/36/

63 5 3
                                    

ABALA ang lahat ng mga tauhan ni Blaze dahil may photoshoot na gaganapin sa loob ng mansyon. Siya kasi ang napili na maging brand ambassador ng isang sikat na men's swimwear brand.

Habang naghahanda sila Blaze sa gaganaping event, nakahiga pa rin si Trisha sa kanyang kwarto. Hindi kasi nakatulog nang maayos ang dalaga kagabi dahil paulit-ulit pumapasok sa kanyang isipan ang pagbibigay ni Blaze sa kanya ng blue Hyacinth habang sila'y nagsasayaw.

Nang ibinigay sa kanya ni Blaze ang bulaklak, nag-slo-mo bigla ang lahat para sa dalaga. Nakatuon ang kanyang pansin sa sinserong mukha ng binata habang humihingi ito ng tawad sa kanya.

"I-im sorry, Trisha."

Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang espesyal siya. Hindi niya lubos akalaing sa binata pang ito niya mararamdaman ang ganitong klaseng pakiramdam.

Hindi niya rin alam kung bakit pero bigla nalang nag-iba ang tingin niya sa binata simula noong panahong iyon. Marami na siyang napapansin kay Blaze na hindi niya napansin dati tulad ng pulang labi nito na nang-iimbitang mahalikan.

Napansin niya rin rito ang pabango ng binatang gustong-gusto niya amoy-amuyin dahil ito ay ang nagpapaalala sa kanya ng amoy ng malamig na simoy ng hangin na siyang nagpapabanayad ng puso't damdamin niya.

Habang naaalala niya ang itsura ng binata'y lumalakas ang pintig ng kanyang puso. Mas lalo pa siyang hindi nakatulog nang maalala niya kung paano siya titigan ni Blaze sa mata.

Ang mga matang nangungusap na maintindihan. Ang mga matang dahilan kung bakit siya naaakit sa binata.

Habang tuliro si Trisha sa kanyang kwarto'y may kumatok sa kanyang pinto, si Sir K. Pagkabukas niya ng pintuan ay nakangiti ang matanda sa kanya.

"Goodmorning, Miss Trisha." masayang sambit ni Sir K. "Pinapasabi ni sir Blaze na mauna na daw po kayong mag-breakfast dahil busy pa siya sa photoshoot. Pinaghandaan na po namin kayo ng pagkain!"

"Ahh, sige po, salamat! Bababa na p-po ako." nahihiyang sagot ng dalaga sa matanda.

"P-pero Miss Trisha, kaya ko kayo kinatok eh may favor sana ako sa inyo." biglang nagseryoso ang mukha ni Sir K. "Sinubukan ko na po kasing humingi ng pabor sa mga tauhan dito sa bahay pero walang may gustong gawin ito, eh.

"Kaya nagbabakasakali ako na kayo ang makakatulong sa amin... tutal kayo lang po ang babae rito."

Nagtataka si Trisha sa sinasabi ng matanda. "A-ano po ba 'yon. Sir K?"

Nginitian ni Sir K ang dalaga, "Sumama po kayo sa akin, Miss Trisha."

+++

"MISS Trisha, pwede po bang kayo ang maglagay ng baby oil sa katawan ni sir Blaze?" pagtatanong ni sir K sa kanya habang sila'y nasa harapan ng nakahubad na binata. Nasa pool area sila ng mansyon at tanging swimming shorts lang ang suot ni Blaze.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang matanda. "Ayaw po kasi naming kami ang magpahid ng baby oil sa kanyang katawan ni sir Blaze, eh. Panay lalaki kasi kami kaya nakakahiya naman kung kami ang gagawa nito.

"Akala po kasi namin eh may babaeng production crew sa photoshoot niya ngayon pero panay lalaki rin pala ang mga crew. Kailangan daw po kasing mapahiran ang lahat ng parte ng katawan ni sir Blaze pati po ang kanyang likod."

"S-si Blaze ang papahiran ko ng baby oil sa buong katawan?!" paghuhurumentado ni Trisha sa kanyang isipan.

Tatanggi na sana si Trisha sa pabor ni sir K ngunit binigay na ng matanda kaagad sa kanya ang baby oil. Palihim na napangiti si sir K nang lapitan ng dalaga si Blaze. Pasimple namang nag-iwas ng tingin si Trisha sa binata. Nakatingin naman sa hawak-hawak niyang water hose ang si Blaze, pasimpleng napapangiti rin.

Death of an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon