PARA kay Trisha, hindi mansyon ang bahay ni Blaze kundi isang palasyo. Namangha ang dalaga sa laki ng property ni Blaze sa loob ng training village.
Ngayon ang unang araw na titira siya sa loob ng 'palasyo' ng binata. Hinatid siya ng butler ni Blaze na si Sir K na siyang naging punong abala sa paglilipat ng dalaga.
"Sinabihan ako ni Master Blaze na ako na lang daw ang mag-tour sa'yo sa loob ng kanyang mansyon." nakangiting turan ng matanda habang pinagbubuksan sila ng pinto ng mga kasambahay. Napaka-moderno ng itsura sa loob ng mansyon ng binata.
Habang sila'y naglalakad papasok ay pumunta ang lahat ng empleyado ng binata sa kanyang harapan upang magpakilala. Unang napansin kaagad ni Trisha ang kawalan ng babaeng tauhan. Lahat kasi ng mga ito'y lalaki.
Kinausap muli ni Sir K si Trisha, "Sila ang mga helpers sa loob ng mansyong ito, Trisha." wika niya. "Anytime na may kinakailangan ka'y pwede mong kausapin ang kahit sino sa kanila. Wag kang mahihiyang utusan sila't ipagawa ang iyong gusto."
Nakatingin lang ang mga lalaking tauhan ni Blaze sa kanya't ngumiti ang isa sa mga ito. Habang pinagmamasdan ng dalaga ang mga mukha ng mga empleyado'y hindi niya magawang hindi pansinin ang mga matitipunong katawan ng mga ito.
Habang tinitignan ng dalaga ang katawan ng mga tauhan ay biglang umubo si Sir K, senyales na may gusto itong sabihin sa kanya, "Ms. Trisha Payagpag, your Gold card is now ready. Supplementary cardholder ka ni Sir Blaze kaya nama'y lahat ng purchases na gagawin mo using that card ay malalaman niya.
"You can use this card anywhere you go because your card has no limits."
Nagpasalamat si Trisha kay Sir K. Habang binibigay ng matanda sa dalaga ang kanyang Gold card ay may mga lalaking pumasok sa loob ng mansyon, dala-dala ng mga ito ang mga mamahaling gamit at damit na binili ni Blaze para sa kanya.
"Dahil Gold cardholder ka'y binilhan ka ni Sir Blaze ng mga bagong damit. Tinapon na namin ang mga dati mong kagamitan at binilhan ka ng bago.
"Nagbago na ang iyong antas sa training village kaya simula ngayon, ang mga binili ni sir na ang gagamitin mo. Paki-check mamaya kung maayos ang fit ng mga damit sa'yo para masabihan namin kaagad ang aming modista kung may kailangan pang ayusin sa sukat nito."
Habang nagpapatuloy sa pagsasalita si Sir K ay may isang lalaki na lumapit sa kanya, may hawak hawak itong paper bag. "Oo nga pala, Trisha. Binilhan ka rin ni sir ng bagong cellphone at laptop.
"Pinapasabi niya sa akin na kapag binuksan mo na daw ang iyong cellphone ay ilagay ko daw ang kanyang phone number diyan. Sabihan mo nalang ako kung na-set up mo na ang phone mo para maibigay ko sa'yo ang phone number ni Sir Blaze.
"Sabi niya rin sa akin ay hindi ka na daw kailangang pumunta sa loob ng eskwelahan dahil sinabihan na niya ang headmaster na siya na daw ang mag-co-coach sa'yo. One on one daw kayo.
BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Mystery / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. +++ Ano ang gagawin mo kung mayroon ka...