Chapter 20: In His Black Subaru
Nakahiga lang ako sa kama ko, nag-iisip kung anong gagawin ko bukas. Ang unusual kasi na wala akong ginagawa, at ramdam ko ang pagkabagot na unti-unting bumabalot sa akin. Siguro, matutulog na lang ako nang maaga.
Bigla, nag-pop up ang notification sa phone ko. Akala ko si Jewel na ito o di kaya ang grupo ko sa thesis, pero parang hindi na rin ako nagulat ng makita ang pangalan ni Sir Lorre sa screen.
"Ano na naman kayang kailangan nito?"
Inopen ko ang message niya, at ang sabi lang ay, "Thank you."
Siguro ay para sa kanina, sa dinner. Ako nga dapat ang magthank you dahil libre niya ako. Nagpapakahumble na naman siya.
Bago pa ako makapag-type ng irereply ko kay Sir Lorre, biglang nag-pop up ang pangalan ni Louise. I recieved a chat from him "dorm", iniwan akong may tanong sa isip ko tungkol sa kung ano ang ibig niyang sabihin.
Pinindot ko ang chat niya out of curiosity, at nakikita ko pang nagta-type siya.
Andrew Louise:
Nakauwi ka na ba?
Another chat coming from him, then Sir Lorre's name popped up again.
Errol Kyle:
Do you want coffee tomorrow? Saturday naman.
Natawa ako sa kalituhan ko. Para saan naman 'to? Napatingin ako sa current open chats ko kay Louise, at may bago siyang chat.
Andrew Louise:
Seen?Parang umabot sa akin ang init ng ulo.
Wala akong ibang nagawa kundi replyan ito. "Oo" tipid kong sagot, bago lumipat sa chat ko kay Sir Lorre.
Laura Anne:
Para saan naman?Errol Kyle:
Batch 2 ng paglibre ko sa'yo.Napangiti ako sa sinabi niya, ang kilig na hindi ko maiwasang maramdaman. Pero sa likod ng isip ko, naguguluhan ako sa mga nangyayari.
Tinatrato ka ng tama ng maling tao. Habang tinatrato kang kaibigan ng taong gusto mo? Paano ako makakapili kung sa una palang hindi naman sila option para pag-pilian?
Habang nag-aantay ako sa reply ni Sir Lorre, muling bumalik sa isip ko si Louise. Bakit siya nag-message nang ganun? Ano ang kailangan niya? He had been so distant, then suddenly out of nowhere, he wants to talk.
Para bang ang pagkikita namin kanina e' tulay para mag-usap kami at bumalik sa dati.
I felt torn. Para akong pinag-aagawan sa oras na 'to kasi hindi ko alam kung kaninong reply ba ang uunahin ko.
Laura Anne:
Okay, anong oras?
Errol Kyle:
Morning, 10 AM. Magandang simula ng weekend, 'di ba?He replied quickly, and I couldn't help but smile.
Ngunit habang masaya akong nakikipag-chat kay Sir Lorre, sunod sunod din ang chat ni Louise sakin ng mga random na kwento niya tungkol sa araw niya ngayon.
Hindi ko pa kayang iseen ang chat niya na parang kailangan kong humugot ng malalim ng hininga bago basahin ito.
Does he really not get it? It's like he's completely oblivious to how I feel. Why can't things just be easy and normal between us? I just want to be friends with him while hiding— without all the complications. Ugh, this is frustrating!

YOU ARE READING
What's Up, Anne
Teen FictionBook 1: What's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the c...