Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.
Anim na magkakaibigan. Isang pangarap. Isang mahiwagang paglalakbay.
Anim na magkakaibigan ang may iisang layunin-ang matupad ang kanilang mga pangarap na maging mahusay sa larangan ng sayaw at pagtatanghal.
Ngunit nagbago ang lahat nang hindi sila...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Papel Written by:c_sweetlady
Ano nga ba ang kahulugan ng papel sa atin? Papel nga lang ba ito para sa atin?
Anumang oras, maaari natin itong mapunit. Ganyan tayo kapag hindi mahalaga sa atin.
Kaya ngayon, hayaan mong ipaalala ko sa inyo ang salitang “papel.”
Ang papel ay isang manipis na materyal na pangunahingginagamit para sa pagsusulat. Ginagamit ito ng mga mag-aaral sa paaralan. Dito tayo namulat at natuto. Sa simplengpangalan, nabuo ang ating pagkatao.
Namulat sa mundong ating kinagisnan. Dalhin mo ito kahit saan ka magpunta.
Papel na nagsisilbi sa ating pagkatao. Kaya ang papel ay mahalaga — at ito ay tunay na mahalaga.
Papel ang liwanag ng ating buhay.
Napabilib ako sa sinabi ni Josh Ivan. Siya lang ang may maayos na sagot sa sinabi sa amin ni Kuya Luiz. Parang pinaghandaan at pinag-isipan talaga ng loko. Napatingin ako sa kambal niya.
Anyway, ano kayang pasabog? Mukhang katawa-tawa rin ang isang ito.
“Wala bang good luck sa aking bunso?” Napanganga lang ako sa sinabi ni Josh Wane.
Sa tagal ng pagkakaibigan namin, ngayon lang niya ako tinawag na bunso. At ngayon, ang loko ay biglang naging matino. Madalas kasi siyang bumara kapag nagsasalita.
Ano kayang nakain nito at mukha siyang nasa maayos na kalagayan? O baka naman nagpapamalas lang ng kakisigan?
Iniisip ko lang kung ano ang iniisip ng mga kaibigan ko. Hindi talaga nawawala ang kalokohan.
Lumapit si Josh Wane sa harapan at mukhang handa nang umalis.