Chapter 22: Begging for Hope
Binuksan ni Louise ang pinto pagkatapos umalis ng guard. Kalahati lang ng katawan niya ang tanaw ko, pero imbes na magsalita, nanatili siyang tahimik—walang kahit anong intensyon na mag-imikan kami.
Maybe that kiss was really awkward. Like, painfully awkward.
Napabuntong-hininga ako habang bumababa ng kotse niya. Pero dahil nakaharang siya sa daanan ko, napa-atras siya at iyon ang dahilan kung bakit nagtagpo ulit ang mga mata namin.
At sa mga oras na 'yon, parang paulit-ulit lang 'yung eksena sa isip ko.
"I should go," tipid kong sabi, at tumalikod na para umalis. Pero bago pa man ako makalayo, naramdaman ko ang malumanay na hawak niya sa kamay ko. I froze for a moment and turned to face him, my gaze tilting upward as I realized just how tall he was.
"Ihahatid kita," aniya sa neutral na tono. Napalunok ako, para bang under ako ni Louise sa tono ng pananalita niya. "Pumasok ka na sa kabila," dagdag niya, mas malamlam na ang boses.
Hindi ko alam kung bakit ang dali kong sumunod. Pwede namang tumanggi, 'di ba? Pero sa halip, iniwas ko na lang ang tingin, umiwas sa lahat ng tanong sa utak ko, at umikot papunta sa passenger seat. Pagkapasok ko, saka lang siya sumakay ulit, tahimik pa rin pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya.
Bakit parang ang hirap huminga sa loob ng sasakyan?
Muli niyang binuksan ang makina ng sasakyan, at ang malamig na bugso ng aircon ang unang sumalubong sa akin. Tahimik pa rin kami, at tanging ang tunog ng radyo ang pumupuno sa espasyo sa pagitan namin.
Out of nowhere, may tumugtog na kanta—isang kanta na parang sinadya ng universe para i-remind kami sa nangyari. As if the kiss wasn't awkward enough, the lyrics just made everything worse. I glanced at Louise's hands, nakapako ang mga iyon sa manibela, halos namumuti na ang mga daliri niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak.
"Cause when you kiss me like this, and when you hold me like that... It was gone with the wind, but it's all coming back to me now."
Nanlamig ang buong katawan ko habang tumutugtog ang kanta. Seriously, this song? Talaga ba, universe? Gusto ko na lang lumubog sa upuan. Meanwhile, Louise didn't say a word, pero halata sa posture niya na naiilang din siya.
I bit my lip, trying to focus on anything else—on the cold air, the hum of the engine, or even the soft glow of the dashboard lights. But no matter how hard I tried, the lyrics kept echoing in my head.
"There were moments of gold and there were flashes of light..."
Oh God. I can't.
Walang ano-ano'y pinaandar ni Louise ang sasakyan, at patuloy pa rin ang kanta habang binabaybay namin ang daan. The awkwardness between us was suffocating, filling every corner of the car like an invisible weight neither of us dared to acknowledge.
Idinikit ko ang noo ko sa gilid ng bintana, at tinakluban ko ang bibig ko gamit ang kamay. Hindi ko pa rin alam kung paano ko haharapin ang nangyari. Nararamdaman ko pa rin ang labi ni Louise, ang amoy niya, ang init ng hininga niya noong halik na iyon.
Napapikit na lang ako, hoping it would stop playing in my mind. But no. It kept replaying over and over, like a broken record that refused to shut off. The way I leaned in, the way I kissed him—it was all so vivid.
God, bakit ko nga ba ginawa 'yon?
Pero ang mas nakakabaliw? Hindi niya ako pinigilan. Hindi niya ako tinulak. Sa halip, he even leaned in. Hinalikan niya rin ako pabalik—hanggang sa halos mawala na kami sa sariling mundo. Kung hindi pa dumating 'yung guard, hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng halik na iyon.
BINABASA MO ANG
What's Up, Anne
Teen FictionBook 1: What's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the c...
