NASA loob si Jennylyn Alfonso ng STRYBE Studio kung saan siya'y magrereport ng showbiz entertainment ngayong umaga. Habang siya'y inaayusan ng kanyang make-up artist ay pabirong iniirapan niya ito, "Ayusin mo 'yang pagme-make up sa akin ha! Mamaya eh pagmukhain mo na naman akong bruha!"
Nginitian siya ng kanyang make up artist. "Ma'am naman, kahit naman anong make up style sa inyo eh lumulutang pa rin ang ganda niyo eh!"
"Asus, nambola ka pa!" pagtawa ni Jennylyn. "Dahil diyan, ililibre kita ng pagkain mamaya! Saan mo ba gustong kumain?"
"Ay ma'am, nakakahiya naman! Pero kung pipilitin mo ko, doon tayo sa Medallia Restaurant!" tuwang turan ng kanyang make up artist. "Balita ko, masarap daw ang mga pagkain doon eh. Hahaha!"
"Ay wow, medyo makapal rin talaga ang mukha mo ano? Hahaha!" pagtawa ni Jennylyn sabay tapik sa kanyang make up artist. "Mamimili ka nalang, doon ka pa talaga sa sobrang mahal! Hahaha! Oh siya sige, doon nalang tayo kumain mamaya tutal gutom na gutom na rin ako't hindi kasi ako kumain kahapon dahil grabe ang workload ko! Nakakaloka!"
Nilapitan sina Jennylyn ng isa sa mga staff. "Ms. Jennylyn, mag-o-on air na po tayo in 5 minutes. Ready on standby na po kayo, ha?"
"Ay teka, magmamascara pa ako!" sabi niya sa staff sabay tingin sa kanyang make-up artist. "Oh 5 minutes nalang daw, bilisan na natin!"
Nagmadaling inayusan ng make-up artist si Jennylyn. Dahil sa bilis ng oras, hindi niya namalayang isang minuto nalang ay magla-live on air na siya.
"Okay... 5.. 4.. 3.. 2.. 1.. And we're live!" sigaw ng kanyang director.
Magbabasa na sana si Jennylyn sa kanyang teleprompter pero walang lumalabas na script dito. Dahil alam niyang naka-live na sila'y nag-improvise muna siya ng sasabihin.
"Hi, magandang umaga sa inyong lahat! Ako si Jennylyn Alfonso, ang inyong showbiz news reporter for today! Handa na ba kayong malaman ang mga latest showbiz happenings sa loob ng STRYBE Entertainment?!"
Tumingin muli si Jennylyn sa kanyang teleprompter ngunit wala pa rin itong laman. May staff na nagsulat sa manila paper ng directions para kay Jennylyn.
'Mag-improvise ka muna! Nagkakaroon daw ng technical error ang broadcast natin!' - ito ang nakasulat sa papel.Bagama't natataranta, nakipag-kulitan nalang muna si Jennylyn sa kanyang audience, "Sa sobrang dami ng pangyayari'y biglang nasira ang teleprompter ko! Hahaha! Anyway, may teleprompter man o wala, ikekwento ko sa inyo ang mga tsika na hindi niyo dapat malagpasan!
"Let's start with the first tsismis for the day! Alam niyo ba na-"
Naputol ang pagsasalita ni Jennylyn nang biglang nagbago ang nakalagay sa TV screens ng kanilang studio - isang animated version ng teapot na may cartoon face ang tumambad sa kanila.
"Anong nangyayari?!" paglabas ng director sa kanyang director's room. "Mag-commercial na nga muna tayo!"
Sinubukan ng mga staff na mag-commercial break muna ngunit hindi gumagana ang kanilang mga kagamitan. Sinubukan rin nilang i-off ang mga camera ngunit patuloy ang pagiging on-air nito.
Hihingi sana sila ng tulong sa main control room ngunit biglang nagsalita ang animated teapot na nasa TV Screen. Isang garbled na boses ng isang babae ang nagsasalita. Halatang gumagamit ang taong nasa likod ng animated teapot na ito ng isang voice changing software upang maitago ang kanyang tunay na identity.
"Kung ako sa inyo, 'wag niyo na munang galawin ang lahat ng mga equipments sa loob ng studio at hayaan niyo muna akong magsalita on air.... Because Tita Tea is now online!"
Pagkatapos magsalita ng animated teapot ay nagkaroon ito ng opening animation credits.
'Spill the tea! Tita tita tita tea! Spill the tea! Tita tita tita tea! Nandito na ang number 1 tsismosa ng bayan! Ako si Tita Tea and I will spill the tea!' - ito ang opening animation credits song niya.
"Gusto niyo bang malaman ang mga tsaa ngayong araw na ito, mga lovely viewers?" pagsasalita ng animated teapot na si Tita Tea. "Gusto niyo bang malaman ang mga tsika na gugulantang sa inyong lahat?!
"Starting today, Tita Tea is now online! Wag niyong kalimutang i-like at i-follow ako sa aking mga social media accounts at sa aking website kung saan lahat ng mga nagbabagang tsismis ay ipo-post ko doon!"
Hindi alam ni Jennylyn kung ano ang kanyang gagawin kaya nama'y tinignan niya ang kanyang staff. Akmang gagalawin ng staff ang camera ng studio ngunit nagsalitang muli si Tita Tea.
"Ang kulit kulit niyo rin talaga ano? Hahaha!" sabi niya. "Di ba ang sabi ko sa inyo'y intayin niyo muna akong matapos sa pagrereveal ng aking tsismis bago niyo subukang mag-off air?! Isa pang galaw niyo sa mga equipments at malalaman niyo ang kahihinatnatan ninyo! HAHAHHA!"
'Spill the Tea! Tita Tita Tita Tea! Spill the Tea! Tita Tita Tita Tea!' - nagkaroon ng transition animation sabay balik kay Tita Tea sa harap ng TV Screen.
"Alam niyo ba na may isang showbiz news reporter na nabuntis ng isang suuuuper sikat na singer ng ating bansa? Grabe yun noh?! Tapos, ayon sa aking trusted source, hindi pa daw ready itong singer na ito na magkaroon ng anak kaya nama'y pinilit niyang magpalaglag itong showbiz news reporter na ito sa ibang bansa! Oh my gosh!
"Tapos eto pa nga, pumayag itong showbiz news reporter na ito na magpalaglag kasi nga super mapilit itong si sikat na singer! Nung nasa amerika na sila para gawin ang kanilang mga plano, bigla nalang daw nag-faint itong si girlie na siyang dahilan kung bakit nalaglag ng kusa ang kanyang bata! Tapos itong si singer, walang naging pakialam kay girlie news reporter! Nakakaloka!
"Alam niyo ba kung sino ang showbiz news reporter na tinutukoy koooo? Hmmm, sino kaya ito? HAHAHHAA!"
Nanlaki ang mga mata ni Jennylyn Alfonso. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa ngayon dahil alam niyang siya ang tinutukoy ni Tita Tea. Hindi niya rin alam kung paano nalaman ng animated teapot na ito ang kanyang itinatagong sikreto.
"Huy Jennylyn, bakit parang natameme ka ata? Hahahahah! Hindi ba't mayroon kang tsismis for the day? Spill mo na yan! Tutal live pa rin naman tayo ngayon, oh!" panloloko ni Tita Tea.
Nakatingin sa kanya ang lahat ng crew. Sinubukan nilang tanggalin sa pagkakasaksak ang mga kagamitan na nasa loob ng studio upang makapag-off air sila ngunit nagsalitang muli si Tita Tea.
"Ay ang kukulit naman ng mga staff at director na nandyan, Jennylyn! Gusto niyo na ba talagang mag-offline? Sige, you're wish is my command! Hanggang sa muli, ako nga pala si Tita Tea, ang number 1 tsismosa ng bayan! Hahahaha! Don't forget to like and follow my social media pages and go to my website para hindi kayo mahuli sa tsismis!"
Pagkatapos magoffline ni Tita Tea ay sumabog ang mga kagamitan sa loob ng main control room, dahilan upang mag-offline ang buong broadcast system ng STRYBE Entertainment.
+++
NAPANOOD ni Trisha at ng kanyang pamilya ang nangyari kay Jennylyn Alfonso. Pagkatapos ng broadcast na iyon ay naging hot topic si Tita Tea at ang kanyang mga rebelasyon tungkol sa showbiz news reporter.
"Anak, sigurado ka bang gusto mong maging trainee ng STRYBE?" pag-aalala ng kanyang tatay.
Pati si Trisha ay nagulat sa mga pangyayari dahil hindi niya inakalang magpapakilala sa madla si Tita Tea. 'Masyado ko ata siyang na-underestimate' - isip isip niya.
"Ano anak? Tutuloy ka pa rin bang maging trainee ng STRYBE?" pagtatanong muli ng kanyang tatay.
"Opo, pa." sagot ni Trisha. "Para na rin sa atin to, para naman makatulong na ako sa pang-araw araw natin at sa pag-aaral ni Lianna."
Gusto sana tawagan ni Trisha si Light upang kausapin ito tungkol sa nangyari kay Jennylyn ngunit biglang may kumatok sa kanilang pinto - si Zionna.
"Magandang umaga po!" pagngiti ng kanyang personal assistant sabay tingin sa kanya. "Goodmorning Trisha! Handa ka na ba sa mga kailangan nating gawin today?"

BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Mystère / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. === GENRE: Mystery/Thriller/Romance DI...