Chapter 24: Double Take
Mahigpit kong hawak ang maliit na box na binigay ni Sir Lorre, nagdadalawang isip pa din ako kung bubuksan ko ba ang box o uunahin kong basahin ang dilaw na papel na kasama nito.
Tinitigan ko muna ang box.
Wala akong ideya kung anong laman nito. May kabigatan pero hindi kasing laki ng iniisip ko. Napagdesisyonan ko nalang na unahin ang box dahil parang mas malalim ang nilalaman ng dilaw na papel.
Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang takip. Sa loob, isang maliit na figurine. Custom-made. Every detail was spot on-mula sa buhok ko hanggang sa slight tilt ng ulo ko. It was me. Parang ang tagal na nitong plinano para gawin.
Hindi ko malaman kung ano ang gusto kong ireact habang hawak ang sarili kong figurine. Matutuwa ba ako na meron ako nito o malulungkot sa kaba dahil nararamdaman ko na kung ano ang nilalaman ng nasa dilaw na papel.
Yung gift pa lang, parang ang bigat na ng dating, pero yung sulat? Hindi pa yata ako handa sa laman nito.
"Sir Lorre," I muttered under my breath, my frustration evident in every word.
Inilagay ko muna ang figurine sa lamesa. Parang nakatingin ito sa akin, parang alam ang hindi ko pa alam. Sa huli, binuksan ko ang papel. Sa taas ng pahina, nandoon ang pangalan ko sa pamilyar na sulat-kamay ni Sir Lorre.
Anne,
I know this might seem strange, and maybe this letter only makes everything more awkward. But I can't keep this to myself anymore.
You're the reason I had that figurine made. In my own small way, I wanted you to know how much you mean to me.
I wish I had the courage to say this to you in person, but I'm scared-scared of what lies between us, of the things we can't change. I can't risk losing the respect I have for you, especially knowing that we can't be.
Still, I want you to know, Anne, even if I'm not the one on your mind or in your heart-I like you.
-Lorre
Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang paulit-ulit na binabasa ang nasa papel. Nagmamaang-maangan lang ako, pero alam ko sa sarili ko na parang may ibang klase ng intensyon si Sir Lorre sa akin. Ayaw kong mag-assume, pero hindi ko maiwasang magtaka. Hindi ko kayang mag-commit sa ganitong delikadong sitwasyon.
Bakit ba sumabay pa siya sa pag-amin ni Louise sa akin?
Napahilamos nalang ako ng mukha, iniwasang mag-isip, at itinago ang sulat at figurine sa bag ko. Dahil sa pagod, humiga ako sa kama, pinilit kalimutan ang lahat, at pinili nalang na matulog. It's easier to sleep than to face the truth.
Pero hindi pa rin ako makatulog, ang isip ko ay punong-puno ng mga tanong. Tuluyan na ngang aalis si Louise, at hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng lahat ng ito. Umamin lang ba siya dahil alam niyang hindi na niya ako makikita? O baka naman ginawa lang niya 'yon para paasahin ako? Bakit ngayon lang? Kung kailan hindi ko naman magagamit ang pag-amin niya?
He'll leave me with that confession, pero anong susunod? Ano ang mangyayari ngayon?
Samantalang si Sir Lorre, makikita ko pa siya, pero hindi ko alam kung kaya ko bang ibalik ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
What's Up, Anne
Teen FictionBook 1: What's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the c...
