NAGSISISI si Trisha sa kanyang ginawa. Alam niyang siya ang nagkamali sa sitwasyong ito dahil hindi niya nirespeto ang privacy ng binata. Naisip niya na kahit ano pa man ang sikreto ni Blaze ay dapat na hindi niya ito pinakialamanan. Dapat ay nagtiwala siya sa binata na wala itong ginagawang masama.
Na-curious siya sa kung ano ang nasa personal room ng binata dahil gusto niyang malaman kung konektado ba ang nasa loob ng kwartong iyon sa kaso ni Stan. Palagay niya kasi, sino-solve din ni Blaze ang kaso ng kanyang best friend.
Bukod sa dahilang ito, gusto ring malaman ng dalaga kung ang nasa loob ba ng kwartong iyon ang dahilan kung bakit nagkakapanic attack ang binata. Pakiramdam niya kasi, may malaking sikreto si Blaze sa loob ng kwartong iyon.
Naalala niya ang nangyari sa binata sa haunted house. Bagamat hindi maganda ang kanilang naging pagkakakilala noon sa isa't isa, nagawa niyang palambutin ang kanyang puso sa binata dahil nakita niya ang kabutihan nito.
Naniniwala siya sa sinabi ni Kravi sa kanya na mabuting tao si Blaze. Naramdaman niya ito kahit na lagi itong pagalit magsalita.
Hindi alam ng dalaga na nagsisisi rin si Blaze sa kanyang inasta. Nagagalit siya sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya'y nagkamali na naman siya. Hindi niya maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman ngayon. Wala siyang ibang maisip kundi kalungkutan dahil hanggang ngayo'y sinisisi niya pa rin ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang kaibigan.
Wala siyang kahit anong gustong gawin ngayon kundi ang magplano kung paano niya bibigyan ng hustisya si Stan. Wala siyang nararamdaman kundi pagkamuhi sa sarili, dahilan kung bakit napakabilis niyang magalit sa kanyang sarili at sa iba.
He just exists but is not fully present. Miserable siya ngayon. Hindi niya alam kung kailan matatapos ang paghihirap niyang ito. Gusto niyang magbago. Gusto niyang bumalik ang dating Blaze ngunit nahihirapan siyang maging masaya dahil hanggang ngayo'y sinisisi niya pa rin ang kanyang sarili sa nangyari.
"Bakit ba hindi ko siya narinig na kumakatok sa pintuan ko? Kasalanan ko ang pagkamatay niya! Kasalanan ko ang lahat ng 'to!" patuloy na pag-ooverthink niya.
Bukod sa nangyari kay Stan, may sikreto pa siyang tinatago na nagiging dahilan kung bakit siya nahihirapan ngayon. Sikretong dahilan kung bakit alam niya kung bakit pinatay sina Jennylyn Alfonso at ang ama ni Tiffany na si Mr. Granada.
Ramdam niyang siya ang pangunahing dahilan kung bakit maraming tao ang namamatay sa STRYBE ngayon.
Pumasok siyang muli sa kanyang personal room. Walang nakakaalam kung ano ang ginagawa nito sa loob ng kwartong iyon.
🔎🔎🔎
KINAUMAGAHAN ay pinaghandaan sina Trisha at Blaze ni Sir K ng breakfast. Gusto nilang kausapin ang isa't isa ngunit walang handang magsalita. Parehas kasi silang nahihiya sa nangyari kagabi.
BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Mystery / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. +++ Ano ang gagawin mo kung mayroon ka...