ILANG LINGGO na naninirahan sina Kiss at Light sa bahay ni Mamang ngunit hindi pa rin sila makahanap ng tamang tyempo upang sabihin sa matanda ang offer nilang bayaran ang mga utang nito. Maagang maaga pa lang kasi'y umaalis na si Mamang sa kanyang bahay upang magtrabaho.
Isang araw ay gumising sina Kiss, Light, at Kaloy upang makausap si Mamang. Hindi pa nagigising ang matanda'y nasa sala na sila, naghahanda ng almusal.
"Espesyal ang araw na ito kay Mamang kasi pupunta siya ngayon sa isa sa mga tourist spot malapit sa probinsya namin!" sabi ni Kaloy sa kanila. "Samahan natin siya't doon nalang natin sabihin ang offer niyo sa kanya!
"Baka kasi mabigla yun kung umagang umaga pa lang eh bubungadan niyo siya ng offer niyo, eh! Kilala ko kasi si Mamang, ayaw niya talagang nagkakaroon ng utang na loob kahit kanino kaya kinakabahan ako na baka i-decline niya ito.
"Kaya dapat kausapin natin siya kapag good mood siya! Para mapapayag natin siya kaagad, hehe."
Umayon naman sa kanya sina Kiss at Light.
Binigyan sila ni Kaloy ng kape, itlog, at tinapay. Habang kumakain ay kinakausap sila ni Kaloy, ngingiti ngiti. "Habang naghihintay tayo sa magiging sagot ni Mamang, sabihin ko na sa inyo ang pangalawang pabor ko. Pwede ba?"
Sumagot si Kiss. "Sige, ano ba 'yang 2nd favor mo?"
"N-next week kasi ay may balak akong i-date eh. Gusto ko sanang bigyan niyo ako ng tips para mas lalong pumogi! Gusto ko rin sanang bumili tayo ng damit para sa date ko! May naipon naman akong dalawang libo para makabili ng damit at makapunta sa siyudad." sagot ng binata.
Napangiti si Kiss sa sinabi ni Kaloy. "Naks naman, puma-pag-ibig ka pala ah! Hahaha!
"Oo naman, syempre tutulungan ka namin diyan! Pagupitan lang natin 'yang magulo mong buhok at konting ayos lang ng pananamit eh magmumukha ka nang ido-"
Pinutol ni Light si Kiss, hangga't maari kasi'y ayaw niyang malaman ng mga tao sa probinsya na kilala silang 'idol' sa siyudad.
"Basta tutulungan ka namin!" pagngiti ni Light. "Kami na bahala sa'yo!
"Pero may hindi lang ako maintindihan, kasi sabi mo kanina pupunta ka ng siyudad di ba? Ba't kailangan mo pang pumunta doon? Wala bang bilihan ng damit at pagupitan dito?"
Natawa si Kaloy sa tinanong ni Light, kinikilig pa rin. "Eh kasiii..... Taga siyudad yung i-de-date ko eh!
"Isa kasi siya sa mga umalis dito sa probinsya kaya gusto ko sana siyang hanapin sa siyudad! Alam ko naman kung saan sila naninirahan ngayon kasi na-i-kwento niya sa'kin kung saan sila titira sa siyudad kaya mabilis ko na siyang mahahanap!
"Basta ang importante talaga sa akin eh yung magmukha naman akong tao pag nakita niya ulit ako! Para naman maka-pogi points ako kahit papaano! Hahaha!"
Sumabat si Kiss sa usapan. "Alam mo, mas maganda talagang doon ka na lang sa siyudad magpagwapo! Marami kaming kakilala doon na pwedeng makatulong sa'yo eh!
BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Mystery / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. +++ Ano ang gagawin mo kung mayroon ka...