CHAPTER 04

16.4K 352 9
                                    




"How is she?" 'Yon agad ang tanong ni Carlos paglabas ng doktor na babaeng pinatawag niya para matingnan ang dalaga. Kahit hindi dapat ay hindi niya maiwasang mag-alala dahil sa estado kanina nito. 


"Wala pa din siyang malay pero napalitan naman na siya ng damit ng kasambahay niyo, meroon siyang sugat sa mga paa at madami din siyang pasa sa iba't-ibang parte ng katawan." Paliwanag ng doktor sa binata. 


Carlos took a deep breathe and gritted his teeth, ayaw niya man magbigay ng konklusyon sa kung ano mang nangyari sa dalaga ay alam niyang may kinalaman ang pagpunta nito kaninang umaga dito sa hacienda niya. At kaya siguro ito nagka-ganito ay dahil nagalit ang tiyahin nitong si Donya Emilia sapagkat hindi siya pumayag sa gusto nitong mangyari. 



"P-Pero sabi ng mga tauhan ko hinahabol daw siya ng mga lalake and looking her status earlier hindi ba siya--" Hindi matuloy ng binata ang tanong dahil parang hindi din niya maisip na baka pinag-samantalahan ito kaya gano'n ang itsura kanina. 




"Ni-rape? Nope hindi naman siya umabot sa gano'n, siguro nakatakbo siya mula sa mga humahabol sa kanya kaya gano'n ang itsura niya kanina at kaya din nagka-sugat sugat ang mga paa niya."





Carlos felt relieved because he don't know what to do if that's really happen to her. "Sige Doc, maraming salamat and pasensiya na sa abala." Agad niyang kinuha ang pitaka mula sa suot na maong na pantalon at saka kumuha ng ilang lilibuhin doon at inabot dito. Ala una pasado na ng madaling araw at buti na lang kilala niya ang doktor na ito kaya napasundo niya mula sa bayan para matingnan ang dalaga.





  Hindi na umalis si Carlos at pinahatid na lang ang doktor sa tauhan niya, nagka-gulo na sa mansyon dahil sa insidenteng nangyari kanina. Pero muli niyang pinabuksan ang electric fence sa paligid mg buong hacienda. Pero buti na lang talaga ay may mga tauhan siyang nagbabantay sa hangganan ng hacienda niya dahil uso nga ang nakawan doon. Kung hindi baka nakuryente pa ang dalaga sa electric fence niya doon. At saka siya pumasok sa loob ng silid niya, dito niya kase diniretso ang dalaga ng makilala niya kung sino ito. 





   Carlos saw Misty Faith sleeping peacefully, damit niya ang pinagamit dito dahil sira-sira talaga ang suot nitong damit kanina. Na sa pagkakatanda niya ay 'yon din ang suot nito kaninang umaga ng puntahan siya nito. But the question is who are those men who did this to her?






  Misty Faith slowly opened her eyes, nagising siya dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa kanyang mukha. Pero pagtingin niya ay hindi pamilyar na kisame ang nakita niya kaya naman napabalikwas na lamang siya sa pagkakahiga. 




"Naku, buti naman po at gising na kayo." Sabi ng matandang babae na naroon at mukhang naghihintay sa pag-gising ng dalaga. "Teka tatawagin ko po si Senyorito."




"Sandali lang---" Hindi ko man lang natanong 'yong babae kung nasaan ba ako dahil walang ganitong silid sa bahay ni Tiya Emilia. Pero ang tanong na 'yon ay nasagot ng makilala ko kung sino ang pumasok sa loob ng kuwarto. Walang iba kung hindi si Carlos Elizondo.





   "H-Hi.." Seryoso ang mukha na sabi ng binata ng makita niyang gising na ang dalaga. 




"I-Ikaw ang tumulong sa akin kagabi?" Nahila ko tuloy ang kumot sa katawan ko para itakip, siya nga siguro dahil sa pagkakatanda ko ay sakop na ng hacienda niya ang tinakbuhan ko kagabi. 



"Not really, nakita ka kagabi ng mga tauhan ko sa hangganan at sila ang tumulong sa 'yo at dinala ka nila dito." 




Tama, naaalala ko na. Tumakbo nga pala ako ng tumakbo para makalayo sa mga humahabol sa akin. At sa hangganan ng hacienda namin at hacienda niya ako napunta, doon ko nakita ang ilang kalalakihan na hiningian ko ng tulong kagabi bago ako bumagsak sa lupa. 




"S-Salamat, maraming salamat. W-Wag kang mag-alala aalis na ako." Sabi ko sa kanya dahil baka hinihintay lang talaga nila akong magising. Pero napa-aray na lang ako ng igalaw ko ang paa ko at ng tingnan ko 'yon sa ilalim ng kumot ay doon ko lang nakitang may benda ang pareho kong paa. 




Hinila ni Carlos ang upuan na naroon papunta sa tabi ng kama. "Tell me what happened last night kung bakit gano'n ang itsura mo kagabi at sino-sino ang gumawa sa 'yo no'n." 




I slowly looked at him, wala man lang ka-reaksyon reaksyon ang itsura niya pero seryoso siya at nakatingin talaga sa akin ng maigi. 




"Come on tell me what happened to you last night, may kinalaman ba 'yon sa hindi ko pag-payag kahapon ng umaga sa 'yo?" Muling tanong ng binata. "And what's your name again?"




Kinakabahan man ay sumagot pa din ako. "M-Misty, Misty Faith." Mabilis kong sagot, ano bang sasabihin ko sa kanya? Sasabihin ko ba ang totoo? Na dahil hindi siya pumayag kahapon kaya ako nagka-ganito?




"So tell me me now Misty what really happened to you? Pinatingnan kita kagabi sa doktor at ang dami mo nga daw pasa at nagka-sugat-sugat din ang paa mo dahil wala ka man lang ano mang suot na kahit ano sa paa."




Misty Faith wiped the tears fell on her cheeks. Tinulungan na siya nito kagabi at pinatuloy pa dito sa mansyon nito kaya ano man lang ba kung ikuwento niya ang totoong nangyari sa kanya kagabi diba. 




"N-Nagalit si Tiya Emilia kahapon ng umuwi ako g-galing dito. I-Inaasahan niya kaseng o-oo ka sa akin pero hindi ko nagawa ang utos niya dahil hindi ka naman pumayag na mag-trabaho ako sa 'yo dito." 




"And then? what she did? Anong ginawa niya sa 'yo?" Parng naiinip na tanong ni Carlos. 





"S-Sinaktan ako ni Tiya s-saka kinulong sa isang kuwarto sa bahay niya. T-Tapos k-kagabi pinuntahan ako doon ng tatlo niyang tauhan at dinala doon sa pinag-iimbakan ng mga damo para sa mga baka." I wiped again my tears while remembering what happened to me last night, lalo na ng suntukin ako ng isa sa tauhan ni Tiya na halos mawalan ako ng ulirat. "T-They tried to r-rape me, pero lumaban ako kaya 'yong isang tauhan ni Tiya ay sinuntok ako sa tiyan. Pero hindi ako pumayag sa gusto nilang mangyari, t-tinulak ko 'yong lalake saka ko nagtatakbo palabas hanggang sa umabot na ako dito."




Napakuha tuloy ng sigarilyo si Carlos na nakapatong sa maliit na lamesa niya sa tabi ng kama. Sinindihan niya agad 'yon at saka humithit no'n. Sabi nga ba, tama ang naiisip niya kagabi. "Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Donya Emilia ang ganyan, saka totoo bang pamangkin ka talaga niya?"




Tumango ako, buti naman at tumayo siya ayoko kase ng nakaka-amoy ng sigarilyo. "K-Kapatid siya ng Mama ko pero matagal na siyang patay kaya si Tiya Emilia na ang nag-alaga sa akin simula ng sampung taong gulang ako."




"Pero mukhang hindi ka naman niya inalagaan dahil iba ang trato niya sa 'yo, and I'm sure siya din ang nag-utos mismo sa mga tauhan niya na gawan ka ng masama kagabi."



"N-Nagalit lang talaga siya dahil hindi ko nasunod ang utos niya sa akin." Sabi ko pa, pero isa lang ang sigurado hinding-hindi na ako babalik doon. May mga kaibigan naman ako sa bayan at siguro doon muna ako makikituloy kapag nakaalis ako dito mamaya. "T-Thank you pala sa pagtulong mo sa akin, alam ko namang hindi mo na dapat ito ginawa pero maraming salamat talaga."




"Still she shouldn't did this to you. Buti na lang at dito ka nagpunta sa hacienda at tinulungan ka ng mga tauhan ko." Ani ni Carlos pero ang isipin kung ano pa ang pinag-daanan nito kagabi ang hindi niya lubos maisip at buti na lang talaga ay nakatakbo nga ito. 




Inalis ko ang kumot sa katawan ko, doon ko lang napansin na nakasuot ako ng kulay puting t-shirt at siguro kanya itong damit. Suot ko pa din ang pang-loob ko dahil ramdam ko 'yon at kahit makirot ang paa ay inapak ko 'yon sa sahig. 





Napataas ang kilay ni Carlos ng makita ang ginawa ng dalaga, pinatay niya sa ashtray ang papaubos niyang sigarilyo. "And where you going?"




"A-Alis na, baka kase nakaka-abala na ako dito lalo na sa 'yo." Mahina kong sabi. 




"With that looks? may lagnat ka pa nga at naka-benda pa ang mga paa mo. So no hindi ka puwedeng umalis, you will stay here in my hacienda from now on Misty."




#maribelatentastories

M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon