/26/

29 9 11
                                    

"KISS! LIGHT! Sagutin niyo na ang tawag ko! Ang dami na nating kailangang pag-usapan, diyos ko!" naiinis na turan ni Trisha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"KISS! LIGHT! Sagutin niyo na ang tawag ko! Ang dami na nating kailangang pag-usapan, diyos ko!" naiinis na turan ni Trisha.

Lingid sa kaalaman ng dalaga'y mayroong isang lalaking kanina pa na nasa loob ng library. Nagtatago ito sa isang sulok bago pumasok ang dalaga sa loob.

Dahil sa narinig niyang sinabi ng dalaga'y bigla itong tumayo't nilapitan si Trisha. "B-bakit mo hinahanap ang mga kaibigan ko?!!" pagkagulantang ng lalaking ito.

Laking gulat ni Trisha nang makita niya ang mukha ng lalaking nasa harapan niya, "B-blaze?! B-bakit nandito ka?!"

"What's the meaning of this, Trisha?! Bakit mo tinatawagan ang mga kaibigan ko?!" nanlilisik ang mga mata ng binata habang nakatingin ito sa kanya, "Answer me! Sino ka ba talaga?!"

Dahil sa pagkabigla'y hindi na alam ni Trisha kung ano ang dapat gawin. Hindi kasi siya sigurado kung mapagkakatiwalaan ba si Blaze. Sa pamamalagi kasi ng dalaga sa loob ng STRYBE Training Village ay hindi naging maayos ang turing ng binata sa kanya kaya nama'y hirap siyang magdesisyon kung sasabihin niya ba sa lalaking ito ang katotohanan o hindi.

Naghihintay si Blaze ng sagot mula kay Trisha. Gustong gusto niyang malaman ang kasagutan sa lahat ng bumabagabag sa kanyang kalooban ngayon.

Dahil pinutol niya ang lahat ng komunikasyon sa kanyang mga kaibigan ay kakaunti lang ang nasagap niyang balita tungkol sa mga ito.

Hindi niya gustong putulin ang komunikasyon sa kanilang lahat. Masyado lang kasing masakit pa rin para sa kanya ang pagkamatay ng kanyang bestfriend na si Stan. Hanggang ngayo'y nagluluksa pa rin siya sa pagkawala nito.

"S-sila lang ba ang Kiss at Light sa mundo?! I-iba ang kinakausap ko, noh!" pagsisinungaling ni Trisha.

'Ang pangit naman ng naging palusot ko' isip isip ng dalaga.

"Do you think I'm stupid to accept that kind of bullsh*t answer?! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo ngayon, Trisha!" pagalit na nilapitan siya ni Blaze. Ilang pulgada nalang ang pagitan ng kanilang mga mukha sa isa't isa, "Anytime ay pwede kitang ipa-expel dito sa lugar na ito kung gugustuhin ko! Do you really want me to go that far?!"

Hindi nakapagpigil ang binata't hinablot nito ang cellphone na hawak hawak ni Trisha. Nagmadali siyang tignan ang phone contacts ng dalaga't nakitang totoong tinatawagan nga nito ang kanyang mga kaibigan.

Napatotohanan niyang kinakausap nito sina Kiss at Light dahil special numbers ang phone numbers ng mga ito. 0976-001-001 ang phone number ni Kiss samantalang 0976-001-002 naman ang number ni Light. Last 3 digits lang ang nag-iiba sa kanilang mga phone numbers, 0976-001-005 naman ang number ni Blaze.

"So I just found out na sina Kiss at Light nga talaga ang tinatawagan mo." turan ng binata. "Huwag ka nang magpatumpik tumpik pa't nauubusan na ako ng pasensya sa'yo, Trisha!

"A-ano ang ibig sabihin nang lahat ng ito?!"

May kumalabog sa pintuan ng library ngunit hindi nila iyon pinansin.

Death of an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon