Chapter 21: The Moment of Silence
Ang awkward ng pakiramdam ko habang nakaupo sa bakanteng table, pinaglalaruan ko ang straw sa baso ng tubig na hinain ng crew. Si Louise naman, kaswal lang na pumila sa counter para mag-order ng pagkain namin. Paminsan-minsan, tinitingnan ko siya, tapos biglang nagtatama ang mga mata namin—nakakakaba, pero may kung anong init sa dibdib na parang... ginhawa.
Bumuntong-hininga ako at yumuko. Ano ba 'to, Anne? Umayos ka nga! Pero kahit anong pilit ko, hindi ko maiwasan ang tipid na ngiti sa labi ko.
Napaupo ako ng maayos nang makita kong papalapit na si Louise sa table namin, may hawak siyang paper bag. Ang bawat hakbang niya, para bang echo ng tibok ng puso ko—dahan-dahan, ngunit ramdam na ramdam. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
Para bang nag-slow motion ang mundo, at siya lang ang natitira sa peripheral vision ko. Anne, umayos ka naman! Sigaw ng isip ko, pero hindi sumunod ang katawan ko. Lalo na nang ngumiti siya—yung tipong casual lang, pero may epekto sa sistema ko.
Paglapag niya ng tray sa mesa, mabilis kong iniwas ang tingin. "Here you go," sabi niya.
"Ah, salamat," sagot ko, pilit na tinatago ang nanginginig na kamay ko habang inaabot ang baso.
There's something different about Louise today. Is it the hairstyle? Nagpagupit ba siya? O baka naman 'yung vibe niya na parang ang gaan? Suot niya ang isang neatly pressed polo, mukhang pinag-isipan at pinaghandaan. Tipong outfit na hindi mo basta-basta makikita sa casual days niya. Parang espesyal.
Samantalang ako, ang suot ko ngayon ay dahil sa pagkikita namin kanina ni Sir Lorre. Lahat ng ito—ang neatly curled hair, ang light makeup, pati ang blouse na sinukat ko ng tatlong beses bago isuot—hindi para sa kanya. Hindi para kay Louise.
Pero habang tumititig ako sa kanya, para bang sinadya ng pagkakataon. Parang biglang nag-align ang lahat ng bagay, na para bang ang effort ko sa pag-aayos ay meant talaga for this moment.
"Anne."
Napatingin ako sa kanya, halatang nagulat pa. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nananadya ang puso ko—ang bilis ng tibok, para bang sumisigaw sa loob ng dibdib ko. Ramdam ko rin ang unti-unting pag-init ng mga pisngi ko, na parang kahit hindi pa niya alam kung bakit, nahuhuli na niya ang epekto niya sa akin.
Tahimik ko siyang tinitigan habang inilapag niya ang tray ng pagkain sa harap namin. May kung anong kakaibang lamig at init ang hatid ng boses niya. Magsasalita na sana ako, pero naunahan niya ako.
"This is my peace offering," panimula niya habang dahan-dahan niyang iniaabot ang isang maliit na paper bag. Hindi ko agad ito kinuha. Ramdam ko ang bigat ng titig niya, at alam kong hindi lang ito tungkol sa pagkain. Sa kabila ng kaba ko, naramdaman ko ang unti-unting paglumanay ng ekspresyon ko.
"Alam kong madami akong nasabing masama sa'yo the night na nasa Tagaytay tayo," dagdag niya, bahagyang napayuko. Ang tono ng boses niya, parang pinupuno ng bigat ng panghihinayang. "It keeps bothering me. Halos hindi ko kayang tumingin sa'yo every time na nagkakasalubong tayo. Para bang... nahihiya ako."
Tahimik ako. Gusto kong magsalita, pero parang may bara sa lalamunan ko. Ilang segundo lang ang lumipas, pero parang ang haba ng katahimikan sa pagitan namin.
Napatingin ako sa paper bag na hawak niya. "Peace offering?" tanong ko, pilit na pinapalambot ang tono ko kahit ramdam ko ang tensyon.
Tumango siya, nag-aalangan pa. "Yeah. Hindi ko alam kung paano magsisimula, pero naisip kong simulan dito. I know I've been unfair to you, Anne. That night... I was out of line."
BINABASA MO ANG
What's Up, Anne
Novela JuvenilBook 1: What's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the c...
