PINAGHANDA nila ng pagkain si Zionna habang siya'y naglilista ng kanilang mga kailangang gawin ni Trisha.
"Trisha, kinakailangan mo na nga palang mag-impake dahil maninirahan ka na sa isang five star hotel na malapit sa training village." sabi niya kay Trisha. "Bago ka kasi pumunta sa loob ng training village ay kailangan mong dumalo sa grand dining hall kung saan makikilala mo na ang ilan sa trainees na makakasama mo.
"Makikilala mo rin sa grand dining hall na yun ang mga directors, producers, at high ranking officials ng STRYBE na maaring makatulong sa'yo na magka-project kaagad. Malay mo, habang nasa training ka pa'y may magbigay na kaagad sa'yo ng mga projects, di ba?!
"Hindi malabong mangyari yun dahil napakarami ko nang nakilalang trainees nakagawa nun!"
Lumapit ang nanay ni Trisha sa kanilang dalawa at binigyan niya si Zionna ng kwek-kwek. "Oh, kain muna kayo habang naghihintay sa ulam natin, medyo natagalan kasi ang asawa kong bumili ng ipangluluto ko eh. Pasensya ka na ha?"
Kinuha ni Zionna ang kwek-kwek at kinain ito. "Okay lang po! Naku, matagal na rin talaga akong hindi nakakakain nito! Strict kasi ang diet guidelines ng STRYBE eh!"
Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Naku Trisha, kapag nandoon ka na sa training village, siguradong papayat ka!"
Nginitian ng ina ni Trisha si Zionna. "Oh siya, maiwan ko muna kayo diyan at kailangan kong hanapin kung nasaan na ang asawa ko! Baka mamaya, kung anu-ano na ang binili niya! Hahaah!"
"Okay po, salamat po ulit sa kwek-kwek!" pagpapasalamat ni Zionna sabay tingin kay Trisha. "Oo nga pala Trisha, magdala ka lang ng pantulog mo't mga essentials ha?
"Hindi mo na kailangang magdala ng isusuot mo sa grand dining hall dahil si Mr. Styles na ang bahala doon! Naitahi na rin pala ang iyong gagamiting uniform sa training village, napaka-elegante niyang tignan! Sa hotel nalang natin sukatin, okay?"
Nginitian ni Trisha si Zionna. "O-okay."
Lumapit si Lianna kay Trisha sabay yakap sa kanya. "Huy ate, galingan mo ha! Alam ko namang kayang kaya mo 'yan! Hayaan mo, kapag naging idol na ako in the future, ako naman ang tutulong sa'yo sa finances dito sa bahay!"
Natuwa si Trisha sa kanyang kapatid. "Naku, wag ka nang mag-alala't ako na ang bahala sa inyo, basta, ang mahalaga lang naman sa'kin ay maging masaya kayo! Habang wala ako, tulungan mo sina mama at papa ha! Wag kang maging pasaway! Haha!"
Sinulit ng magkapatid ang mga huling sandaling sila'y magkasama bago umalis si Trisha papuntang training village. Kinagabihan, nagpaalam na ang dalaga sa kanyang pamilya dahil kinakailangan na niyang pumunta sa hotel kung saan gaganapin ang grand dining hall.
"Mag-iingat ka lagi, anak!" pagyakap ng kanyang ina.
Sumunod na rin sa pagyakap ang kanyang ama't kapatid. "Mamimiss ka namin, anak!" sabi ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Mystery / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. +++ Ano ang gagawin mo kung mayroon ka...