"SO ready na ba kayong maging Violet cardholders?!" pagtatanong ni Tiffany. Hindi pa niya hinihintay ang sagot nina Trisha at Darla nang magsalita siyang muli, "Simula ngayon, dito na kayo titira sa mansyong ito!
"Dalhin niyo na ang mga gamit niyo't eto na ang magiging tirahan niyo! Kung may kailangan kayo, utusan niyo lang kahit sino sa mga kasambahay diyan!
Marami akong imported foods diyan, kainin niyo na lahat bago ma-expire!"Nakatulala lang ang magkaibigan habang kinakausap silang dalawa ni Tiffany sa malaking TV. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ng dalaga na sa mansyon na sila titira.
Nagpatuloy muli sa pagsasalita si Tiffany, "Para sa pagsusulit ko sa inyo't para mabigyan ko kayo ng Violet card, kinakailangan niyo akong tulungang maghanda para sa event na magaganap sa mansyon! Maraming Gold and Violet cardholders ang pupunta rito sa Saturday, inimbitahan ko kasi silang lahat sa aking pool party!
"Espesyal ang araw na ito para sa akin dahil doon ko lubos na makikilala ang mga VIP cardholders at eto rin ang pagkakataon ko upang magkaroon ng maraming koneksyon sa loob ng training village!
"Kaya nama'y ine-expect ko na maging perfect ang lahat bago ang ating event! Kailangang maayos na kaagad ang mga kailangang ayusin para hindi tayo magahol sa oras sa pag-pe-prepare!
"Ngayon pa lang eh pinagsabihan ko na ang mga kasambahay diyan na maghanda para sa gaganaping party, pinapalinis ko na sa kanila ang bawat sulok ng mansyon para nama'y walang mapuna ang mga bisita natin this Saturday!
"Trisha and Darla, kinakailangan ko kayong tumulong sa iba't ibang bagay tulad ng pagpili ng catering service para sa ating party. Kinakailangan ko rin ang tulong niyo sa pag-check sa inventory ng mga ipapasok sa loob ng mansyon!
"At oo nga pala! Dahil kasali kayo sa party, kinakailangan niyo ring bumili ng susuutin niyong damit! Sasabihan ko ang aking butler na dalhin kayo sa kakilala kong fashion designer, doon tayo bibili ng mga damit niyo para naman maging presentable kayong tignan sa event!
"Kapag naging successful ang party this Saturday, opisyal ko na kayong gagawing mga assistant ko at syempre, bibigyan ko kayo ng Violet cards!
"Ano, ready na ba kayo sa inyong big task?!" pagngiti ni Tiffany kina Trisha at Darla.
Napakunot ng noo si Zander habang nakikinig sa usapan ng tatlong dalaga, "Mukhang maswerte kayo kay Tiffany ah?! Madali lang ang binigay niyang task sa inyo, eh!"
Kinausap niya si Tiffany sa TV, "Kasali ba ako diyan sa pa-event mong 'yan?"
Sinagot ni Tiffany si Zander "Oo naman! Bukod sa mga Gold and Violet cardholders, may mga staff rin ng STRYBE na dadalo sa party na 'yun at isa ka sa mga invited, noh!"
+++
HABANG busy si Tiffany na kausapin ang kanyang mga kasambahay sa TV para utusan kung ano ang mga kailangang gawin sa mansyon ay kinausap muna ni Zander sina Darla at Trisha.
"Ngayong alam niyo na ang tungkol sa Dragon's Den, importanteng importante na wala kayong pagsasabihan tungkol sa secret organization na 'to, okay?" seryosong turan ni Zander. "Maraming mata na ang nakatingin sa inyo. Bawat kilos niyo ay nakikita naming lahat. Marami kaming miyembro kaya 'wag na 'wag niyong susubukan i-expose ang grupo namin!
"Uulitin ko, wag na wag niyong subukang i-expose ang grupo namin kung ayaw niyong magkaroon kayo ng problema, nagkakaintindihan naman tayo 'di ba?"
Napalitan ng mga ngiti ang seryosong mukha ng lalaki, "Para sa kabutihan niyo rin naman ang dahilan kung bakit ko kayo pinagsasabihan, eh. Ayaw ko lang na magkaroon kayo ng kahit anong problema sa grupo dahil iniingatan ko kayo. Basta as long as maging mabait kayo't wala kayong gagawing kabalbalan habang nasa Dragon's Den, wala namang masamang mangyayari sa inyo. Pangako 'yan!

BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Mistério / SuspenseAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. === GENRE: Mystery/Thriller/Romance DI...