/23/

41 10 7
                                    

TINIGNANG muli ng babaeng coach na ito ang mga dalaga mula ulo hanggang paa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TINIGNANG muli ng babaeng coach na ito ang mga dalaga mula ulo hanggang paa. Nakuha nina Trisha at Darla ang interes niya. Nagulat siya nang makitang mukhang gusgusin ang dalawang dalaga habang hihingal hingal itong nakatingin sa kanya.

Balingkinitan ang pangangatawan ng kanilang coach. Mala-porselana ang kanyang balat at nakasuot ito ng napakagandang white floral dress at simpleng white shoes na nag-match sa damit nito.

Dahil sa ganda ng coach na ito, ang mga lalaking trainee sa loob ng classroom ay nakatitig sa kanya. Para siyang isang bulaklak na humahalimuyak, umaaliwalas, pume-presko at gumaganda ang paligid dahil sa presensya niya.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Ano ba ang ginawa niyo't bakit parang mukha kayong nakipaglaban sa mga leon?! Gosh, hindi pepwedeng magmukha kayong ganyan, my dear!

"Bilang isang STRYBE trainee, you have to make sure to make yourself presentable all the time! Every minute you are here opens an opportunity for you to get discovered by our sponsors! Do you honestly think na kukunin kayong dalawa ng mga partners namin if you're looking like that?!

"Image is really important in this business, my dear. Whether you have a bad hair day or not, you have to make sure that you are visually appealing all the time. Dito sa industry na ito, kinakailangan mo talagang pangalagaan ang imahe mo.

"Also my dear, you two are 25 minutes late! Hindi pepwede 'yan! Isa sa pinagmamalaki ng STRYBE ay ang punctuality ng aming mga idols! We will not allow you to graduate kung ngayon pa lang ay ganyan na ang attitude niyo. Ngayon pa nga lang na trainees kayo ay ganyan na kayo, what more pa kaya kung naging professionals na kayo, di ba?"

Humingi ng paumanhin sina Trisha at Darla sa bagong coach na ito. Tinanong ng kanilang guro kung ano ang mga pangalan nila na siyang sinagot naman ng mga dalaga.

Nanlaki ang mga mata ng ginang. "Ahhh, kayo pala ang sinabi sa akin ni Madam Phlox na mga troublemakers sa class na ito. I've heard so much about the two of you from her." wika niya. "Now I know kung bakit niya sinabi sa aking manmanan kayong dalawa.

"Anyway, Trisha and Darla, ako nga pala si Coach Niandra. Ako ang magtuturo sa inyo on how to be presentable in front of the media.

"You two may now sit. Mukhang marami pa tayong kailangang i-discuss!"

🔍🔍🔍

PAGKATAPOS ng kanyang klase, pumunta si Niandra sa opisina ni Madam Phlox upang magtsaa kasama ang kanyang kaibigan. Ever since naging coach siya sa STRYBE Training Village ay ang ginang na ito lang ang kanyang naging matalik na kaibigan. Nagkaroon sila ng espesyal na koneksyon kaya nama'y alam nila ang sikreto ng bawat isa. Kapag libre ang mga oras nila'y nagkekwentuhan sila sa opisina ni Madam Phlox.

"Nakilala ko na sina Trisha at Darla, yung mga dalagang sinasabi mong pumukaw ng atensyon mo." sabi ni Niandra sabay higop ng kanyang tsaa. "Infairness, they do look interesting."

Death of an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon