"What you mean ayaw mo? I'm not giving you a choice Misty, that's my decision at gusto ko sumunod ka sa sinasabi ko." Carlos will not accept a no, lalong-lalo na ang ano mang rejection. Beside this is the first
time he ask someone to marry him kaya lalong hindi siya papayag sa sagot na hindi."P-Pero ayoko nga kase wala namang dahilan para magpakasal tayong dalawa at isa pa s-sagrado ang kasal." Ano 'yon bigla na lang niya akong aalukin ng gano'n? Aba hindi puwede no! Isa pa hindi talaga ako magpapakasal sa isang kagaya niya, ni hindi ko pa nga nararanasan na magkaroon man ng boyfriend tapos asawa pa kaya?
Sumeryoso naman ang mukha ng binata habang nakatingin ng maigi kay Misty Faith, she really look so naive, pure and righteous at parang ang isipin na ginawan ng masama ng tiyahin nitong si Donya Emilia ang dalaga ay hindi niya lubos maisip ang tungkol doon. Para ngang ayaw niyang maniwala na magkamag-anak ang dalawa eh. Dahil gano'n ba ito ka-desperado na tao para ipa-rape ang sariling pamangkin?
"Okay I will ask you this, if ever na payagan kitang umalis dito sa poder ko at sa hacienda ko saan ka pupunta?" Tanong ni Carlos.
"M-Mero'n naman akong mga kaibigan sa bayan kaya puwede naman akong makituloy doon, o kaya naman puwede din akong mangupahan." Sagot ko sa kanya, I don't want to be a damsel in distress to him. Ayoko na kaawaan niya ako dahil sa nangyari sa akin o kaya ikagalit pa niya ng husto ang ginawa ni Tiya Emilia sa akin.
Pagak na natawa ang haciendero at saka kinuha ang kaha ng sigarilyo sa kanyang bulsa. Nagsindi siya at agad humithit no'n. "And you think kapag tumuloy ka sa kaibigan mo o kaya nangupahan ka ay titigilan ka na ng walanghiya mong tiyahin? She can easily drag you home Misty and do whatever she want to do with you."
Natahimik ako, oo tama siya, puwede nga sigurong gawin sa akin 'yon ni Tiya Emilia pero hindi din naman ako puwedeng pumayag sa gusto niya. "A-Ayoko lang makaabala dito sa 'yo Carlos, alam kong malaking utang na loob ang ginawa mo at ng mga tauhan mo sa pagtulong sa akin pero hindi naman ako puwedeng dumito na lang at magtago."
"Who says? I own this place Misty and I can really do whatever I want and decide who's people I'm going to allow to stay here. And if iniisip mo na naaawa ako sa 'yo puwes hindi 'yon ang naiisip ko. Ayoko lang ng may taong naargabyado at winawalanghiya kagaya ng ginagawa sa 'yo ni Donya Emilia."
"Eh bakit mo ako inaalok ng kasal?" Nakakunot noo na tanong ko sa kanya.
"Because once you marry me I can promise to you that no one can harm you, walang puwedeng manakit sa 'yo at lalong walang puwedeng gumawa ng ka-walanghiyaan sa 'yo. Ginawan ka na ng masama ni Donya Emilia at kung hindi ka siguro nang-laban o kaya naman nakatakbo ay baka tuluyan ka ng winalanghiya ng mga tauhan niya."
Hindi ako umimik kase parang hindi ko pa din ma-gets kung bakit gusto niya ako pakasalan. Pero paano nga kung umalis na ako dito sa hacienda niya oras na gumaling na ako o bumuti na ang lagay ko? Tiyak na kung dito lang din ako sa bayan ng Colores mananatili ay hindi malabong mag-krus ang landas namin ni Tiya Emilia at baka nga ibalik niya ako sa hacienda at hindi na makatakas pa. Pero kung sakaling mag-pakasal ako kay Carlos sigurado ako na may isang salita siya at hindi niya hahayaan na may mangyari sa akin lalo na kung nandito ako sa poder niya.
"K-Kung sakaling pumayag ako sa gusto mo ibig sabihin dito na ako titira sa hacienda mo?" Lakas loob kong tanong sa kanya.
"Of course, you will live here with me Misty." Ani ni Carlos na muling humithit ng hawak na sigarilyo. Wala kase siyang magiging karapatan oras na kupkupin lang niya ang dalaga kapag pinuntahan ito dito ni Donya Emilia. Pero kung kasal sila at matatawag niyang legal itong asawa ay siguradong hindi niya hahayaang magalaw o makalapit man lang ang tiyahin nito kay Misty.
"A-At kapag pumayag ako hindi naman siguro natin gagawin ang ginagawa ng totoong mag-asawa diba?" Tanong ko pa ulit.
Carlos smirked before he put blew again his cigarette and put it on the ashtray. "Are you referring on sex?" Prangkang tanong niya dito, dahil 'yon naman ang pagkakaintindi niya sa tanong ng dalawa.
"Y-Yes 'yon nga." Iniwas ko tuloy ang tingin ko sa kanya dahil parang hindi ko kaya makipag-titigan sa kanya. At ganito ba talaga siya tumingin? 'Yong bang parang nakakalusaw?
"I have unapologetically normal thoughts Misty which happen to be intense and erotic, so yes we will have sex once you marry me." He answered to her, mabuti na 'yong malaman nito na mangyayari talaga 'yon oras na pumayag ito na magpakasal sa kanya. Isa pa hindi naman siya isang santo na hindi nakakaramdaman ng libog sa katawan. He have a healthy libido but still he only choose woman he can have sex with.
Misty Faith gulped after hearing his answered. Parang mali na nagtanong pa siya dito dahil hindi niya inaasahan na 'yon ang sagot sa kanya ng binata. At hindi man lang din talaga nag-sinungaling! Pero syempre hindi din naman siguro ito mag-aalok na tutulungan kung walang kapalit diba?
"Why are you still virgin? Are you scared that I'll be the first man into your life?" Tanong muli ni Carlos ng hindi sumagot ang dalaga sa kanya.
"H-Hindi no, gusto ko lang malaman kung gagawin ba natin ang ginagawa ng totoong mag-asawa para alam ko kung papayag ba ako sa gusto mo o hindi." Natural hindi ko sasabihin sa kanya na wala pa akong karanasan sa sex at lalong-lalo na hindi pa ako nagkaka-boyfriend.
.
He shook his head because he knew she's lying to him. Pero ayos lang dahil alam naman ng binata ang totoo. He knew that she's still a virgin so.. "So are you saying yes to me Misty Pumapayag ka na ba magpakasal sa akin?"
"K-Kung maipapangako mo na walang mangyayari sa akin na masama dito at hindi mo ako ibibigay kay Tiya Emilia oras na puntahan niya ako dito ay sige p-pumapayag ako." Sagot ko sa kanya, dahil hindi ko din naman kayang labanan ang tiyahin ko ng ako lang mag-isa. Oo dapat kong tanawin ng utang na loob ang pagkupkop niya sa akin pero ang alam ko kase ay siya naman ang gumamit ng perang iniwan para sa akin ng mga magulang ko. At siya na nga din ang umangkin sa hacienda na ang mama ko naman talaga ang totoong may-ari. Tapos ako pa ang naging walang utang na loob at walang kuwenta?
"I promise, may isang salita ako Misty so be ready dahil kahit hindi ka pa magaling ay magpapakasal na tayo bukas ng umaga soon to be Mrs. Elizondo." Carlos said to her as he stood up and leave her inside of his room.
#maribelatentastories