/start/

985 23 12
                                    

Sensitibo ang tema at hindi perpekto ang mga bida

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sensitibo ang tema at hindi perpekto ang mga bida. Ang layunin ng kwentong ito ay para mas makilala natin ang mga taong katulad nila nang sa gayo'y makapag-reflect tayo sa ating mga sarili kung ano ba ang tama at mali, at kung ano ba ang mga dapat nating gayahin at/o tularan at kung ano ang hindi.

Also, I have a small favor to ask, I would be very happy if you'll comment your reactions while reading my story but please don't spoil it. Gusto kong ma-experience ng kapwa mo reader ang mga bagay na na-experience mo habang binabasa ang kwentong ito. 

Maraming salamat and enjoy reading! :)

"ANO BA TALAGA ANG TOTOO?!" seryosong turan ni Stan habang binibigyan siya ng kanyang manager na si Zander ng mainit na tsaa galing sa tsarera

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ANO BA TALAGA ANG TOTOO?!" seryosong turan ni Stan habang binibigyan siya ng kanyang manager na si Zander ng mainit na tsaa galing sa tsarera.

Si Stan ay isa sa mga miyembro ng 'NZP21' - isa sa pinakakilalang boy group sa Pilipinas. Nasa kwarto siya ng kanyang manager ngayon, gusto niya sana itong kausapin tungkol sa isang bagay na matagal nang bumabagabag sa kanya.

Naglagay ng sariling tsaa si Zander sa kanyang baso habang kinakausap siya. Habang sila'y humihigop ng mainit na inumin ay ramdam ng bawat isa ang tensyong pumapalibot sa kanila.

"Ano na naman ba ang gusto mong tanungin sa'kin, Stan?!" pagtatanong ni Zander. "Kahit na anong pilit mo, wala kang makukuhang impormasyon sa'kin dahil wala naman akong kinalaman sa mga pinagsasasabi mo!

"At isa pa, hindi ko kasalanan na naniniwala ka sa lahat ng mga tsismis na naririnig mo!"

Hindi makapaniwala si Stan na hanggang ngayon ay nagkukunwari pa rin ang kanyang manager na walang alam sa gusto niyang i-punto.

Seryosong tinignan ng binata ang kanyang manager. "Kilala mo ako, Zander, hindi ako basta bastang naniniwala sa mga tsismis! Naniniwala lang ako sa mga may basehan!

"Wala ka nga ba talagang kinalaman? O sadyang may pinagtatakpan ka lang? Bilang manager ng grupo namin, mataas ang naging respeto ko sa'yo, ngunit hindi ko mapapalagpas 'to! Kung ako sa'yo, habang maaga pa't kinakausap kita nang masinsinan ngayon, umamin ka na sa akin!

Death of an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon