Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 26-Ang Katotohanan

8 5 0
                                        

Chapter 26-Ang Katotohanan

Marcus's Pov

Muli, lumiwanag sa harap namin. Bumungad sa amin ang matandang tinawag ni Prinsesa Alyza na Diwata.

"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagbabago, Anjo. Napakalakas pa rin ng fighting spirit mo. Biruin mo, isang makapangyarihang prinsesa ang kaharap mo." Tinawanan ng matanda si Prinsesa Alyza, na ngayon ay nakakunot ang noo sa kanya.

"I'm happy that deep inside, you still want to make your dreams come true. But you don't lose the personality you have now. That's what I like about you. It’s something that strengthened your personality through the people you were with—Anjo and the twins gave you strength, while Luiz, Marcus, and Pan-pan are your center of tranquility in the group, para maging maayos ka.

'Yan ang personality na dapat niyong ingatan. Pero hindi sa lahat ng oras, kailangan niyng maging maloko. May mga panahon na kailangan niyng maging seryoso. Sana mabalanse niyo ang iyong personalidad at matutong kontrolin ito. Kapag training, training. Walang kalokohan. Naiintindihan niyo ba?"
Pareho kaming tumango sa sinabi ng matanda.

"Handa na ba kayong malaman ang totoo?" tanong muli ng matanda. Tumango ulit kami.

"Ikaw, Anjo, handa ka na bang malaman ang totoo?" nakangiting sabi ni Diwata habang nakatitig kay Anjo.

"Ayos ka lang ba?" paulit-ulit na tanong ni Kuya Luiz sa kanya.

"Dahil handa ka na... ito ang likod ng aming pagkatao." Saglit na kinuha ni Diwata ang kuwintas na hawak niya.

"Ito ang tunay na liwanag." Kumikinang ang kuwintas. Gaya ng aming pagkagulat, lahat kami ay napahinto, tila nahulog sa pagkamangha.

Ang matandang akala ko'y ordinaryo lang ay isang tunay na Diwata. Kaya nga tinawag siyang engkanto—dahil isa talaga siyang diwata.

"Nagulat ba kayo?" tanong ni Prinsesa Alyza. Sinong hindi magugulat sa nalaman namin? Pinaglalaruan ba kami? Napatayo kami ng maayos, at malinaw sa amin ang lahat ng nangyari.

"Ito ay isang pagsubok sa inyo. Noong araw na napadpad kayo sa malaking puno, narinig namin ang mga sigaw niyo. Nagdesisyon kami ni Prinsesa Alyza na bigyan kayo ng pagsubok.

Nagkunwari akong matanda para subukan ang kakayahan niyo. Napahanga niyo kami dahil sa pagiging matulungin niyo—walang pag-aalinlangan ang pagtulong niyo sa akin. Sana hindi kayo magbago pagdating ng araw na sumikat kayo.

Ang isa pang hinangaan namin sa inyo ay hindi kayo mapagkunwari. Ito ang aming pagsubok sa inyo bago kayo makapasok sa aming mundo—ang paraiso."

"Teka, linawin mo. Anong mundo meron tayo? Bakit mo laging binabanggit ang paraiso?"

"Princess Alyza ang makakasagot niyan, Josh Wane." Napatingin ako kay Princess Alyza.

"Iba ang paraiso sa mundo ninyo. Isa kaming mga prinsesa sa kagubatan. Naririnig namin ang bawat sigaw ng tao kapag nakikipag-usap sila sa puno. Bago kami magturo, may pagsusulit muna. Doon sinusubok ang inyong kakayahan."

"Pero mali ang ginawa niyo. Paano naman kami? Gusto ba namin ‘yon o hindi?"

"Walang masama sa ginawa namin, Josh Ivan. Paano namin masusubok ang kakayahan niyo kung sa simula pa lang ay alam niyo na ang lahat?" Natigilan lang kami sa sinabi ni Diwata.

"Sa kabila ng lahat, may natutunan kayo—at iyon ang nagpatibay sa inyong tapang, sa tulong ni Prinsesa Alyza. Kayo ang kauna-unahang pinagsilbihan niya. Malaman niyong kayo ang una—isang malaking bagay 'yon."

"Make fun of someone powerful who trained you. Napakasuwerte niyo." Napalingon kami sa biglaang pagsulpot ni Prinsipe Keneth, kasama sina Princess Starry, Princess Alyanna, at Princess Sherlyn.

"Lalo ka na, Anjo. Napakasuwerte mo. Biruin mo, ang pinakamakapangyarihang pinuno sa aming lahat, nagagawa mong buwisitin araw-araw." Nagulat kami sa sinabi ni Princess Starry.

"Si Prinsesa Alyza ay hindi lang makapangyarihan. Siya rin ang aming pinuno. Ngunit sa kabila ng lahat ng panunukso mo sa kanya, binigyan mo siya ng saya. Dahil sa ‘yo, natuto kaming ngumiti sa bawat araw na nabubuhay kami sa mundong ito."

"Hindi kami robot gaya ng sinasabi mo," sabi ni Prinsesa Alyza.

"Anuman ang nangyari sa inyo, hindi ito para paglaruan kayo. Ang nais lang namin ay ang inyong kaligayahan. Sa simula pa lang ng inyong pagpasok sa aming paraiso, ito ay itinakda na para sa inyo. Inatasan kami ni Prinsesa Alyza na gabayan kayo," seryosong pahayag ni Sherlyn.

"Sana magsilbing aral ito sa inyo—na huwag susuko at harapin ang hamon ng buhay patungo sa inyong mga pangarap. Hindi man ito ang tamang oras, ngunit ang bawat karanasan ay may kalakip na kasiyahan. Ito ang aral na dapat niyong baunin. Ngayon, ito na ang ating huling pagkikita." Lumapit si Diwata sa amin.

"Salamat sa lahat ng itinuro ninyo sa amin. Salamat muli, Prinsipe Trainer Keneth, Prinsesa Sherlyn, Prinsesa Starry, Prinsesa Alyanna, Diwata Kim, at Prinsesa Alyza. Babaunin namin ang lahat ng aral niyo, lalo na ikaw, Prinsesa Alyza—na akala namin ay isang ordinaryong tagapaglingkod lang.

Ngayon, alam na namin ang totoo. Isa kang pinuno. Isang malaking karangalan ito para sa amin." Bumaling ako sa mga kasama ko bilang paggalang, at sabay-sabay kaming yumuko.

"Maraming salamat sa inyong lahat. Lalo na sa iyo, Anjo." Ngumiti si Prinsesa Alyza sa amin.

"Oras na para kami’y magpaalam. Sandali na lang at babalik na kayo. Bago iyon, kunin niyo muna ito." Binigyan kami ni Prinsesa Alyza ng kuwintas.

"Isang tanda ng iyong pagsasanay at ng iyong mga pangarap. Paalam, mga kaibigan. Paalam, Anjo. Sana makahanap ka ng babaeng mamahalin mo na hindi mo lang bubuwisitin araw-araw. At itong mga sulat na ibinigay mo sa akin—Iingatan ko sila."

"This is your time. Ipikit ninyo ang inyong mga mata. Gumising kayo ulit sa puwesto niyo. Goodbye." Napapikit agad kami sa sinabi ni Diwata Kim.



Six Of HeartsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon