Chapter 25: The Last Call
LOUISE POV
"Anne, gising," I tried to wake her up, muntik na kasing maumpog ang ulo niya dahil siguro sa kalasingan. Good thing I was close enough to catch her forehead just in time.
"Bagsak!" nagsisigaw at nagtatalon na parang tanga si Zedrich sa gilid ko. Mukhang siya naman pala ang may pakana kung bakit ganito si Anne.
I shot him a dirty look, but it was obvious he was already out of it, totally wasted.
"Gago talaga," I muttered under my breath.
Carefully, I lowered Anne's head back to the table and turned to face our friends, who turned the school into a damn bar. Sana man lang nagpigil silang wag magdala ng alak at sa loob pa talaga ng school.
"Tama na 'yan," I shouted at Zedrich, who was busy hopping around like some drunk fool. "Iuwi niyo na 'to, baka makapagskandalo pa," I ordered Harvey, motioning them to get Zedrich out.
Nakaramdam na din naman sila ng kahihiyan sa tropa namin kaya agad nilang hinigit palabas si Zedrich. Hindi siguro simpleng alak ang dala n'on, sa sobrang yaman, pati mamahaling alak ay ginagawang tubig nalang.
"Alagaan mo muna si Anne!" Jewel screamed over the loud music, clearly worried, but it was hard to hear them properly. Kasunod sila nung mga kalalakihan dahil wasted na din pala si Harvey.
Hindi halata sa mokong na 'yon ah.
"Ingat bukas!" Jaycee added before they left, leaving me standing there, still in a daze.
Napailing na lang ako habang pinapanood silang umalis. Hindi ko maiwasang ibalik ang tingin ko kay Anne, napakahimbing pa rin ng tulog niya. Para akong sinuntok sa dibdib habang naupo ako sa tabi niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko, parang hindi na ako makahinga sa sobrang kaba.
Sino ba namang mag-aakala na sa lahat ng tao sa campus, si Anne pa ang magugustuhan ko? She's older than me—ilang buwan lang naman ang agwat, pero grabe, ang laki ng impact niya sa buhay ko. Wala namang masama, di ba? Pero sa paraan ng paghawak ko ng sitwasyon, parang ang dami kong palpak. Kaya nga laging sermon si Jewel sa akin kapag napag-uusapan si Anne.
Tahimik pa rin si Anne, mukhang wala siyang ideya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Pero pakiramdam ko, parang may bomba sa loob ko na kahit anong oras puwedeng sumabog. Gusto kong magsalita, may gawin, pero wala akong lakas ng loob. Lalo na pagkatapos ng mga pinagsasabi ko nung gabing 'yon.
Nakakahiya talaga. Tipong hindi na nakaimik si Anne sa mga sinabi ko. Baka nga na-off siya o nagkaroon ng ick kasi ang awkward ng pag-confess ko. Pero paano ba? Hindi ko kayang itago na lang 'to. Hindi ko rin kayang sukuan siya. Kahit na hindi niya maibalik, she deserves to know the truth.
"Anne," I called her softly, almost whispering. "Are you okay?"
She didn't respond, but I saw her eyelashes flutter slightly. Maybe she was hearing me.
Biting my lip, I let out a frustrated sigh. "I don't even know what I'm doing anymore, Anne. It's hard... I like you, okay? But what if you don't feel the same?"
Hindi niya ako naririnig, though. She just shifted in her seat and curled up a little more, probably more comfortable in that position. I let out a breath I didn't know I was holding and chuckled softly.
BINABASA MO ANG
What's Up, Anne
Teen FictionBook 1: What's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the c...
