"HINDI TALAGA AKO MAKA-GET OVER SA NANGYARI, MA!" inis na turan ni Trisha habang hinahanda ng kanyang ina ang kanilang hapunan.
Umamin na siya sa kanyang pamilyang siya'y nag-audition bilang TV host at ikwinento niya ang lahat ng nangyari sa kanya kanina.
Tinapik ni Lianna ang kanyang balikat. "Ayan ang napapala ng mga nag-o-audition nang palihim! Haha!
"Basta ako, nalulungkot talaga ako. Nalulungkot talaga ako kasi hindi sumipot si Light sa audition namin! Akala ko pa naman, yun na ang pagkakataon para makita ko siya in person!"
Lumapit sa kanila ang kanilang ina't inihanda ang kanilang ulam. "Tumigil na nga kayo sa pag-iinarte't ikain niyo nalang 'yan!" sabi niya. "Sa halip na maging malungkot, maging masaya nalang tayo dahil may pagkain pa tayo ngayon! Magpakabusog na tayo't sa mga susunod na araw ay kakapit na naman tayo sa itlog dahil ubos na ang pera natin!
"At ikaw Lianna, tigil tigilan mo na 'yang pagka-adik mo diyan sa bandang 'yan! Ano bang mapapala mo diyan?! May pera ba diyan?!"
Bumuntong hininga si Lianna sa kanyang ina. "Ma, hindi mo kasi naiiintindihan ang kasiyahang nadudulot sa akin ng NZP21, eh!
"Sadyang nakakalungkot lang talaga dahil wala pa rin kaming alam kung ano ba talaga ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Stan kaya nama'y hanggang ngayo'y hindi pa rin makagetover ang buong NZP21 Community sa mga pangyayari!"
Sumabat si Trisha sa usapan. "Eh ano na nga bang development sa investigation tungkol sa pagkamatay ni Stan?"
"Alam mo ate, bago kasi mamatay si Stan eh-" sasagutin na sana ni Lianna ang tanong ni Trisha nang may kumatok sa kanilang pinto - ang kanilang ama.
Hindi pa halos nakapasok ng bahay ang kanilang ama'y sinermunan na ito kaagad ng kanilang ina, "Ba't ang tagal mo? Muntikan na tuloy kaming maunang kumain! Nako, sinasabi ko talaga sa'yo Emman! Kapag nalaman kong kaya ka laging late umuwi eh dahil gumagawa ka ng kabulastugan, makikita mo talaga ang hinahanap mo sa'kin!"
Sumagot ang kanilang ama sa kanyang asawa. "Ayan ka na naman sa pagiging praning mo, Danica! Pasenya na't grabe kasi ang traffic ngayon kaya hindi ako makauwi nang maaga't may inaayos na naman kasing highway malapit sa'tin!
"Alam mo naman dito, kapag malapit na ang eleksyon, kanya kanyang pagbibida bida ang ginagawa ng mga pulitiko!"
Umupo ang kanilang ama kasama nila sa hapagkainan. Habang sumasandok siya ng kanin ay inilapag ni Danica kay Emman ang mga utility bills. "Oh ayan, akala ko ba'y binayaran mo na ang kuryente't tubig natin? Eh bat may disconnection notice tayo?! Hihintayin mo na naman bang mawalan tayo ng tubig at kuryente bago ka magbayad?!
"Pag-iigibin mo na naman ba kami ng mga anak mo?!"
Bumuntong-hininga si Emman. "Wag ka nang mag-alala't mababayaran ko na talaga yan ngayong linggo! Kinapos lang talaga yung budget ko this week pero mapapangako ko sa'yong mababayaran ko 'yan!
BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Mystery / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. +++ Ano ang gagawin mo kung mayroon ka...