Chapter 28-Practice

7 5 0
                                        

Chapter 28-Practice

Marcus's POV

Halos dalawang linggo na kaming nagpa-practice para sa nalalapit naming laban. Ngayon, inabot na kami ng hapon sa pag-eensayo para sa boy band na sinalihan namin. Bukas na ang pinakauna naming pagkakataon na sumali sa isang palabas sa TV. Na meron ka ba ? Kasi kami-handa na.

"Hanep, ah! Ready ka na ba bukas?" Napalingon ako kina Monique at Arienne na magkasama na naman. Sabay pa silang nagsalita.

"Handa na ako, mahal," sabi ni Josh Wane habang nang-aasar kay Arienne. Nagulat ako nang hindi man lang siya pinansin ni Arienne.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Tsk! Shut up, Anjo," sagot niya. "Nandito lang kami ni Arienne para tingnan kayo at sabihin kung ano ang gagawin niyo."

"Ano! Wala ka bang tiwala sa amin?"

"Yes! I don't trust you, Josh Ivan," prangkang sagot ni Monique.

"Mag-gagabi na, simulan niyo na!" utos niya.

"Wow ah! Makautos lang!" pagbabara ni Josh Ivan kay Arienne.

"At saka, bobo kayong lahat. Ito ay para sa inyo. Sisimulan niyo na o kami na ni Monique ang magbabasag?" Napatingin ako sa kilos ng dalawa. Anong trip na naman 'to? Wala silang magawa at kami ang napagtripan. Kung hindi ko lang sila kilala, matatakot talaga ako. Alam kong may kalokohan 'to. Napailing lang sina Kuya Luiz at Pan-pan sa gulo ng dalawa.

"Tapos na kami sa practice. Kakain na kami," sabi ko.

"Hindi, kailangan namin makita ang performance niyo para alam namin kung saan kayo nagkakamali. Naaawa ako sa inyo kapag natalo kayo," sagot ni Monique. Kahit kailan talaga, hindi siya nauubusan ng masasabi. Wala ba siyang nararamdaman?

"Hindi na kailangan, Monique. Alam na namin ang gagawin namin. Ilang buwan na kaming nag-training."

"Training?!" sigaw ng dalawa. Hinampas ni Kuya Luiz si Anjo-mabubuking kami sa ginagawa niya. At narito na naman ang dalawang makulit.

"Fine! Para matapos na kayo, ipapakita na lang namin para manahimik na kayo." Magsisimula na kami nang biglang tumawa 'yong dalawa. Pinagti-trip-an lang kami.

"Naku! 'Wag na. Gusto naming masaksihan ni Arienne ang talent niyo bukas. Isa pa, kahit hindi kayo manalo, hindi mawawala ang pagkakaibigan natin. Nandito pa rin kami para i-guide kayo."

"Hoy! Panalo tayo. Hindi tayo magpapatalo," sabay ngiti ni Arienne kay Josh Wane.

"Tumahimik ka," si Monique na naman. Napatingin ulit siya kay Pan-pan.

"May binigay ako sa'yo." Pulang-pula na ang mukha ni Pan-pan pero nahiya pa rin 'yung loko.

"Wow! Akin ba 'yan?" Lumapit ako kay Monique at inakbayan siya. Naiinggit ako sa binigay niya kay Pan-pan-isang kuwintas na hugis puso na may simbolo ng pagkakaibigan.

"Wala, kay Pan-pan lang," natatawa niyang sagot.

"Si Pan-pan lang ba ang magpe-perform?"

"Kaya nga! Anong gusto mo, bigyan kayong lahat? Puwede naman, basta bibigyan mo kami ni Arienne," natatawa niyang dagdag.

"So, Pan-pan lang talaga?" tanong ko ulit.

"Oo! Ang kulit mo rin. Binigyan ako ng isa pang fan niya."

"Fan?!" sabay naming sabi. Akala pa naman namin siya ang nagbigay.

"Aalis na kami. Good luck bukas. Kung hindi man tayo magkita, andoon kami ni Arienne. Isa pa, hindi na namin kayo istorbohin. Ang kailangan niyo ngayon ay magpahinga. Magiging maayos ang lahat bukas, huwag kayong mag-alala. Ah, ikaw Anjo-iwasan mo nang maglabas ng kalokohan lalo na't bukas ang laban niyo."

"Opo, Ma'am," sagot ni Anjo kay Monique.

"Good. Aalis na kami ni Monique. May date pa kami," pabulong na sabi ni Arienne. Napatingin kami pero nakatalikod na sila.

"Mas stressed pa ako sa dalawa. Parang si Prinsesa Alyza na sumusulpot ng wala sa oras," sabi ni Anjo. Napatawa ako-naalala niya talaga si Princess Alyza.

"Tara na," yaya ko sa kanila. Naglakad ako papunta sa puno sa harap ng aming bakuran.

"Ginagawa natin dito?" tanong ni Pan-pan. Ngumiti lang ako at humarap sa puno. Naalala ko-kapag may kailangan kami, dito kami humihingi ng tulong.

"Hello! Good evening, Prinsesa, Prinsipe, at Diwata. Ina-announce lang namin na bukas ang unang laban namin sa boy band. Salamat sa lahat ng tumulong sa amin. Handa na kami. Salamat sa hindi pagsuko. Ngayon, alam ko na ang kahalagahan nito."

Nagpaalam kami ulit. Masaya kaming bumalik sa loob. Heto na: lalaban tayo hanggang dulo.

"Let's eat?" yaya ni Pan-pan. Buti na lang at nakapag-prepare na kami ni Kuya Luiz. Para anytime, ready na.

Nang kumain kami, muntik na naming maubos ang adobong manok ni Kuya Luiz.

"Magpahinga na tayo para maging handa tayo bukas," sabi ko. Ako pa ang nanguna kung saan sila dapat pumunta. Naiwan lang kami ni Pan-pan.

"Sige, Pan-pan, ako na dito. Magpahinga ka na." Ngumiti lang siya.

"Ang ganda ng ngiti! Kay Monique ba 'yan? Anong status?" Namula siya sa sinabi ko.

"Okay lang. Nakausap ko na rin siya. Parang hindi naman siya mataray." Napatawa ako. Matagal na kaming magkasama pero dati iniisip niya na mataray si Monique.

"May aayusin pa ako sa gamit ko para bukas," dagdag niya. Tumango lang ako. Niligpit ko ang pinagkainan namin at hinugasan na rin.

Pagkatapos kong ayusin lahat, pumasok na ako sa loob. Buti na lang at sinunod ako ng mga kasama ko. Tulog na sila. Mukhang pagod sa practice. Isa-isa kong inayos ang mga higaan nila.

Nang matapos ako, naghugas ako ng mukha-malagkit na kasi. Nang maayos na ang pakiramdam ko, bumalik ako sa kama. Tahimik. Nagmuni-muni ako hanggang sa naramdaman kong inaantok na ako.

Pumikit ako.

Six Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon