Hi, Atticus is now on going on Patreon and vip group🖤
"Hayysss sa dinami-dami talaga ng makakasabay sa grocery 'yong may tililing pa talaga ang makakasabay ko." Sabi ng congressman na si Wilde ng mapag-sino ang maliit na babae sa harapan niya.
Agad namang tinaasan ng kilay ni Jesylyn ang lalakeng nasa likod niya ng marinig niya ang sinabi nito, at natural kilala niya 'to dahil ito lang naman ang kapitbahay niyang si crocs. "Tumigil-tigil ka muna crocs at ganitong bad mood ako ha." Sabi niya dito, magkasunod kase silang dalawa sa cashier at talagang may naka-buntot pa ditong dalawang bodyguard. Feeling celebrity 'yan?
"Bakit dito ka pa kase nagpunta kung nagmamadali ka? Saka ano ba 'yang binili mo?" Tanong pa ng binata na nakatingin sa hawak-hawak na box ni Jesylyn na hindi niya naman malaman kung ano dahil hindi niya mabasa kung ano 'yon.
"Para 'to sa kiffy at hindi mo din alam 'to kahit pa ipaliwanag ko sa 'yo." Balewalang sabi ni Jesylyn.
"K-Kiffy? What's that?" Nakakunot noong tanong ng binata.
Tinaasan pa ng kilay ni Jesylyn si Wilde, ang dami talagang urirat ng lalakeng 'to. "Don't tell me hindi mo alam kung ano ang kiffy?" Parang hindi makapaniwala na tanong niya dito.
Si Wilde naman tuloy ang napakunot noo. "Kung alam ko hindi ko na sana itatanong sa 'yo kung ano ba 'yon diba? So what kiffy means?"
Hinawakan ko naman ang suot niyang kurbata at hinila 'yon, baka kase may makarinig sa akin kapag sinagot ko ang tanong niya. Kaya mas mabuti pang ibulong ko na lang sa tenga niya. "Kiffy means pussy Mr. Wilde, 'yon ang makabagong tawag sa pekpek gets?"
Para namang binuhusan ng isang baldeng tubig ang congressman na si Wilde dahil sa binulong sa kanya ni Jesylyn pero wala na dahil tapos na itong makapag-bayad sa cashier at talagang kumaway pa sa kanya bago ito lumabas. Kaya naman umalingawngaw na lang ang malakas niyang pagtawag sa pangalan nito sa loob ng grocery na dahilan para pag-tinginan siya ng mga tao.
Hacienda Elizondo..
Akala ko may mga iniwan man lang na mga gamit ko sa bahay ni Tiya Emilia ng pumasok kami doon kanina ni Carlos pero wala na din pala at puro mga basura na lang ang naabutan namin. Gusto ko din kase sana makuha man lang ang gamit ko pero wala naman na akong nakita pagpasok namin doon.
"Hey are you okay?" Kanina ka pa walang imik." Sabi ni Carlos matapos niyang alalayan si Misty Faith na bumaba sa kabayo. Hindi naman sila nagtagal sa kabilang hacienda dahil hindi pa din tapos ang mga tauhan niya sa paglilinis doon.
"W-Wala, naiisip ko lang 'yon sinabi mo sa akin at hindi lang ako makapaniwala." Sabi ko naman na pinagpagan pa ang suot ko. Buong buhay ko hindi ko talaga alam na dapat pala sa akin ang hacienda namin at kung hindi pa sinabi sa akin ni Carlos kanina ay hindi ko malalaman na ampon lang pala si Tiya Emilia at hindi siya totoong anak ng Lola at Lolo ko at lalong hindi siya kapatid ni Mama. Pero bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Tiya ang tungkol doon? Dahil tama naman si Carlos kung tutuusin ay hindi naman dapat si Tiya ang nakinabang sa lupa namin at ako nga dapat talaga.
"Don't think about it too much, ang mahalaga ngayon ay wala na doon ang Tiya Emilia mo." Ani ni Carlos. "Come on may ipapakita ako sa 'yo." Sabi niya dito at hinawakan ang kamay nito para igiya papunta sa loob ng kuwadra. Pero maya-maya lang ay bumitaw din agad sa kanya si Misty.
"A-Ayoko nga, h-hoy tumigil ka diyan ha. Alam ko na 'yang iniiisip mo dahil ganyan din ang sinabi mo sa akin no'n. Hindi ako papasok diyan dahil baka kung anong gawin mo na naman sa akin."
Hindi naman na napigilang matawa ng haciendero dahil naintindihan na niya ang ibig sabihin ng asawa. "We will not have sex there again if that's what you think, may ipapakita nga ako sa 'yo." Sabi niya pa dito at inabot ulit ang kamay niya dito.
Tiningnan ko muna siya, gusto kong alamin kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi pero ang loko nginitian lang ako. "Siguraduhin mo lang ha, kapag ikaw may ginawa kang hindi maganda sa loob sisigaw talaga ako."
Pinag-salikop ni Carlos ang kanilang mga kamay ng humawak na ito ulit sa kanya. "Wala ka naman dapat ikatakot kapag kasama mo ako, at ako nga ang dapat kabahan dahil sa ginawa mo sa akin kagabi."
Napanganga naman si Misty Faith dahil pinaalala pa talaga nito ang pinag-gagawa niya. Kaya naman nahampas niya ito sa balikat. "Tumigil ka nga, lasing ako kagabi no. And you took advantage to me."
"Wow at ako pa nga." Tinulak na ni Carlos ang malaking pintuan papasok sa kuwadra and when he looked Misty Faith she looked surprised when she saw what inside.
"Ang ganda Carlos, bagong bili mo 'to?" Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya dahil ang atensyon ko ay nasa kulay puting kabayo na nasa harapan namin. Nginitian ko ang tauhan niyang nandito pati na 'yong sinasabi nila Miriam na beterenaryo na nakita namin no'ng nakaraan.
"I bought this after the day you said to me you want a white horse." Sabi ni Carlos na hinimas sa ulo ang puting kabayo na binili niya, this one came from in Middle east and he choose this kind of breed it because of the stamina, gentleness, intelligence and beauty of this horse. This one is called Arabian horse, and may ganitong breed naman na siya pero wala nga lang kulay puti. At hindi naman siya nanghinayang sa pinambili niya dito dahil sulit naman ang ginastos niyang halos dalawang milyon. "And yes this is for you."
"Hindi nga?" Parang hindi makapaniwala si Misty sa sinabi nito. "Carlos!" At sa sobrang saya ni Misty Faith ay niyakap niya ito at tiningkayad para halikan ng mabilis sa labi. Nakalimutan na nga niya na hindi lang sila ang nandoon sa loob ng kuwadra dahil sa sobrang saya niya.
Hindi pinahalata ng haciendero na nagulat siya sa ginawa ng asawa, she's really something and he like it everytime he's surprised like this. At talagang marunong na din mang-gulat! 'Yong gulat na nanghahalik bigla! "Come on puwede naman na yata itong ilabas eh." Sabi niya na tiningnan ang beterinaryo na siyang nag-aalaga ng mga hayop niya dito sa hacienda. Pinatawag niya talaga ko kanina kay Jimuel para malaman niya kung okay lang ba talaga itong kabayo na bagong dating.
"Sige, sige." Natutuwa na sabi ko naman.
At mas nakita nga nila ang ganda ng kabayo ng ilabas na nila ito sa kuwadra, hindi pa ito sinakyan agad ni Carlos dahil alam niyang pagod din ito galing sa biyahe. Still the horse is so beautiful.
"Ang ganda ng balahibo niya ang puti-puti tapos ang kintab." Sabi ko habang hinihimas ang kabayo, akala ko pa nga ay matapang pero mukhang mabait naman at hindi din takot sa tao.
"It is, and sa susunod dito na kita aangkinin Misty, habang sakay tayo ng kabayong 'to at nag-iikot dito sa hacienda."
"A-Ano? Carlos!"
At tumawa na lamang ang haciendero dahil sa reaksyon ng asawa, hindi na din niya ininda ang hampas na naman nito sa braso niya.
#maribelatentastories