaw ang nagpabili niyan kaya dapat ikaw ang kumain." Pagtanggi ulit ni Carlos dahil hinding-hindi niya talaga 'yon kakainin!



"Sige na kainin mo na 'to para kapag kinain mo 'yan do'n ka na ulit sa kuwarto natin at tabi na tayo ulit matulog." Sabi ko at saka inabot sa kanya ang halo-halo.



Oh shit. "Misty!"




#maribelatentastories

M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon