PUMUNTA sina Kiss at Light sa Akeldama para makausap si Protacio Antonio Balete. Gusto nilang malaman kung ano ang koneksyon ng lalaking ito sa pagkamatay ni Stan at bakit ibinigay ni Tita Tea ang kanyang pangalan.
Naglalakad sa maputik na daan papasok ng probinsya sina Kiss at Light.
"Dapat pala, hindi ko nalang ginamit 'tong bagong sapatos kong 'to!" turan ni Light. "Ang putik ng daanan!"
Suminghal si Kiss. "Ang b*bo mo kasi, eh! Sino ba naman kasing matinong tao ang magsasapatos ng mamahalin papuntang probinsya?! Hahahaa! Buti nalang rin talaga't nag-commute lang tayo't di natin ginamit mga sasakyan natin, kundi, hindi rin tayo makakapunta rito! Bukod sa pa-zigzag yung daan, lubak lubak pa!
"Sana lang talaga eh may mapala tayo sa pagpunta dito sa Akeldama, kundi, kokonyatan talaga kita, Light! Hahaha!"
Binatukan ni Light si Kiss. "Ul*l! Pareho naman tayong um-agree na pumunta dito noh! Baka ikaw ang batukan ko, eh!
"Pero alam mo, may tama ka rin naman, sana talaga'y may saysay na pumunta tayo rito. Sana, malaman natin kung may koneksyon ba yang Protacio na 'yan sa pagkamatay ng kaibigan natin. Kundi, pinutikan ko ang bago kong sapatos na 'to para lang sa wala!
"Nagtataka lang ako, ano kaya ang dahilan kung bakit ibinigay sa atin ni Tita Tea ang pangalan ni Protacio Antonio Balete?"
Habang sila'y naglalakad papasok sa Akeldama, napansin nilang masama ang titig ng ilan sa mga tao sa kanila.
"Light, kapag kinuyog tayo ng mga tao rito, ikaw ang gagawin kong kalasag, ha!" pilyong bulong ni Kiss sa kanyang kaibigan, "Mukhang badmood ata mga tao dito kapag nakakakita ng gwapo! Hahaha!"
Sinaway ni Light si Kiss. "Magtigil ka nga diyan! Kung anu-ano na naman ang pinagsasasabi mo, eh! Baka mamaya may makarinig sayo't malagot talaga tayo rito!"
Gusto sanang kumausap nila Kiss sa mga residente ngunit lahat ay ilang sa kanila kaya. Dahil dito, minabuti na lang nilang maglakad lakad papasok ng probinsya. Habang sila'y naglalakad, may isang matandang lalaki ang kumausap sa kanila.
"Bagong salta kayo rito, ano?" pag-ngiti ng estranghero habang tinitignan sila mula ulo hanggang paa. "Ako nga pala si Mang Tep, isa sa mga magsasaka sa lugar na ito. Siguro taga-siyudad kayo, ano? Mukhang mayayaman kayo, eh! Ang kikinis kasi ng mga kutis niyo, parang kailanma'y hindi nagbanat ng buto!
"Ano nga ba ang pakay niyo't bakit kayo pumunta sa probinsya namin?"
Sinagot ni Light si Mang Tep. "Ahhh ehh nandito lang po kami dahil may hinahanap kaming tao. M-may kilala po ba kayong ang pangalan eh 'Protacio Antonio Balete'? Siya po kasi ang hinahanap namin. May gusto lang po kasi kaming itanong sa kanya."
Napakunot naman ng noo si Mang Tep. "Ah si Ka-Protacio? Oo kilala ko 'yun! Lahat ng mga tao dito eh kilala siya dahil isa siya sa mga tinitingala sa probinsyang 'to! Ano naman ang gusto niyong itanong sa kanya?"
BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Mystery / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. +++ Ano ang gagawin mo kung mayroon ka...