Chapter 7-Pan-Pan's Missing
Marcus's Pov
"Pan-pan is missing," narinig kong sigaw ni Kuya Luiz. Lumapit ako sa kanila. Halos tatlong buwan na kami dito, at hindi pa rin namin maisip kung paano aalis. Nagsusumikap kami nang husto sa aming pang-araw-araw na pagsasanay. Nais lang nating matupad, ngunit hindi sa ganitong paraan; halos patayin na namin katawan namin sa training. Alam kong sumuko na si Pan-Pan. Kinabahan ako. Naalala ko minsan sinabi ni Pan-Pan na gagawa siya ng paraan.
"Anong nawawala?" Tiningnan ko lang si Anjo na kagigising lang.
"Baka nasa labas lang si Pan-pan?" sabi ni Josh Ivan.
"Na-check na namin ni kambal. Wala si Pan-pan."
"Ano ba! Totoo ba ito?" Napatingin silang lahat sa akin.
"Wala dito diba?" Hinarang ako ni Josh Wane.
"Hanapin natin si Pan-pan. Hindi siya puwede mawala. Malalagot tayo."
"Iyon pa rin ba ang iniisip mo, Marcus? Kita mo, umalis si Pan-pan dahil hindi na niya kaya."
"Kaya niya," hinarang ko rin si Josh Wane.
"Ang hindi niya magawa ay ang mawalay sa mga kapatid niya. Alam mo namang alam nating lahat na siya lang ang sumusuporta sa kanila."
"'Yon ang problema. Para tayong pinaglalaruan. Lahat ginawa natin pero nakakasawa na. Gusto ko na talagang umuwi."
"Ano ba, Anjo? Wala tayo sa posisyon ngayon. Hindi natin alam kung paano tayo napunta sa mundo nila. Kakaiba pa rin ang mga tao sa paligid natin. Ngayon dumagdag si Pan-pan. Hindi makakatulong sa atin. Right now. Hawak nila tayo. Hawak nila tayo." Paulit-ulit na sinabi ni Kuya Luiz.
"Hanapin natin si Pan-pan. I think he's in danger. Tayo lang ang makakatulong sa kaniya."
"Shit," pagmumura ni Anjo. Sa wakas, lumabas kami at hinanap si Pan-Pan. Halos nilibot na namin ang buong bayan, at hindi pa rin namin makikita si Pan-Pan.
"Pagod na ako. Magpahinga muna tayo," mahinang sabi ni Anjo.
"We have to find Pan-Pan. We don't have time mag-gagabi na." Hindi ko maiwasang magalit sa kanila.
"Tangina Marcus, pagod na ako. Maghapon kang maglakad para hanapin si Pan-pan. Alam kong pagod ka na rin. Huwag kang magpaka-hero." Hindi ko mapigilang patulan si Anjo. Nairita ako sa sinabi niyang hero.
"Gago, hindi ako bayani tulad ng sinasabi mo. Iniisip ko ang kapakanan ni Pan-pan. Dahil mayaman ka, nakuha mo ang gusto mo sa buhay, hindi tulad ni Pan-pan na iniisip ang mga obligasyon."
"Hindi ito ang oras para mag-away tayo." Pinigilan lang ako ni Kuya Luiz. Nainis lang ako sa inasta ni Anjo.
"Alam ko Marcus, gusto mong makita agad si Pan-pan, pero tama si Anjo, kailangan natin ng kaunting pahinga para hindi tayo mawalan ng lakas." Sa huli, hindi na lang ako sumagot. Sinundan ko lang sila. May nakita kaming malaking puno, at sumilong kami.
"Sorry. Napalingon ako sa sinabi ni Anjo.
"Sorry din. Naiinis lang ako na sinabi mong hero ka."
"Hindi ko sinasadyang sabihin sa'yo 'yon. Napagod lang ako."
"I understand you." Tsaka nagpatawad na kaming dalawa. Ganito kami magkaibigan. Hindi kami nagtatampo. Nakita ko sa mga kaibigan ko na pagod na sila at nakasandal sa puno. Maya-maya, naabutan na kami ni Josh Wane, at nakapagdala siya ng tinapay, pero ngayon ko lang napansin na may bitbit silang bag.
"Alam kong mahihirapan tayo, kaya habang nagkukuwentuhan tayo. Kumuha akong ng pagkain.
"Kambal talaga tayo, Boy Scout." Sumama pa si Josh Ivan.
"Stupid, hindi ako kasing tanga mo." Sa huli, nagdaldalan ang dalawa. Habang kumakain lang kami ng tahimik,"
"Nasaan na si Pan-pan? Anong ginawa niya?" Nakatingin lang sila sa akin. Maya-maya lang ay umilaw ang kuwintas na hawak ko. Natumba ako sa gulat; pati mga kaibigan ko natulala. Hindi pa rin nawawala ang ilaw. Nakatutok siya sa daan. Sa pag-iisip ko, napatingin ako sa mga kaibigan ko.
"Alam ko! Itong madadala ng liwanag na ito kung nasaan si Pan-pan." Kumunot lang ang noo nila sa sinabi ko.
"Anong pinagsasabi mo?"
"This!" sabay turo ko kay Josh Wane. Biglang tumigil ang ilaw.
"Pinaghirapan pa tayo; ito na lang ang pag-asa natin." Nakahawak pa rin si Anjo sa braso ko.
"Teka, paano mo naliwanagan 'yan? Pangalawang beses na itong umilaw."
"Ewan ko ba Kuya Luiz. Naalala ko lang nakaupo ako at naisip ko kung nasaan si Pan-pan. Anong nangyari sa kan'ya ngayon?"
"So that means the necklace is our hope?" Napalingon ako sa sinabi ni Anjo.
"Necklace!" Inuulit ko ang sinabi ni Anjo.
"Anong kinalaman ng necklace dito?"
"Hindi ba siya ang dahilan kung bakit tayo pumunta dito?"
"So! Anong kinalaman ng kuwintas?"
"Tangina Marcus, tanga ka ba? Pansinin mo," sagot ni Josh Wane.
"Anong kinalaman ng kuwintas dito?" sigaw ko sa kaniya. Sobra na kasi.
"Ano ba mag-aaway na naman ba kayo?"
sabi ni Kuya Luiz hindi na ako nagsalita.
"I'm not provoking a fight. Pinapaunawa ko lang kay Marcus na kuwintas ang dahilan ng lahat ng ito. Isipin mo na lang na simula nang ibigay ang kuwintas kay Marcus, malas lang ang nangyari sa atin. Paano natin ipapaliwanag kung bakit tayo napunta dito? Tapos ngayon kumikinang 'yong necklace." Napatingin ako kay Josh Wane.
"Walang kinalaman ang necklace. Ang matanda lang ang makakasagot sa tanong namin."
"Pero galing sa kaniya 'yon." Napatitig ako sa kuwintas na binigay sa akin ng matanda.
"Pero naalala ko ang sinabi sa atin ng matanda. Magigising tayo na may aral na mabubuo sa ating kinabukasan." Napanganga kami sa sinabi ni Josh Ivan. Mahilig siyang nag-imbento ng naalala ko. Magigising ka na may aral na magdadala sa iyo sa iyong mga pangarap.
"Tara na." sabay hila sa akin ni Josh Wane.
"Saan?"
"Tara hanapin natin si Pan-pan." At saka, sang-ayon kami sa sinabi ni Josh Wane. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sa huli, hindi kami makaalis. Buti na lang at may nakaharang o sadyang ginawang tambayan ang aming nakanlong malaking puno kung sakaling mainit o umuulan ng ganito. In the end, nagpahinga lang kami.
BINABASA MO ANG
Six Of Hearts
Любовные романыAnim na magkakaibigang may layunin na matupad ang kanilang mga pangarap na maging magaling sa larangan ng pagtatanghal sa sayaw. Ngunit nagbago ito nang hindi sila manalo sa isang patimpalak, tila ba't unti-unti silang pinanghihinaan ng loob. Isang...