CHAPTER 43

30K 353 28
                                    



               LAST CHAPTER






Thank you to Ms. Misty Faith Lago who let me used her name for this story. M.V series 02 Wilde Hawk Winston will start on Monday, and tumatanggap po ako ng book cover sa M.V series, ako lang kase gumawa niyan😅



And sana tumigil na ang mga nagso-soft copy ng mga story ko, dahil uulitin ko nakikipag-bardagulan po talaga ako lalo pa at pinaghihirapan ko din isulat ang bawat chapter ng kuwento ko.






Five months passed..

"Salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya ng iabot niya sa akin ang isang basong gatas. Si Carlos ang nagtitimpla sa akin nito kahit kaya ko naman gawin. Isa kase ito sa nireseta sa akin ng doktor na inumin ko araw-araw para sa baby namin. At siguro nga mas marami na akong nalaman tungkol sa kanya sa ilang buwan naming pagsasama dahil mas nakilala namin ang isa't-isa at ang pinaka-importante siguro ay hindi na din ako naiilang sa kanya ngayon.  



"Uminom ka na naman daw ng softdrinks kanina." Hindi naman galit ang boses ni Carlos pero nandoon pa din ang kagustuhan niya na sawayin ito at ipaalam na hindi maganda na uminom pa ito ng gano'n. Wala kase siya maghapon sa bahay nila dahil naging busy na naman siya sa hacienda dahil anihan na naman ngayon. Pero kapag ka-buwanan na nito ay hindi muna talaga siya mag-aaalis-alis. 



"Kaunti lang naman saka puwede naman daw sabi ng doktor sa akin paminsan uminom no'n." Pagdadahilan ko, ewan ko dito kay Carlos at talagang napaka-istrikto sa mga kinakain ko. Lahat ng kainin ko ay talagang bantay niya at gusto niya na sariwa lagi at galing pa dito sa hacienda. Maski nga karne ay talagang nagpakatay siya at inilalagay na lang namin sa freezer. At hindi lang baboy ang pinakatay niya kung hindi maski baka at kambing para may pagpipilian daw ako, idagdag pa na puwede din kumuha ng isda sa fish pond niya kaya nga din siguro lumaki din talaga ako ng ganito dahil sa kanya. 



See? Sabi na nga ba eh, mangangatwiran na naman siya sa akin. "Still, 6 months na 'yang tiyan mo Misty at ilang buwan na lang makikita na natin ang anak natin kaya sana 'yong mga bawal sa 'yo ay huwag mo munang kainin." Inalayayan pa ni Carlos maupo sa upuan ang asawa, nandito kase sila sa veranda at nagpapalipas ng oras, gabi naman na pero alam niyang maya-maya pa ito mag-aayang matulog. 



"Kanina lang naman ako uminom ulit." Kinurot ko nga siya sa pisngi niya at napahagikgik na lang ako ng makita kong napa-aw siya sa ginawa ko. "Bawal na ang may balbas kapag lumabas na si baby."



"Tsk, no way. Hindi ko aahitin 'to no. saka huwag itong balbas ko ang isipin ko dahil alam kong iniiba mo lang ang usapan." Ani ni Carlos na naupo sa tabi ng asawa, they have really have a rollercoaster ride relationship. Alam niyang hindi pa gano'n katiwala sa kanya si Misty Faith pero tiniyaga niya talaga na suyuin ito, kahit pa noong kasagsagan ng paglilihi nito ay talagang parang gusto niya na din sumuko. Paanong hindi niya masasabi 'yon. eh nasaksihan niya kung paano kainin ni Misty ang mga weird na pagkain na sa hinagap niya ay gugustuhin ng isang tao na kainin. Pero madalas kase ay pati siya mismo ay nadadamay sa pagkain ng mga pinag-lilihian nito at ang ending ay kinakain na lang din niya at dinadamayan na lang ang asawa para hindi ito magtampo o magalit sa kanya. 



I held his hand and put it on my tummy, at nakita ko ang reaksyon niya ng maramdaman niya na sumipa ang baby namin. 



"Sigurado na talaga ako na lalake ang anak natin." Ani ni Carlos, na parang nawala ang pagod ng maramdaman ulit ang pag-sipa ng anak nila. "Dapat kase nagpa-ultrasound ka na eh, para naman alam na natin kung ano ba ang gender ng magiging anak natin." Sabi pa niya. 



M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon