PAGALIT na tinignan ni Rave ang kanyang kapatid. "Ikaw ang hindi nakakaintindi sa sitwasyon, Axis! Gusto mo, patayin natin ang mas nakararami para lang sa kapakanan natin! Against akong mamatay si lolo pero hindi rin kaya ng konsensya kong pumatay ng tao, Axis! May mga pamilya rin 'yang mga taong 'yan!
"Hindi mo ba naiisip na kapag pinindot natin yang red button na 'yan eh magiging mamamatay tao na tayo?!"
Napasigaw sa galit si Axis. "So ano ang gusto mong sabihin kuya?!! Hayaan nalang nating mamatay si lolo?! Ganun ba?! Ano ba ang mas mahalaga sa'yo?! Si Lolo o ibang tao?!"
Ilang minuto na ang nakalipas ngunit nagbabangayan pa rin ang magkapatid na Rave at Axis. Hanggang ngayo'y hindi nila alam kung kaligtasan ba ng limang tao, o kaligtasan ng kanilang kamag-anak ang pipiliin nila.
Napayuko si Rave. "N-naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko na alam ang dapat na gawin! Kung pipiliin nating pindutin ang red button, ibig sabihin nun ay papatayin natin ang limang taong 'yan, paano naging patas ang pagsusulit na ito para sa kanila?!
"Kapag hindi naman natin ito pinindot, ibig sabihin ay pinili nating mamatay si lolo! Hindi ito makatarungan!"
Napabuntong hininga ang binata, "Alam mo naman ako, Axis, ako yung tipo ng taong hahanap ng paraan para makahanap ng pinakamagandang choice para sa lahat, eh! Kahit na ako ang mahirapan, okay lang sakin! Basta hindi mahihirapan ang mga mahal ko sa buhay! Pero dahil dito sa ginagawa sa atin ni Irsiso, hindi ko na talaga alam ang gagawin..."
Hindi namamalayan ni Rave ang unti unting pagpatak ng kanyang luha. "Hindi ko na alam ang gagawin, Axis."
Tinignan ni Axis ang kanyang kapatid. "Kung hindi mo kaya, kuya, hayaan mong ako nalang ang magdesisyon! Hayaan mo namang ako ang magdesisyon!"
Akmang pupuntahang muli ni Axis ang mesa upang pindutin ang red button nang bigla na naman siyang pinigilan ng kanyang kapatid.
"H-hindi ko rin kayang maging mamamatay tao ka, Axis!" pag-iyak ni Rave.
Isang minuto nalang ang natitira sa countdown timer.
"Hayaan mo na ako, kuya!" pagpupumiglas ni Axis.
Niyakap ni Rave ang kanyang kapatid. "Kahit na anong mangyari... mas pipiliin ko namang ikaw ang maisalba ko, Axis! Hindi ko hahayaang maging mamamatay tao ka!"
Pilit pa ring nagpupumiglas si Axis. "Kuya, hindi kita maintindihan!!"
Ilang segundo pa ang nakalipas nang tuluyan nang naubos ang kanilang oras.
Dahil sa hindi nila pagpindot ng red button, tuluyan nang nakuryente sa silya elektrika ang kanilang lolo.
"L-lolooooo!!" pag-iyak ni Axis habang unti unting nagsarado ang theater curtain.
Kinausap silang muli ni Irsiso gamit ang mga speakers. "Interesting... Hindi ako nagsising kayo ang binigyan ko ng pagsusulit, Rave at Axis! Marami pa akong kailangang malaman sa inyo at marami pa kayong kailangang malaman sa lahat ng mga pangyayari!
BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Mystery / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. +++ Ano ang gagawin mo kung mayroon ka...