Chapter 13-Bag

12 6 0
                                    

 
Chapter 13

Marcus's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Marcus's Pov

Bag
c_sweetlady

Ang isang bag ay isang bagay na ginagamit natin upang ipagpatuloy natin ang ating mga pangarap

Mula pagkabata hanggang sa pagtanda, pasan na natin ito

Ang resulta ng ating pangarap ay nasa loob nito

Ibig sabihin, hindi maitatanggi ang pag-asa

Masaya na nagbigay sa atin ng isang ngiti

Patungo sa ating kinabukasan

Dala natin ang pangarap na nagsilbi sa'tin patungo sa daan

Dinadala tayo ng bag na ito sa tagumpay, at sinasagisag nito ang ating pag-asa

Ang pagdadala ng mga bag na ito ay ang mabigat na pasanin ng ating kinabukasan

Ngunit pinapalakas tayo nito

Ang simpleng bag na ito ay isang pangarap


Pumalakpak ako sa sinabi ni Kuya Luiz. Naunawaan ko, kasi ang pinupunto niya. Isa siya sa pinakamagaling sa amin. Mahilig talagang mag-compose si Kuya Luiz, at madalas siyang kumanta.

"Okay, may idadagdag ka ba?" sabi ulit ni Prinsipe Trainor Kenneth. Humiling din si Kuya Luiz.

"Next," seryosong sabi ni Prinsipe Trainor Keneth. Lumapit sa amin si Kuya Luiz. Tsaka napatingin ako sa mga kasama ko.

“Good luck,” mahinang sabi ni Kuya Luiz kay Josh Ivan. Ang loko, tinawanan lang niya si Kuya Luiz na parang walang pakialam sa kaniya. Sa kanilang tatlo, kinabahan ako maliban kay Pan-Pan.

"I-cheer mo ako!" sigaw pa ni Josh Ivan. Todo cheer ang mga kaibigan ko sa kaniya. Nauna na si Josh Ivan.




Six Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon