BAGO pumunta si Trisha sa loob ng STRYBE Training Village ay nagkaroon muna silang tatlo nina Kiss at Light ng meeting upang maipaliwanag ni Light ang kanilang mga plano.
Nasa loob sila ngayon ng VIP lounge ng NZP21. Sa loob ng VIP lounge na ito nagkukulitan at nagkekwentuhan ang mga myembro ng boyband. Pagkatapos mamatay ni Stan, tanging sina Kiss at Light nalang ang bumibisita dito. Ngayon, ginamit nila ang lugar na ito upang mag-isip kung paano nila malalaman ang mga sikreto ng kanilang manager na si Zander at mahuli ang anonymous informant na si Tita Tea.
Malaki at mamahalin ang mga gamit na nasa loob ng VIP lounge. Sa sentro nito'y makikita mo ang iba't ibang awards na natanggap ng kanilang grupo over the past few years.
Habang nagsasalita si Light ay napapatingin si Kiss sa kanilang mga awards.
"Kiss!" pagkuha ng atensyon ni Light sa kanya. "Ayan ka na naman, eh! For sure, hindi ka na naman nakikinig!"
Ngumiti nalang si Kiss. "Sorry na, hindi ko kasi magawang hindi tignan ang mga awards at mga pictures natin, eh! Ang saya saya natin sa mga pictures na 'yan noh? Kung pwede lang sana talagang maibalik ang nakaraan."
Bumuntong hininga siya sabay baling ng tingin kay Light. "Anyway, wala naman tayong magagawa. Nangyari na ang mga nangyari, eh.
"O siya, ikwento mo sa akin from the start lahat ng mga kailangan kong malaman!"
Binatukan ni Light si Kiss. "Naubos na ang laway ko sa kakasalita, hindi ka naman nakikinig diyan!"
Inikutan ng mata ni Kiss si Light, "Aba, nakita mo namang nagmomoment pa ako kanina di ba? Hindi ko naman napansing nagsasalita ka na pala!"
Binatukan siyang muli ng kanyang kaibigan, "Alam mo, kaya wala tayong nagagawang matino dahil napaka-"
Dahil hindi matapos tapos ang kanilang diskusyon, inawat na silang dalawa ni Trisha, "Parehas kayong parang bata! Kung alam ko lang na kailangan niyo pala ng babysitter, sana hindi ko nalang kinuha itong kasong 'to!"
Napatingin sina Kiss at Light sa kanya, nahihiya dahil tinawag silang parang bata ni Trisha.
Bumuntong hininga ang dalaga. "Sige, ako nalang ang magpapaliwanag ng mga plano natin para hindi na kayo mag-away diyan." sabi niya. "Simulan natin sa pinaka-umpisa."
Tumayo si Trisha at kinuha ang mga envelopes na naglalaman ng case files. Binuksan niya ang isang envelope. "Last year, sa burol mismo ni Stan ay nakipag-communicate kay Light through social media ang isang anonymous informant na si Tita Tea. May isang maliit na kahon na nakadikit sa upuan ni Light. Naglalaman ang kahon na iyon ng isang usb stick.
"Sa USB stick na ibinigay ni Tita Tea nakalagay ang video kung saan nakita nating pumasok muli si Zander sa loob ng kwarto ni Stan pagkatapos niyang mamatay at kapansin pansing hawak hawak niya ang smartphone at notebook ni Stan."
BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Misterio / SuspensoAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. +++ Ano ang gagawin mo kung mayroon ka...