HINATID sina Trisha at Darla ng driver ni Tiffany papunta sa isang magarang restaurant.
Pagpasok na pagpasok nila sa loob ay binati sila ng babaeng server, tila kilala na sila nito, "Welcome to Amigo Restaurant! My name is Nika, and I will be your personal assistant during your lovely stay here at our place!
"Ms. Tiffany already reserved a table for you two, Ms. Trisha Payagpag and Ms. Darla Angeles. Let's go there, shall we?"
Tumango sina Trisha kay Darla.
"Frenny, nakaka-nosebleed pala dito!" bulong ni Darla sa kanyang kaibigan. "In fairness ha, ang lakas makapangmayaman ang lugar na ito! Kung alam ko lang na pupunta tayo rito, sana nag-pulbos man lang ako, mukha kasi tayong gusgusin eh! Hahaha!
"Ano kaya ang mga kakaininin natin frenny, bigla akong na-excite eh!"
Hinatid sina Trisha at Darla ni Nika sa kanilang mesa at pinagsilbihan ito. "Our chef's signature dishes will be here in just a few minutes, while you wait, allow our musicians to serenade you with songs to fill your heart! If you need me, just ring the bell at the center of your table and I will be with you shortly.
"Any questions for me, Ms. Trisha and Darla?"
Nahihiyang tumango si Trisha kay Nika. "Wala naman na po kaming tanong, Ms. Nika T-thank you po for assisting us!"
Nginitian ni Nika si Trisha. "Absolutely my pleasure, Ms. Trisha!"
+++
NAG-AALALA si Darla habang hinihintay nilang maihanda ang kanilang mga pagkain, "Paano 'yan, friend?! Malapit nang matapos ang ating lunch time pero andito pa rin tayo sa labas ng training village?!
"Si Zander pa naman ang next class natin kaya for sure, papagalitan tayo nun kapag na-late tayo! Hay nako talaga friend! Mukhang mali talaga atang pumayag tayong maging assistant, eh!"
Habang nagrereklamo si Darla'y tumunog ang telepono ni Trisha, tinatawagan sila ni Tiffany upang makipag-video chat. Sinagot ng dalaga ang tawag. Pagkasagot niya'y nakangiti ang kanilang amo sa kanila. "Hi guys! Ano, nagustuhan niyo ba ang ambiance diyan sa Amigo Restaurant?!
"Lagi 'yang pinagkekwentuhan ng mga kilala Violet and Gold cardholders, eh! Actually after class eh may mga kumakain na estudyante diyan! Kaya nga naisipan kong 'yan ang gawin kong caterer ng event natin this Saturday eh!
"The thing is, hindi ako sure kung masasarap ba talaga ang mga pagkain diyan. Alam kong famous ang Amigo Restaurant pero dahil hindi pa ako nakakapunta't hindi ko pa natitikman ang mga foods diyan eh nag-re-rely lang ako sa mga sinasabi ng mga nakakausap ko!
"Gusto kong ma-assure na high quality foods talaga ang mga pagkain sa restaurant na 'yan kaya ko kayo pinapunta diyan! Oh and by the way, I forgot to tell you guys na after niyong kumain diyan eh need niyong pumunta kaagad sa next restaurant na inyong i-re-rate!
"Pagkatapos niyong kumain sa 2nd restaurant, don't forget to call me para ibigay sa akin ang mga ratings niyo, okay?!
"O siya, ba-bye na muna't maghahanda pa ako for our next class! Bilisan niyo na rin para hindi kayo ma-late sa school, ha!
"Ba-bye!"
Sa sobrang daldal ni Tiffany ay hindi na nakapagsalita sina Trisha at Darla. Napasimangot si Darla, "Anong akala niya sa atin, may superpowers na kayang makapag-teleport palabas at papasok ng school?! Hay nakooo, palibahasa siya kasi, lagi lang siyang nasa TV kaya hindi niya alam kung anong klaseng pagdurusa ang ginagawa niya sa atin, eh!
"Ganun na ba talaga siya ka-'out of touch' sa reyalidad? Kaloka!"
Habang nagrereklamo si Darla'y inihanda na ng mga waiter ang kanilang mga pagkain. Nang maihanda na ang lahat ng pagkain ay nagmadali silang kainin ang mga ito.

BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Mysterie / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. === GENRE: Mystery/Thriller/Romance DI...