NASA loob ng kanyang sariling kuwarto ngayon si Rave, pinaghandaan siya ng mga alagad ni Irsiso ng pagkain ngunit tinanggihan niya ito.
"Hindi ka na naman kumain." sabi ng isa sa mga alagad ni Irsiso sa kanya. Tulad ng ibang mga alagad, nakasuot din ito ng maskara sa mukha. "Kung gusto mo pang makalabas dito, kinakailangan mo ng sapat na lakas para mapagtagumpayan ang lahat ng mga pagsusulit na ibibigay sa'yo.
"Do yourself a favor and eat, Rave."
Sinimangutan ni Rave ang alagad ni Irsiso. "Wag mo akong pakialaman! Hindi ko kakainin ang mga pagkain niyo't baka mamaya'y may lason pa 'yan!"
Nilapitan siya ng alagad ni Irsiso na kumausap sa kanya. "Kung ganun, pwes, dadalhin na kita sa iyong susunod na pagsusulit at kanina ka pa hinahanap ni Irsiso."
Binusalan na ng bibig si Rave at pinalabas siya ng kwarto't ipinasok sa isang stage na may korteng tatsulok. Ang bawat sulok ng stage ay mayroong silya. Paakyat palang ng stage si Rave nang makita niyang nakaupo sa isa sa mga silya ang kanyang kapatid. Nakabusal ang bibig nito't nakapulupot ng lubid ang buong katawan.
Gaya ng kanyang kapatid, pinaupo rin siya sa isang upuang nasa kabilang sulok ng tatsulok.
Sa may stage ay may pumasok na isang lalaking naka-sako ang mukha. Pinaupo siya ng mga alagad ni Irsiso sa natitirang silyang wala pang nakaupo. Pinuluputan rin ito ng lubid.
Pagkaupo nilang tatlo sa kani-kanilang silya, nagbukas ang mga ilaw ng stage. Ito ang senyales na kakausapin na silang muli ni Irsiso upang ibigay sa kanila ang mga kailanga nilang gawin para sa kanilang pagsusulit.
Nagbukas na ang mga speakers sa loob ng stage. "Sa pagsusulit na ito ay mas lalo kong malalaman kung gaano katatag ang samahan ninyong magkapatid.
"Simple lang naman ang pagsusulit na ito. Bibigyan ko kayo mamaya ng tig-isang envelope na mayroong papel at panulat sa loob. Sa inyong papel ay isusulat niyo papatayin niyo ba o hindi ang lalaking naka-sako ang ulo na nasa isang sulok ng triyanggulo ngayon.
" 'PATAYIN' o 'HINDI PATAYIN' lang ang inyong isasagot. Sa mga sarili niyong kwarto ito sasagutan mamaya. Pagkatapos ay babalik kayo rito muli upang malaman natin ang mga sagot ninyo."
Nagbukas ang red spotlight sa lalaking naka-sako ang ulo.
"Kapag parehas niyong isinagot ang salitang PATAYIN , ibig sabihin ay nagdesisyon kayong patayin ang lalaki. Kapag nama'y parehas niyong isinulat ang salitang HINDI PATAYIN, ibig sabihin ay nagdesisyon kayong hindi niyo siya papatayin."
Nagbukas rin ang red spotlights kina Rave at Axis.
"Importanteng importante na parehas kayo ng isasagot dahil kayong magkapatid ang mamamatay kung hindi kayo magkaparehas ng desisyon."
Mayroong isang malaking projector ang bumaba sa itaas ng stage.
Nagsalitang muli si Irsiso, "Ngunit bago ang lahat, may kailangan kayong malaman, mas lalo ka na Axis. Ang iyong malalaman ay tungkol sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng iyong magulang at sa mga sikretong itinago sa'yo ng iyong lolo at kapatid.
"Bagama't totoong namatay ang iyong magulang dahil sa car accident, importante ring malaman mo kung ano ang nangyari pagkatapos ng insidenteng iyon para malaman mo ang buong storya."
Pinakita ni Irsiso ang iba't ibang larawan ng mga magulang nila Rave at Axis sa projector screen. Nagpupumiglas si Rave sa kanyang pagkakalubid, sumisigaw ito habang nagkekwento si Irsiso.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Irsiso. "Pagkatapos maaksidente ng iyong mga magulang ay naidala pa sila sa ospital. Habang sila'y nasa ospital ay kinausap ng isa sa mga tauhan ng STRYBE ang iyong lolo upang makipag-areglo.

BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Misteri / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. === GENRE: Mystery/Thriller/Romance DI...