/33/

15 2 0
                                    

"TRISHA?!" sa sobrang gulat ni Blaze ay ito lang ang naisambit niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"TRISHA?!" sa sobrang gulat ni Blaze ay ito lang ang naisambit niya. Tinignan siya ng dalaga, halata sa mukha nito ang pagkagulat sa kanyang nalaman. Dahil rito, hindi alam ng binata kung ano ang sasabihin sa dalaga gayong alam na nito ang kanyang pinakatatagong sikreto.

Bukod sa natatakot siya sa pagkabunyag ng kanyang lihim, natatakot rin siya para sa kapakanan ng dalaga. Kung anu-anong hindi magagandang senaryo ang pumapasok sa isipan niya ngayon. Gusto niyang magwala't sumigaw. Gusto niyang magalit sa tadhana dahil hinayaan nito na malaman ng dalaga ang kanyang sikreto.

Napakarami man niyang gustong sabihin, tanging pangalan lang ng dalaga ang kanyang naisambit.

Sa pagtingin ni Trisha sa binata, halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Para siyang sinasaksak nang paulit-ulit sa puso dahil pakiramdam niya'y trinaydor at nilinlang siya ng binata. Lubos niyang pinagkatiwalaan si Blaze kaya nama'y nanlulumo siya ngayong nalaman niyang may alam itong hindi sinasabi sa kanya.

"T-Trisha, bakit ka nandito?!" Nang makakuha na ng lakas ng loob si Blaze ay nagtanong siya sa dalaga, "Paano mo nala-"

"A-ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito, Blaze?!" pagputol ni Trisha sa pagtatanong ng binata. "A-anong ginawa mo kay King?! Bakit mo siya pinapahirapan?! Bakit mo siya sinasaktan?! Ano ang kinalaman mo sa lahat ng nangyayari sa mga ka-myembro mo ngayon?!"

Gustuhin mang huminahon ni Trisha ay nagwawala ang puso't isip niya ngayon.

Tuloy-tuloy siya sa pagpapagalit sa binata. "All this time pala ay niloloko mo lang ako, Blaze?! All this time pala ay ikaw ang promotor sa lahat ng kaguluhan sa STRYBE?!

"Pinapasok mo ba ako sa iyong mansyon para mailihis ako sa mga misyon ko?! Pinapaikot mo lang ba ako't minanipula para akalain kong kakampi kita?!

"Kaya mo ba ako kinaibigan ay para lokohin ako't itago sa akin na may kinalaman ka sa pagkamatay ni Stan?!"

Hindi lubos-akalain ni Blaze na masasaktan siya na makitang galit na galit sa kanya ang dalaga. "H-hindi mo ako naiintindihan, Trisha! Walang makakaintindi sa'kin! You can paint me a villain all you want pero alam kong mabuti ang intensyon ko para sa inyong lahat!

"Kung may option lang ako na pumili kung sino ang mamamatay noong araw na iyon, sana ako nalang ang namatay kaysa kay Stan!"

Itinuro ng binata sa dalaga ang kanyang puso, "Ang sakit sakit na nito, Trisha! Gusto na nitong kumawala sa sakit pero hindi ko magawa! Araw-araw nalang na ginawa ng diyos ay sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyayari sa mga mahal ko sa buhay! Araw-araw nalang ay ipinamumukha sa akin ng tadhana na hindi ako pepwedeng maging masaya!"

Seryosong tinitigan ni Trisha si Blaze, "Kung ganoon, hayaan mo akong maintindihan ang lahat nang ito, Blaze!

"B-bakit mo itinago sa aming lahat na binihag mo si King?! B-binihag mo ba talaga o may ibang taong bumibihag sa kanya?!

Death of an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon