PAGKAPASOK ni Trisha sa dining hall ay nakatingin sa kanya ang lahat ng mga tao. Nakasuot siya ng napakagandang white dress at nakapagpagupit na rin siya ng buhok - naka-bangs siya upang matakpan ang kanyang pimples sa noo.
Habang tinitignan niya ang kanyang sarili kanina, nagulat siyang bumagay sa kanya ang pagkakaroon ng bangs. Hindi rin niya akalaing pwede pala siya maging ganito kaganda.
Papalapit na sana ang mga directors, producers, at mga maiimpluwensyang tao sa kanya ngunit nang makita nila ang kanyang badge, iniwasan na siya ng tingin ng karamihan, tanging ang mga kapwa may white badge lang ang kumakausap sa kanya.
Napakaganda ng grand dining hall, para kang nasa loob ng isang kastilyo. May mga sumasayaw sa gitna habang may mga trainees naman ang kumakausap sa mga directors, producers, at mga maiimpluwensiyang tao sa STRYBE.
Kadalasan ng mga kinakausap ng mga taong ito ay ang mga violet cardholders lamang. Bihira silang may kausaping white cardholders.
Nasa ibang grand dining hall naman ang mga gold cardholders, may sarili silang event kung saan mas maraming maiipluwensyang tao ang nandoroon.
Habang hinahanap ni Trisha ang kanyang upuan ay mayroong tumapik sa kanya - isang babaeng may violet badge na sumisimbolo ng kanyang pagiging violet cardholder.
"Hi! Ako nga pala si Mary Tess!" sabi ng dalaga sa kanya. "Nice meeting you! Ano ang pangalan mo?"
Balingkinitan ang katawan ni Mary Tess at mahilig siyang mag-red lipstick at magkulay ng pulang buhok.
"Ako nga pala si Trisha." pagngiti niya. "Nice meeting you, rin!"
Ngumiti sa kanya si Mary Tess. "Nakita kitang parang nahihiya kanina kaya nama'y minabuti kong kausapin ka para mawala 'yang hiya mo. Hahaha!"
Tinignan ni Mary Tess si Trisha mula ulo hanggang paa. "Maganda naman ang dress mo ngayon kaya wala kang dapat ikahiya!"
"H-hindi kasi ako sanay sa ganitong mga events, eh." sagot ni Trisha.
"Naku, ngayon palang ay kailangan mong masanay!" turan ni Mary Tess. "Mas lalo nang white cardholder ka! Kailangan mo talagang mag double the effort dahil ikaw ang kinakailangang lumapit sa mga directors and producers.... hindi sila!"
May itinuro si Mary Tess na isang lalaking naka coat and tie. "Alam mo ba 'yang director na yan? Manyak yan! Kaya kailangan mo lang magpakaseductive kapag kinakausap mo siya para bigyan ka niya ng project!
"Pero kailangan mo ring umiwas nang kaunti sa kanya dahil ibang level ang kamanyakan niyan! Hahaha!"
May itinuro muli si Mary Tess, isang babaeng violet cardholder na naka-yellow dress. "Alam mo ba 'yang violet cardholder na 'yan?! Naku, ginawa ng kanyang pamilya ang lahat para lang maging violet cardholder siya! Kumapit nalang ang pamilya niya sa kakilala nilang gold cardholder, eh!"
Tinignan siyang muli ng dalaga, "All I'm saying is, kung gusto mo talagang makilala't makagraduate sa training village, kailangan mo talagang laksan ang loob mo't gawin ang lahat so you'll have a spot!"
May ibinigay si Mary Tess na calling card sa kanya sabay ngiti.
"See you sa loob ng training village, Trisha!"+++
PAGKATAPOS ni Trisha pumunta sa dining hall ay iniligpit na niya ang kanyang mga gamit nang may biglang kumatok sa kanyang kwarto - si Zionna. Pinagbuksan niya ito ng pinto. May dala-dala itong isang maliit na vault box.
"Trisha, handa ka na bang pumasok sa loob ng training village bukas?" pagngiti ni Zionna. "Bago ka pumunta sa loob ng training village, may mga kailangan muna tayong gawin.
"Unang una sa lahat, kailangan mong i-delete ang iyong mga social media accounts... pati na rin ang iyong mga messaging apps. Kung mag-graduate ka kasi sa loob ng STRYBE, iba na ang gagamitin mong online personality kaya nama'y kinakailangan mong tanggalin ang lahat ng mga online traces mo. Mayroon ring sariling digital consulting firm ang STRYBE na magtatanggal ng mga pictures, videos, at iba mo pang traces sa mga search engine sites.
"About naman sa iyong pakikipagcommunicate sa iyong pamilya, tanging sa mga rest days mo lang sila makakausap through a company phone."
Binigay ni Zionna ang company phone ni Trisha.
"Programmed 'yang company phone upang ang mga tao lang sa loob ng STRYBE ang makausap mo. I-uunrestrict namin ang access mo every rest days for about 3 hours para may time kang makipag-usap sa iyong pamilya.
"With that said, pagkatapos mong i-delete ang iyong mga social media accounts ay kukunin ko ang iyong phone at ilalagay sa mini vault na ito." sabi ni Zionna sabay bukas ng vault.
"Makukuha mong muli ang phone mo after mong mag-graduate o kung napalayas ka sa loob ng training village.
"O siya, kinakailangan nating magmadali't maaga ka pang babyahe papunta sa loob ng STRYBE Training Village bukas!"
+++
ITO NA ang pinakahihintay na sandali ng mga STRYBE trainees - ang araw ng pagpasok nila sa training village. Nagpaalam na si Zionna kay Trisha habang ang dalaga'y papasok na sa company owned bus na magdadala kay Trisha sa STRYBE Training Village."It was nice meeting you, Trisha!" sabi niya sabay yakap sa dalaga. "Basta wag mong kakalimutan ang mga tips ko sa'yo ha? That's how you'll survive the training village!"
Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Do not forget to always drink your medicines para matuyo na ang mga tigyawat mo't ma-control ang pagtubo nito muli.
"Wag mo ring kakalimutang laging dalhin ang white card mo dahil parati mo yang gagamitin sa loob ng training village! Pagkababang pagkababa mo ay mayroong mga assistants na sasalubong sa inyo upang lagyan ng pangalan ang inyong mga cards. Ito-tour rin nila kayo sa loob ng village. Sundin mo lang ang lahat ng kanilang mga sasabihin sa iyo ha?!
"And don't forget to enjoy! Start na ito ng journey mo into becoming a famous TV Host!"
Ngumiti si Trisha sa kanya. "Maraming salamat rin, Zionna, sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Siguro kung hindi mo ako tinulungan, hindi ko talaga alam kung ano na ang gagawin ko."
"You're welcome, Trisha!" pagngiti ni Zionna sabay turo sa bus. "Mukhang nagmamadali na ata sila ngayon ah. Oh siya, tapusin na muna natin ang kadramahang 'to at pumasok ka na sa loob ng STRYBE bus! Goodluck sa'yooo!"
Nagpasalamat muli si Trisha kay Zionna, pagkatapos ay pumasok na sa loob ng STRYBE bus. Pagkapasok na pagkapasok niya'y tinignan siya ng mga kapwa niya trainees. May ibang nakangiti ngunit may iba ring nakasimangot sa kanya.
Sa dulong gilid ng bus ay may kumakaway sa kanya - si Mary Tess. Sinesenyasan siya nitong tumabi sa kanya. Ngumiti si Trisha sa dalaga sabay lapit sa kanya. Nang siya'y makaupo na siya'y, excited nitong hinawakan ang kanyang kamay.
"Sabi ko na nga ba magkikita tayong muli eh!" masayang turan ni Mary Tess.
"Gosh Trisha, grabe pala ang mga pangyayari sa STRYBE habang tayo'y nasa grand dining hall noh?!
"Viral na viral ngayon si Jennylyn at si Tita Tea!"
Naguguluhan si Trisha sa sinabi ni Mary Tess. "B-bakit? Ano bang nangyari sa kanila?"
"Girl, hindi ka ba nanonood ng national news?!" pagkunot ng noo ni Mary Tess. "Viral na viral kagabi yung nangyari kay Jennylyn ah!
"Nakitang patay si Jennylyn sa loob ng kanyang kwarto!!"

BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Misteri / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. === GENRE: Mystery/Thriller/Romance DI...