NASA LOOB ng kanilang mansyon ngayon sina Rave at Axis, nagtatago sa loob ng kanilang stock room habang nakikinig ng balita sa radyo.
"Buong bansa ay nakatutok sa balita tungkol sa biglaang pagkamatay ng isa sa pinaka-batikang STRYBE news reporter na si Jennylyn Alfonso." pag-uulat ng radio reporter. "Ayon sa mga ulat ay mayroong dalawang lalaking nakitang nasa loob ng mansyon noong oras kung saan namatay ang nasabing reporter. Laking gulat ng lahat nang malamang si Rave ng kilalang boyband group na NZP21 at ang kanyang kapatid na si Axis ang nakita sa CCTV footage na tumatakbo papalabas ng mansyon...
"Pinaghahanap na sila ngayon ng buong kapulisan."
Pagalit na tinignan ni Rave si Axis, pinag-iinitan ang kanyang kapatid dahil sa nangyari sa kanila. "Hindi ba't pinagsabihan kitang wag na nating ituloy ang mga plano mo? Kailan ka ba makikinig sa akin, Axis?! Lahat nalang ng sinasabi ko sa'yo, sinusuway mo!
"Paano na tayo ngayon?!
"Paano ka na?!
"Kahit na paulit ulit akong mag-isip dito, wala akong magandang ideyang maisip para makalusot tayo sa gulong 'to!"
Hindi nakaimik si Axis. Alam niyang kasalanan niya ang mga pangyayari dahil pinilit niya ang kanyang kapatid na mag-imbestiga. Hindi naman masyadong mapagalitan ni Rave ang kanyang kapatid dahil sa loob-loob niya'y naging curious rin siya kaya't ginusto rin niyang pumasok sa loob ng mansyon ng mga panahong iyon.
Napa-buntong hininga nalang si Rave. "Sorry." sabi niya sabay iwas ng tingin kay Axis. "Okay lang kasi sana kung ako lang ang dawit, eh! Dahil sa nangyari, pati ikaw tuloy..... damay.
"Gawin nalang natin ang nararapat. Sumuko nalang tayo sa pulis. Wag kang mag-alala, kaya ko to! Hahanap ako ng paraan para mapawalang sala ka kaagad!"
Nakayuko lang si Axis, kinakabahan sa kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa. Papalabas na ang magkapatid sa loob ng stock room nang may narinig silang naglalakad sa labas nito. Pagkaraan ng ilang minuto'y mayroong usok na pumalibot sa kanilang kwarto na nanggagaling sa maliit na uwang ng kanilang pintuan.Ilang segundo lang ang nakalipas nang sila'y mawalan ng malay.
+++
PAGKAGISING ng magkapatid ay nalaman nilang nasa loob na sila ng isang maliit na kwartong walang pintuan. Puting puti ang kulay ng kwartong ito't walang ibang laman kundi isang bluetooth speaker at pulang teleponong nakadikit sa pader.
"N-nasaan tayo?!" takot na turan ni Rave.
Pinagmasdan ni Axis ang paligid. Kinuha niya ang telepono. Sa pagkuha niya nito'y biglang nagbukas ang bluetooth speaker.
"Maligayang pagdating, Axis at Rave..." sabi ng lalaking nasa kabilang linya. Distorted ang boses nito.
"A-ano to?! N-nasaan kami?!" turan ni Rave.
Nagsalitang muli ang lalaki. "Bago ang lahat, magpapakilala muna ako sa inyong dalawa. Ako nga pala si Irsiso, at nandirito kayo sa pagsusulit na ginawa ko para sa inyo!
"Hindi ba't gusto niyong malaman kung sino si Tita Tea? Hindi ba't gusto niyong malaman kung bakit namatay si Stan? Alam ko ang sagot sa lahat ng mga tanong ninyo!
"Ike-kwento ko ito sa inyo sa isang kondisyon..."
Sa itaas ng bluetooth speaker ay mayroong lumabas na countdown timer. Naka-set ito ng 60 minutes. "Kinakailangan niyong mapagtagumpayan ang lahat ng mga pagsusulit na ginawa ko para sa inyong dalawa.
"Sa pagsusulit na ginawa ko'y mas makikilala niyo pa ang inyong mga sarili.
"At higit sa lahat, malalaman niyo kung ano ang koneksyon niyo sa lahat ng mga nangyayari ngayon!"

BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Misteri / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. === GENRE: Mystery/Thriller/Romance DI...