Hi! Hindi pa po dumadating yong books from Paperink pero baka bukas dumating naman na siya so by Wednesday ko siya ipapadala. Yon lang thank you!
Hacienda Elizondo..
"Alam mo sa kakaganyan mo kay Wilde baka mamaya magka-gusto ka sa kanya." Sabi ko kay Jesylyn habang palabas kami ng kusina. Kumuha ako ng dala niyang cassava cake para doon namin ito kainin sa labas. Nandito kase ang kaibigan ni Carlos na si Congressman Wilde at nag-iinom nga silang dalawa sa labas.
"Tsk, over my dead gorgeous body Misty, hindi mangyayari 'yang sinasabi mo no." Mataray na sabi ng dalaga, malay ba niyang nandito na naman pala ang kumag na 'yon. Eh di sana hindi na lang siya nagpunta dito sa kaibigan niya kung alam niya lang.
"Pero mahirap din magsalita ng tapos, saka single pa naman 'yang si Congressman kaya malay natin diba." Biro ko sa kanya, hindi ko alam bakit parang inis sila sa isa't-isa at parang laging mag-aaway kapag nagkikita. Samantalang magkapitbahay naman pala silang dalawa.
"Hindi pa din, hindi ko magugustuhan 'yang lalakeng 'yan no." Tutol na tutol na sabi pa ni Jesylyn.
"Pero hindi tayo sure mahirap 'yan na nag-aasaran kayong dalawa tapos ang ending kayo din pala."
"Ay naku friend hindi ako magkakagusto sa crocs na 'yon okay." Sabi pa ni Jesylyn na binuksan ang pinto para paunahin si Misty Faith na lumabas. Hindi talaga lalo pa at yabang na yabang siya sa lalakeng 'yon!
"Kumakain ka ba ng suso Pare?" Tanong ni Wilde sa kaibigan, si Carlos lang talaga ang lagi niyang dinadayo dahil ito lang ang kaibigan niyang alam niyang papayag na makipag-inuman sa kanya kahit anong oras. He just came from the office and after his work he went here and hang out to his hacienda.
Pero hindi pa nakakasagot si Carlos ng biglang may bumatok kay Wilde.
"Shit! Tangina!" Asik ng kongresman at agad napatayo mula sa pagkakaupo at tiningnan kung sino ba ang gumawa no'n sa kanya.
"Bastos talaga 'yang bibig mo no? Pati ba naman mga kabalustugan mo ay talagang sinasabi mo pa kay Carlos. Anong kumakain ng suso ha!" Sabi naman ni Jesylyn na rinig na rinig talaga ang tinanong ng crocs na 'to kay Carlos. Suso? Aba natural mahilig ang mga lalake sa gano'n! At ayaw niyang isipin kung ano ba ang ginagawa ng kaibigan niyang si Misty Faith pati na ng asawa nito. Suso means breast right? As in dibdib ng babae sa tagalog!
Parang hindi naman makapaniwala si Wilde sa sinabi sa kanya ng babaeng maliit na nasa harapan niya. "I'm not referring on the body parts okay? I'm referring the real suso that you can catch on the river!" May diin niya pang sinabi ang suso sa kaharap dahil mukhang iba ang iniisip nito.
Para namang napahiya si Jesylyn dahil mali nga yata siya ng narinig at pagkakaintindi. Pero wala na, tutal nabatukan niya na ito at magkakahiyaan lang kung magso-sorry siya. "Ayusin mo kase mga tanong mo, hindi 'yong kamanyakan ang nasa utak mo." Sabi niya na dito.
"Wow at ako pa nga, bakit iba naisip mo no? Don't worry ayoko ng suso mo." Balik na sabi ni Wilde na hindi din talaga magpapatalo, aba nakakadami na ang babaeng ito sa kanya no!
"Tumigil nga kayong dalawa." Ako na ang sumaway at hinila si Jesylyn na maupo sa tabi ko. Nakita ko 'yon at alam kong nakita din 'yon ni Carlos na katabi ko lang ngayon. Kung paano binatukan ng kaibigan ko si Wilde at parang gusto kong mahiya lalo pa at congressman ang binatukan ni Jesylyn.
Natatawa na lang na tinuro ng haciendero sa kaibigan ang upuan para umupo ito ulit. Geeezz parang nakahanap na ng katapat ang kaibigan niyang ito sa katauhan ni Jesylyn. "Oo kumakain ako no'n Pare, favorite ko nga 'yang suso eh." Pagsagot niya sa tinanong nito kanina.
Si Misty Faith naman tuloy ang tumingin sa asawa dahil ngiting-ngiti ito sa sinabi. At bakit parang katulad ng kaibigan niya ay iba na din tuloy ang iniisip niya? Suso ba talaga na pagkain o 'yong suso ng babae?
"Someone gave that to me Carlos, at ang dami no'n na parang 15 kilos yata. Kaya tinanong kita para papadalhan kita sa driver ko bukas." Sabi ni Wilde na tiningnan pa ng masama si Jesylyn. Buti na lang talaga at naturuan siya ng mga magulang na rumespeto sa babae dahil kung hindi masasakal na talaga niya ito sa susunod.
"Sure sure padala mo sa akin dahil masarap 'yang suso kapag ginataan diba tapos sisipsipin mo ng sisipsipin hanggang lumabas 'yong laman." Natatawa pa din na sabi ni Carlos dahil kinurot lang naman siya ng asawa sa hita niya. Pero hinawakan niya ang kamay nito at pinag-salikop 'yon. Siyempre favorite ko ang suso, lalo na 'yong kay Misty Faith.
Kinabukasan ay sumama si Misty Faith kila Esther at Miriam na pumunta ng bayan. Wala si Carlos at may inasikaso ito tungkol sa negosyo sa kabilang bayan kaya naman dahil walang magawa ay sumama na lang din siya na mamili sa dalawang kasambahay.
"Teka Kuya bakit may sasakyan?" Tanong ni Esther sa katabing driver dahil biglang may humintong itim na sasakyan sa harapan nila. Nakalabas na sila ng hacienda at heto nga may sasakyan na humarang sa sinasakyan din nila.
"Hindi ko din alam." Sabi naman ng driver at binusinahan pa ang kotse. Pero nagulat na lamang sila ng may lumabas doon na apat na lalake at may mga hawak na baril at pumunta sa gawi nila. Mabilis na ni-lock ng driver ang mga pinto pero tinuktok naman ito ng mga lalake na akma pa ngang ipuputok ang baril na mga hawak. Kaya wala din nagawa ito kung hindi i-unlocked ang pintuan ng sasakyan.
"S-Sandali, a-anong kailangan niyo?" Takot na sabi ko ng buksan nila ang pinto sa gawi ko. Hinawakan ako ng katabi kong si Miriam at gaya ko ay nanlalamig din ang kamay niya.
"Ikaw, ikaw ang kailangan namin Ma'am Misty." Sabi naman ng lalake at mabilis na binaril ang driver bago hinila ito palabas ng sasakyan.
#angsusoniwilde
#maribelatentastories