Chapter 23

20 2 2
                                        

Chapter 23: Truth at a Red Light

        "Anne, punta ka sa faculty. May ibibigay ako sa'yo."

Napaisip ako. Bihira siyang mag-message nang ganito, pero dahil kilala ko si Sir Lorre, alam kong importante 'to. Siguro tungkol sa school works o org, kaya wala na rin akong inaksayang oras.

Pagdating ko sa faculty, agad kong nakita si Sir Lorre. Nakatayo siya malapit sa pintuan, may hawak na maliit na box habang parang may hinihintay. Nang makita niya ako, ngumiti siya—'yung ngiti niyang lagi niyang ginagawa kapag gusto niyang magpanggap na hindi siya nag-aalala.

"Sir," tawag ko habang palapit. Nag-angat siya ng tingin at agad akong sinalubong ng mas malawak na ngiti.

"Anne," bati niya, sabay abot nung maliit na box. "Here."

Napatitig ako sa box habang nasa kamay ko na 'to. Simple lang 'yung packaging pero hindi ko maiwasang magtaka.

"Sir, ano 'to?" tanong ko, pero bago pa siya sumagot, inunahan na niya ako.

"Open it when you're home," sabi niya habang naka-ngiti, pero sa ngiting 'yon, parang may kung anong lungkot akong naramdaman.

"Hindi ba pwedeng dito na lang?" tumatawang biro ko, pero umiling siya at may halong pakiusap ang tingin niya.

"Trust me, Anne. Mamaya na lang," aniya.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Kilala ko si Sir Lorre—hindi siya ganitong ka-seryoso kung hindi mahalaga. Pero hindi ko rin maiwasang magtanong sa isip ko. Bakit parang ang bigat ng vibe niya ngayon?

"Fine," sagot ko  bumunot nang malalim na hininga. Hawak ko na ang box pero napako ang mga mata ko sa kanya. "Pero, Sir, sure ka bang okay ka lang?"

Ngumiti siya ulit, pero this time, parang mas may ibig sabihin. "Okay lang ako, Anne. Go home. You'll understand later."

Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Tumalikod na siya at bumalik sa loob ng faculty. Naiwan akong nakatayo roon, hawak ang kahon.

Hindi ko na pinilit itanong kay Sir Lorre kung ano nga ba 'yun. Instead, umalis na lang ako sa harap ng faculty at nagmamadaling bumalik sa room. Pero saktong bago pa ako makapasok, lumabas si Louise.

Nagtagpo ang mga mata namin, at bigla akong tinamaan ng flashback ng halik namin. Hindi ko na kayang magtagal, so I quickly looked away and walked in. Pero as I was walking, hindi ko namalayan, nabangga ko siya. Boom! Nahulog yung box na binigay ni Sir Lorre sa akin.

Nagkatinginan kami, and I could see his eyes flicking down to the box, as if he was about to pick it up. But before he could do anything, I was faster. Mabilis akong dumaan sa harap niya at diretso sa upuan ko, katabi si Jewel.

I'm pretty sure Jewel noticed something was off, but she didn't ask. Siguro, busy din sila sa activities nila. I just sank into my seat, trying to shake off the awkwardness.

Gusto ko nang umuwi para basahin yung binigay ni Sir Lorre sa'kin, pero hindi pa ako pinapaalis ng mga kasama ko. Sabay-sabay daw kami aalis, tapusin na lang daw sila lahat. Ayoko namang magmukhang masama, kaya kahit parang gusto ko nang magmadali, naghintay na lang ako.

Para lang hindi mabagot, nag-scroll na lang ako sa social media, wala naman akong ibang magawa. Lahat ng org tasks tapos na, at wala namang bago. Hindi ko rin kayang makipagkwentuhan, kasi parang ang bigat ng mood ko.

Habang ganun ako, ako pa yung nakakaramdam ng presensya ni Louise, kahit hindi naman ako ang kausap. Narinig ko siya, inaalok ang mga kaklase ko ng takoyaki na binili niya. Pero, lahat sila tinanggihan siya.

What's Up, AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon