Chapter 2-Pagsuko
Marcus's Pov
Tamad kaming anim habang naglalakad. Pabalik na kami sa puwesto namin nang mapahinto kami sa isang kalsada ng walang nakatira. Naglalakad ako ng mabilis. Nakaramdam ako ng takot na hindi ko ipinahalata sa mga kasama ko. Nang may mabangga akong matandang tumatawid sa kalsada, buti na lang at naabutan siya ng mga kasama ko. Natulala na lang ako sa nangyari.
"Ayos ka lang ba, lola?" bati ni kuya Luiz sa matanda. Ngunit wala kaming narinig na salita mula sa matanda. Nakatitig lang siya sa amin. Seryosong-seryoso ang matanda sa amin.
"Lola, pasensiya na po," mahinang sabi ko. Kinabahan ako. Nakatitig sa akin ang matanda na para bang sinusuri kami mula ulo hanggang paa. Nakakatakot ang bawat tingin niya sa amin. Napakapit ako kay Kuya Luiz.
"Magigising kayo na may aral na magdadala sa inyo sa iyong mga pangarap." Lumapit sa akin ang matanda, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Binigyan niya ako ng malaking kuwintas. Tsaka lumingon ang matanda pabalik sa amin. Napatingin ako sa kasama ko at nilingon ko ulit kung saan pupunta ang matanda pero bigla na lang siyang nawala. Bilisan ko ang paglalakad ko. Nakatingin ako sa binigay ng matanda. May hugis puso. Parang hindi pangkaraniwang kuwintas. Pero bakit ibinigay sa akin ng matanda? Ang daming gumugulo sa isip ko.
"Nagmamadali lang?"
"Natakot si Marcus sa sinabi ng matanda." Napapitlag pa si Josh Ivan sa kakambal niya.
"Tinatakot mo siya dahil bunso natin siya." Napakapit pa sa akin si Kuya Luiz.
"Ano ba ang sinasabi ng matanda kanina? At bakit niya ako binigyan? Bakit ako lang? Bakit hindi kayo.“ sabi ko sa kanila.
“‘Wag mo nang pansinin ‘yan. Masyado kang matatakutin. Tsaka ikaw ang paborito noon." Tinawanan lang ako ni Anjo. Seryoso ako, tapos sila hindi! Nakuha pa nila akong asarin.
"Gagi," sabi ko kay Anjo.
"Pero parang may pahiwatig siya. Para sa atin." Napalingon silang lahat kay Pan-Pan.
"Ewan ko sa'yo. Ikaw ang bunso." Nakakatawang patulan si Josh Wane kung hindi lang siya mas matanda sa amin.
"Teka!" Napahinto ako sa paglalakad. Naalala ko si Monique at Arienne. Nakauwi na sila.
"Bakit Marcus!"
"Si Monique at Arienne, hindi natin kasama. Lagot tayo kapag wala pa iyong dalawa," sabi ko sa kanila. Hindi maipinta ang kanilang mga mukha dahil magka-salubong ang kanilang mga kilay.
"Hayaan mo na; malaki na iyong dalawa; tsaka hindi natin sila kasama!"
Gagi," sabi ni Pan-Pan kay Anjo.
"Alam mo naman na super strict sila sa bunso nila eh."
"Gagi kasi minsan matigas din si Monique. Lagi na ang siya napapagalitan." Napakamot na lang si Anjo sa amin.
"Babalik tayo?" sabi sa amin ni Pan-Pan.
"Mauna na kayo!" Sabay pa sabi ng kambal.
"Don't worry, ayos naman ang dalawa. Sila pa ba! Diyan? Madiskarte ang dalawang iyon. Tsaka baka naunahan pa nila tayo. Samantalang madilim pa sa gitna ng kalsada." Sumang-ayon na lang kaming lahat sa sinabi ni Kuya Luiz. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Parang ang bagal ng lakad namin, parang may kakaiba akong nararamdaman. Ewan ko lang. Halata ko sa mga kaibigan ko. Napansin ko kasi, para kaming pabalik-balik. Simula nung suotin ko 'tong kuwintas na 'to. Palihim kong kinausap 'yong necklace. Nagulat ako nung lumiwanag 'yong heart shape. Natumba ako.
"Ayos ka lang ba?" Tumango lang ako kay Kuya Luiz. Halos pumulupot ako sa kamay ni Kuya Luiz habang naglalakad kami. Buti na lang at hinayaan ako ni Kuya Luiz na hawakan siya. Nang mapansin kong umuusad na ang aming paglalakbay. Nawala lahat ng kaba ko nang makarating na kami sa puwesto namin. May mga tao. Pagtitinginan na kami. Hindi na kami magtataka na pag-uusapan nila kami ng patalikod. Hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Magkasama kaming nakatira sa isang bahay, para madali kaming maka-connect sa isa't-isa at mapabilis ang mga practice namin.
"Gutom na ako." Napatingin lang kami kay Anjo. Buti na lang bago kami sumali sa contest ay nagluto kami ni Kuya Luiz. Ito ay garantisadong hindi kami magkakaroon ng oras upang magluto. Naghain na si Kuya Luiz, habang ang apat ay nakahiga sa couch. Hindi man lang kaming tulungan. Sa wakas ay tinawag ko ang aking mga kaibigan. Ang dami naming nakain na parang naubos dahil naubos ang aming lakas sa aming paglalakad. Dahil sa nakasanayan namin, lahat kami ay nagtutulungan para mapabilis ang aming ginagawa.
"Tapos na tayo. Parang gusto ko nang magpahinga." Sabay bagsak ni Anjo sa couch na akala mo siya lang ang nagmamay-ari. Ramdam ko ang pagod ng mga kasama ko. Maglalakad ka ba naman pagkatapos mag-perform?
“Go ahead!” sabi ni Josh Ivan. Sa huli, nagkagulo ang tatlo, si Kuya Luiz naman ay nagtatanong lang sa kanila. Hindi kasi nagsasawa ang kambal sa ingay. Magkatabi kami ni Kuya Luiz sa kabilang couch. Mag-isang nakaupo si Pan-pan sa sopa. Nagpahinga din.
"Hindi ba tayo magpahinga?" sigaw ko sa kanila.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa natin?" pilosopong sabi ni Josh Wane sa akin. Nagkatinginan na lang kami ni Kuya Luiz, hindi na namin pinatulan si Josh Wane.
“Ayokong umakyat, pagod na ako,” mahinang sabi ni Anjo. In the end sumama na lang ako sa kanila. Hindi ko na sila pinapansin, antok at pagod na ako. Hinawakan ko ang kuwintas na binigay ng matanda kanina. Napatingin ulit ako sa kuwintas. Tsaka hina hawak-hawakan ko ng ilang daang beses. In the end sinuot ko na lang 'yong necklace. Wala lang, isusuot ko. Kahit ang daming tanong sa isip ko. Bakit ibinigay sa akin ng matanda? Bakit siya naglalakad mag-isa sa gabi? Paulit-ulit kong tanong sa isip ko. Pumikit ako. Nakatulog ako.
BINABASA MO ANG
Six Of Hearts
RomanceAnim na magkakaibigang may layunin na matupad ang kanilang mga pangarap na maging magaling sa larangan ng pagtatanghal sa sayaw. Ngunit nagbago ito nang hindi sila manalo sa isang patimpalak, tila ba't unti-unti silang pinanghihinaan ng loob. Isang...