Chapter 16-Cellphone

9 5 0
                                    

Chapter 16

Marcus's Pov

CellphoneBy: c_sweetlady

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cellphone
By: c_sweetlady

Cellphone na ngayon ang kinababaliwan ng lahat


Cellphone na ang naging sandigan ng mga tao ngayon.

Mapa ang mga bata, kabataan, at matatanda

Halos lahat ay nakatutok sa kanilang cellphone

Isang pindot lang may chika nang nasagap

Chika ng kani-kanilang mga idolo o mula sa kanilang mga kaaway, na laging nakikinig dito

No wonder may mga kalaban sa social media

Ang iba ay abala sa paglalaro ng mga online game na MapaML, Cod, at marami pang iba.

Busy sa kanilang kakawattpad, habang naghihintay ng forever sa fictional character

Ang ilang mga mag-aaral ay nasa Google na  umaasa copy paste na lang tayo

Ang halos buong araw ay nakatutok sa cellphone

Wattpad, Facebook, TikTok, YouTube,  Instagram at  X

Aminin mo na isa ka rin sa mga nabanggit dito.

Ito ang kapangyarihan ng mga cellphone sa panahon ngayon

Maganda ang sinabi ni Pan-Pan. Ganito na ang buhay ng tao ngayon. Ang cellphone ay naging mundo ng lahat, bata man o matanda, halos parang cellphone na naging libangan. Maraming magagandang bagay sa cellphone, pero may mga taong nasisira din dahil sa hindi nila ginagamit ng maayos. Muli akong humarap sa katabi ko.

Ngayon si Anjo ang huling sumabak. Dito ako kinabahan sa kaniya. Nakangiti kasi ang loko. Napatingin ako sa hawak niya.  Ano kaya pakulo ng loko habang pinagtatawanan siya ng mga kaibigan ko?

"Ayos ka lang ba?" mahinang sabi ko kay Anjo.

"Relax ka lang." At saka, iniwan niya ako. Lumapit siya. Mukhang handang buwistin si Prinsesa Alyza. Nag Palakpakan pa ang mga kaibigan ko. Alam na alam nila ang mga kalokohang nasa isip ni Anjo mula nang magkasama kami kahit na utot pa lang kilala namin.

"Magandang gabi sa lahat!" ang linya ni Anjo.

"Handa ka na ba?" Bitin talaga ang loko.

"Simulan mo na!" sigaw ng lahat.

"Okay, okay!" Tumawa lang ako. Hindi siya natatakot sa kahit ano, kahit na lahat ay nakatingin sa kaniya. Bakas sa mukha ni Prinsesa Alyza ang pag-simangot. Nawala ang pagiging prinsesa. Maya-maya, nagsimula na ang loko.

Six Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon