"DETECTIVE TRISHA Payagpag, akala mo ba'y hindi kita makikilala?" pilyang turan ni Tita Tea habang kinakausap niya si Trisha sa telepono. Nasa loob siya ng secret room ni Blaze ngayon, naka-loudspeaker ang telepono kaya naririnig ng binata ang pag-uusap nilang dalawa.
Nanlamig ang buong katawan ni Trisha nang banggitin ni Tita Tea ang kanyang buong pangalan. Kung anu-anong senaryo ang naiisip niya ngayon, hindi niya alam kung bakit siya kilala nito't paano niya nalaman na detective siya.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Blaze ngayon. Nangyari na kasi ang kinatatakutan niya. Nadamay si Trisha sa gulo. Iniisip niya na siya ang may kasalanan kung bakit pinupuntirya ni Tita Tea ang dalaga. Palala na ng palala ang sitwasyon nilang dalawa.
Humalakhak si Tita Tea sa telepono, "Akala mo ba'y hindi ka konektado sa laro namin, Trisha? Hahaha!
"Hindi mo lang alam pero simula't sapul ay kasama ka na sa mga plano ko't kaya ka nasa loob ng training village ngayon ay dahil sa akin! Hahaha! Bago pa man magsimula ang paghihiganti ko ay pinag-isipan ko munang maigi ang mga magiging hakbang ko para mapilitan kayong gawin ang lahat ng mga ipapagawa ko!
"And my plan worked! Hindi ko inakalang madali lang pala kayong paikutin!"
Napakaraming katanungan ang nasa isip ni Trisha ngayon ngunit hindi niya maibuka ang kanyang bibig. Sa sobrang tensyon ay hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya na para bang may pumipigil sa kanyang gumalaw. Napakalakas ng kabog ng dibdib niya't umaakyat ang kanyang dugo sa kanyang ulo.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Tita Tea, "May tsika ako sa inyo, Blaze at Trisha! Buksan niyo ang inyong computer at may ipapakita ako sa inyo!"
Dahil hindi makagalaw si Trisha ay si Blaze na lang ang nagbukas ng computer. Bagamat nag-aalangan siyang buksan ito'y alam niyang wala na naman siyang choice kundi sundin ang ipinapagawa ni Tita Tea sa kanila.
Dahil may remote access si Tita Tea sa computer nila Blaze ay siya na mismo ang gumalaw sa computer screen nito upang ipakita sa dalawa ang logo ng Neotoma. Hindi inakala ng dalaga na pati ang sikretong organisasyong ito ay alam ng hindi kilalang taong ito.
"Akala mo ba'y kayo lang ang may underground secret network ng mga spies, detectives, at hackers, Trisha? Akala mo ba'y hindi ko alam ang tungkol sa Neotoma? Hahaha!" sarkastikong turan ni Tita Tea. "Hindi mo ba alam na isa sa mga founding fathers ng grupo niyong iyan ay ang lider naming si Irsiso?
"Too bad nga lang dahil hindi kayo sang-ayon sa mga mithiin niya! At dahil ayaw niyo sa mga gusto niyang gawin, pinaalis siya ng kapwa niya founder sa Neotoma! Ang problema nga lang, marami rin sa inyo ang umanib kay Irsiso dahil naniniwala ang mga ito sa layunin niya!
"Kaya, eto kami ngayon, pinaglalaruan kayong lahat!"
Hindi alam ni Trisha na may iba pa palang founding members ang Neotoma dahil ang nakilala lang niya ay sina Rat K, Rat Q, at Rat P. Sa katunayan, mukhang mas may alam pa si Tita Tea tungkol sa history ng kanilang secret organization kaysa sa kanya. Ngayon lang rin nalaman ng dalaga ang tungkol kay Irsiso at wala siyang kaalam-alam na mayroon rin palang ibang secret organization kaysa sa Neotoma.
BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Misteri / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. +++ Ano ang gagawin mo kung mayroon ka...