DAHIL magkakilala na sila kanina pa, nagpasya sina Trisha at Darla na maging magkasama sa iisang kwarto. Double deck ang kanilang kama. Si Darla ang nasa baba habang si Trisha naman ang sa itaas. Inayos nila ang kanilang mga gamit at naglinis sila sa loob ng kwarto.
"Parang wala talagang naglinis dito, ano?!" sabi ni Darla kay Trisha. "Buti nalang eh mayroon silang na-provide na walis at dust pan para makapaglinis tayo! Hahaha!
"Ganto pala ang buhay ng white cardholder dito, noh! Ipapamukha talaga nila sa'yong wala kang pera! HAHAHA! Biruin mo ba naman, nung kinuha natin kanina ang mga kumot at unan natin eh talagang pinamukha pa nilang galing sa sponsor nila 'yan kaya dapat tayong maging super thankful! Hahaha!"
Bumuntong hininga si Darla. "Anyway, kahit naman ganun ang naranasan natin eh masaya pa rin akong nasa loob na tayo ng STRYBE Training Village! Hahaha! Alam mo bang hindi ko talaga in-expect na makakapasok ako dito? Grabe, dream come true talaga! Sa wakas eh mapupursue ko na ang pangarap kong maging TV host!"
Tinignan ni Trisha si Darla. "Ay, TV hosting rin pala ang sinalihan mo? Ako rin eh! Magiging magkaklase pala tayo, if ever!"
Natuwa si Darla sa sinabi ni Trisha. "Buti nalang at may friend na ako! Hahaha! Hindi na ako ma-a-out of place!"
Tinapik ni Darla si Trisha, "Pero alam mo ba, sabi sa akin ng naging assistant ko before tayo nakapasok dito eh kaunti lang daw pala talaga ang nag-audition para maging TV host ng STRYBE!
"Bukod sa kaunti na lang ang nag-audition dahil sa mga kontrobersya ng STRYBE ngayon, marami rin daw ang nag-backout dahil sa nangyari kay Jennylyn Alfonso! Marami daw kasing mga magulang ang hindi pumayag papuntahin ang kanilang mga anak dito, eh!
"Kaya siguro nakapasok ako dito kasi kulang na kulang na talaga sila sa trainees! HAHAHAH! As far as I know kasi, mga balingkinitan talaga ang pinipili ng STRYBE pero look at me! Nakapasok ako! Hahaha!"
Natawa si Trisha sa sinabi ni Darla. "Ano ka ba, naniniwala akong nakuha ka ng STRYBE dahil may nakita silang potensyal sa'yo! Ang galing mo kayang mag-endorse ng milk tea kanina! Doon palang eh nakita ko nang may maibubuga ka talaga eh!"
Kinilig sa tuwa si Darla sa sinabi ni Trisha. "Eto naman, masyado akong binobola! Hahaha!" sabi niya sabay tapik sa kanyang kaibigan, "Oh siya, tutal nama'y naayos na natin ang mga gamit natin, tara labas na tayo! Excited na excited na kasi talaga akong pumunta sa STRYBE Performing Arts School, eh!"
+++
PAGKATAPOS nilang mag-ayos ng mga gamit sa kani-kanilang mga kwarto ay hinatid sila ni L-Mo papunta sa kanilang paaralan. Sinakay sila sa jeep papuntang STRYBE Performing Arts School.
"Oh, eto na ang final stop natin!" sabi ni L-Mo sa kanila. "Magkakaroon kayo ng general assembly ngayon kaya makikilala niyo ang lahat ng mga trainees ng STRYBE!
"Dito na rin kayo magkakawatak watak dahil i-gu-group na kayo base sa mga kurso niyo. Pagkababa niyo ng jeep eh pumasok na kayo kaagad sa school at hanapin niyo ang mga assistants na may hawak ng banner ng napili niyong course. Sundin niyo lang sila't pumila kayo nang maayos ha!
"It was nice meeting you all! Goodluck sa inyong STRYBE journey!!"
Pagkahinto ng jeep ay pinababa na sila ni L-Mo sa tapat ng paaralan. Magkasama sina Trisha at Darla na pumasok sa loob.
Tinignan ni Darla ang kanyang kaibigan. "School lang 'to, Trisha?! Eh university na 'to sa amin eh! Ang laking school naman nito! Napakaganda naman dito, para akong nag-aaral sa ibang bansa!"
Ginamit nila ang kanilang white card at itinapat nila ito sa card reader upang makapasok sa loob ng gate. Nang makapasok sila'y may mga opisyal ng STRYBE na may hawak hawak na banners. Nang makita nila Trisha ang 'TV Hosting' na banner ay pumunta sila sa STRYBE assistant na may hawak ng banner na iyon.

BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Misterio / SuspensoAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. === GENRE: Mystery/Thriller/Romance DI...