Chapter 12
Marcus's Pov
Lapis
Written by: c_sweetladyAno nga ba ang lapis sa atin?
Ang lapis ay isang panulat o kagamitan sa sining na karaniwang gawa sa manipis, matibay na pigment na nakapaloob sa isang matibay na pambalot
Ang lapis ay nagbibigay sa atin ng liwanag, at sa bawat emosyon dito, nadarama natin ang liwanag ng mundo
Sa pamamagitan ng pagpipinta nito
Iyon ay nagpaparamdam sa atin na ang mundo ay hindi lahat ng saya, at mayroon din itong kalungkutan
Binalot ng kalungkutan ang ating madilim na liwanag
Sa bawat pinta ng lapis na ito
Dito tayo natututo sa ating mga pagkakamali at itutuwid ang mga ito gamit ang lapis.
Natigilan ang mga kasama ko. Kahit ako hindi ko maintindihan ang sinasabi ko tungkol sa lapis. Siguro dahil sa kaba. Ramdam ko kasi lahat sila nakatingin sa'kin. Parang sinusuri nila ako. Hindi ako sanay sa tuwing tinititigan nila ako.
"May idadagdag ka pa ba?" mahinahong sabi ni Prinsipe Trainor Kenneth. Huminto lang ako. Wala na akong maisip pang idagdag. Ang hirap isipin na lahat nakatutok sa'yo.
"Okay, sa susunod?" sabi ng trainor na si Prinsipe Kenneth. Napatingin ako sa mga kasama ko at lumapit sa kanila.
“Good luck,” sabi ko kay Kuya Luiz. Dahil siya ang pangalawa .Tumango lang si Kuya Luiz at lumapit.
BINABASA MO ANG
Six Of Hearts
RomanceAnim na magkakaibigang may layunin na matupad ang kanilang mga pangarap na maging magaling sa larangan ng pagtatanghal sa sayaw. Ngunit nagbago ito nang hindi sila manalo sa isang patimpalak, tila ba't unti-unti silang pinanghihinaan ng loob. Isang...