/29/

59 6 3
                                    

GAYA ng napag-usapan, pumunta sina Blaze, Trisha, at Kravi sa Athena's Enchanted Land, ang theme park malapit sa training village

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

GAYA ng napag-usapan, pumunta sina Blaze, Trisha, at Kravi sa Athena's Enchanted Land, ang theme park malapit sa training village. Ekslusibo ang lugar na ito sa mga taong nakatira sa STRYBE Entertainment City at mga kilalang personalidad. Ito ay isa sa mga masasayang lugar kung saan sila nagpapalipas oras.

Habang papasok ng theme park ay sinalubong sila nina Darla at Mary Tess. Tuwang tuwa ang mga ito na salubungin si Trisha.

"Infairness frenny, grabe ang naging level up mo ha!" tuwang turan ni Darla. "Bukod sa ang ganda ng damit mo ngayon, ibang-iba na ang awra mo! Isa ka na talagang Gold Cardholder!"

"Parang hindi naman!" nahihiyang sagot ni Trisha sabay tingin sa suot ng kaibigan mula ulo hanggang paa, "Ikaw nga ang ibang-iba na diyan, eh! Grabe ang transformation mo!"

Natuwa si Darla sa sinabi ni Trisha kaya nama'y tatawa-tawa itong nag-pose na parang modelo, "Bigay ito lahat ng ating frenny na si Mary Tess!"

Napangiti si Mary Tess sa sinabi ni Darla, "Di ba nga ang sabi ko sa'yo my friend, ilang ligo lang ang kailangan mong gawin to look expensive! Hahaha!" sabi niya sabay tingin kay Trisha, "Pero eto talagang si frenny natin ang nag-level up ng bongga!

"Napaka-simple ng damit mo ngayon but you look elegant, my friend!"

Nginitian ni Kravi sina Darla at Mary Tess, tatawa-tawa "Syempre, bibilhan ba ni kuya Blaze ng hindi magandang damit si ate Trisha? Eh di nalagot sina Sir K sa kanya!"

Hinampas ni Blaze si Kravi, dahilan upang mas lalo pa itong matawa. Napatingin naman sina Darla at Mary Tess sa binatilyo, hindi pa kasi nila ito kilala.

"Oo nga pala Darla at Mary Tess, siya si Kravi. Kapatid siya ni c-coach Blaze." pagpapakilala ni Trisha sa binatilyo.

"Magkapatid sila pero hindi sila magkamukha noh? Pero in fairness, parehas silang gwapo!" bulong ni Mary Tess kay Darla.

Narinig ni Kravi ang pag-uusap ng dalawang dalaga, "Ah, hindi talaga kami magkamukha kasi-"

"Wala kayong pakialam kung bakit hindi kami magkamukha!" pagalit na turan ni Blaze sabay tingin kina Darla at Mary Tess, "Hanggang dito ba naman, tsismis ang inaatupag niyo?!"

Kinunutan ng noo ni Kravi si Blaze, "Ayan ka na naman kuya! Para ka na namang mangangain ng buhay, eh! Sabi ko sa'yo wag ka masyadong magagalit!

"Sige ka, kukulubot ang noo mo niyan!"

Humingi ng paumanhin sina Darla at Mary Tess kina Blaze at Kravi. Nagpakilala rin ang mga dalaga sa binatilyo.

"Nice meeting both of you, Darla and Mary Tess!" ngiting turan ni Kravi. "Wag niyo nalang pansinin 'yang si kuya, araw-araw naman talagang may regla 'yan! Hahaha!

"Oh siya, maglibot-libot na tayo!"

🔍🔍🔍

HABANG naglalakad sila ay hinablot ni Kravi sina Darla at Mary Tess. Pabulong niyang kinausap ang mga ito, "Hayaan na muna natin silang dalawa, mga ate! Feeling ko talaga, magkakaroon ng something 'yang dalawang 'yan eh! Hahaha!

Death of an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon