PAGKAPASOK ni Blaze sa dining room ay nakita niyang nakayukong naghihintay ng pagkain si Trisha. "Oh, bakit hindi mo sila sinabihan na ihanda na ang pagkain?!" pagtatanong ni Blaze sa kanya.
Magsasalita na sana si Trisha nang biglang may isang binatilyong pumasok sa loob. Nakaputing damit ito't nakangiting sinalubong ang dalawa. Umupo siya kaagad sa upuang katabi ni Blaze, dahilan upang suminghal ang binata.
"W-wow, hindi ko inexpect na n-nagdadala ka na pala ng babae dito sa mansyon mo, kuya!" pagngiti ng binatilyo kay Blaze sabay tingin kay Trisha. "Hi miss, anong pangalan mo?!"
Ilang na sinagot ng dalaga ang binatilyo. "A-ako nga pala si Trisha."
"Hi Trisha! Ako nga pala si Kravi, ang adopted brother ni kuya Blaze!" pagngiti ng binatilyo sa kanya. "Kailan ka pa naging girlfriend ni kuya?! Nag-kiss na ba kayo?! Ayiiiieee!
"Alam mo bang pihikan sa babae si kuya kaya naniniwala akong may something special sa'yo kaya ka niya niligawan! Alam mo, natatakot na nga ako na baka maging ermitanyo na si kuya kaya natutuwa ako na may girlfriend na siya!"
Pagalit na nagdabog sa mesa si Blaze, "Kravi, tumigil ka nga! Hindi ko girlfriend 'yang babaeng 'yan noh! And for the last time, I told you not to say that you're my 'adopted' brother!
"You don't have to say you're adopted! 'Brother' is already fine!"
Habang pinapagalitan ni Blaze si Kravi ay inihanda na ng mga kasambahay ang pagkain nila.
"Hindi daw girlfriend pero kung makahanda eh parang pang-date night. Hahaha!" pang-aasar ng binatilyo sa kanyang kapatid. "Kuya, nakalimutan mo yatang bumili ng chocolates para maging sweet ka naman kahit kakaunti! Hahaha!"
Kung hindi lang talaga mayroong ibang kasama si Blaze ngayon ay matagal na niyang binatok-batukan si Kravi dahil sa kung anu-anong pinagsasasabi nito. "Yung bunganga mo talaga kahit kailan eh walang preno!"
Pangisi ngisi lang si Kravi habang namumula na sa galit ang kanyang kapatid. "Sus, mana lang ako sa'yo, kuya! Hahaha!" wika niya. "Tara na nga, kumain na tayo!"
🔍🔍🔍
NAPAPANSIN nina Kravi at Blaze na hindi masyadong kumakain si Trisha.
"Ba't ayaw mo pang kumain? Maselan ka ba sa pagkain?! Kung anong nasa hapag-kainan, yun ang kainin mo!" pagalit na turan ni Blaze habang nakatingin kay Trisha.
Napabuntong-hininga si Kravi sa kanyang kapatid, natatawa sa inaasta nito. "Ang gusto talagang sabihin ni kuya eh nag-aalala siya sa'yo kasi hindi ka pa kumakain. Napapaisip din siya kung ano ba ang gusto mong kainin pero nahihiya siyang tanungin ito sa'yo!
"Ano ba kasi ang gusto mong kainin para maipaghanda ito sa'yo ni kuya? Gustong gusto na kasi niyang maging house husband mo, eh! Hahaha!"
Nahihiyang ngumiti si Trisha kay Kravi, "H-hindi lang talaga ako gutom ngayon kaya hindi ako masyadong makakain pero masarap ang lahat ng inihanda niyo kaya maraming salamat!"
BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Mystery / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. +++ Ano ang gagawin mo kung mayroon ka...