GINAMOT ng lalaki sina Kiss at Light sa kanyang bahay habang nagpapakilala siya sa kanila. "Bago ang lahat, ako nga pala si Magnus, ang may ari ng talahiban kung saan kayo tinapon.
"Kayo, ano ang mga pangalan niyo?"
Nagpakilala sina Kiss at Light kay Magnus.
"Ang weird naman ng mga pangalan niyo. Palayaw niyo lang 'yan ano?! Hahaha!
"Gayon pa man, pasensya na kayo sa nangyari sa inyong dalawa ha, hindi naman talaga ganito ang Akeldama dati, eh! Ewan ko ba't bakit ang dami nang nagbago sa probinsyang 'to!"
Kumuha si Magnus ng baso't binigyan sina Kiss at Light ng alak. "Oh, shot muna tayo para hindi niyo masyadong maramdaman ang sakit ng mga pasa niyo! Hahaha!"
Lumagok ng alak si Kiss sabay tingin kay Magnus. "Pre, ano ba kasi talagang nangyari dito sa inyo? Ever since kasi na pumasok kami dito eh ang tatalim na ng mga tingin sa amin ng mga tao!
"Ano bang ginawa ng mga taga-siyudad sa inyo?"
Napabuntong hininga na lamang si Magnus. "Hayy... napakaraming ginawa sa amin ng mga manlolokong taga-siyudad kaya nama'y galit na ang mga tagarito sa mga katulad niyo. Sa sobrang dami ng ginawang pagkakamali eh hindi ko maikekwento ang buong kwento sa inyo ng isang araw.
"Isa sa mga kalokohang ginawa ng mga taga-siyudad dito sa amin eh binaon nila sa utang ang mga tagarito kaya nama'y ang mga magsasaka dito ay nagtatrabaho na lang para hindi na mas lalo pang mabaon sa utang."
Sumabat si Light sa usapan. "So lahat talaga ng mga katulad naming pumupunta rito ay hindi welcome sa probinsya niyo?"
Sinagot ni Magnus si Light. "Wala na talagang welcome na taga-siyudad dito pwera na lang kung ang taga-siyudad na pupunta rito'y kamag-anak ng mga nakatira dito.
"Oo nga pala, nakalimutan ko kayong tanungin kanina... ano ba ang pakay niyo't bakit kayo napapunta sa probinsya namin?"
Sinagot ni Kiss si Magnus. Ikwinento niya na ang pakay nilang magkaibigan ay ang kausapin si Protacio Antonio Balete tungkol sa isang importanteng bagay.
"Ahhh kaya pala." sagot ni Magnus. "Sa kabilang dulo nakatira si Ka-Protacio, sa Barangay Mangga sila nakatira. Medyo malayo yung Barangay nila sa amin kaya kailangan niyo pang mag-tricycle papunta roon.
"Kilalang kilala si Ka-Protacio dito sa Akeldama kasi siya ang lider ng kilalang asosasyon ng mga magsasaka dito sa amin. Marami rin siyang ginagawa buong araw kaya nama'y kung kailangan niyo siyang kausapin eh kailanga'y sa umaga niyo nalang siya puntahan.
"Mag-ga-gabi na rin, delikado kung babyahe pa kayo. Matulog muna kayo rito't sa umaga'y ihahatid ko kayo kay Ka-Protacio."
Kinuhanan ni Magnus sina Kiss at Light ng kanyang mga damit upang ibigay sa mga binata. "Mukhang magkasing-katawan naman tayo kaya suutin niyo nalang 'yang damit ko. May dalawa pa akong tsinelas sa labas, sana magkasya ito sa inyo!"
BINABASA MO ANG
Death of an Idol
Mystery / ThrillerAfter the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing secrets and gossip about the reason for his untimely demise. +++ Ano ang gagawin mo kung mayroon ka...