Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 18-Mundo

9 5 0
                                        


Mundo
-Anjo-

Sa aking kamalayan sa mundong ito,
Maraming kagandahan ang makikita.
Kay ganda ng paligid—
Ang huni ng mga ibon,
Ang mga bulaklak na namumukadkad,
Kay sarap pagmasdan at amuyin.

Dumadapo ang mga paru-paro sa mga talulot.
Ang dagat at ilog—
Sa bawat agos, parang tayo’y dinuduyan.

Mga gusali, sasakyan, at iba pang transportasyon,
Mga taong may saya, lungkot, at problema.
Pagmasdan natin ang bawat emosyon nila.

Gayunpaman, lahat ng ito’y pagsubok.
Ito ang mundong ginagalawan natin.

“Wow…” ’yon lang ang nasabi ko.
Kanina, puro kalokohan ang entry niya,
Pero ngayon, ito ang nagustuhan ko sa ginawa niya.

Mapagbiro si Anjo,
Pero pagdating sa pangarap, siya ang nauuna.
Siya ang pinaka-seryoso sa amin—
Kahit may halong kalokohan pa rin.

“Gagi, lupet tol!” sigaw ni Pan-pan.
“Ayos ka lang?” tanong ni Anjo.
Nginitian ko lang siya.

Tahimik na ang lahat sa studio.
Lumapit si Anjo sa amin.
“Nice. Maganda siya,” mahina kong sabi.
Tumango lang siya.
Ngayon, nakikinig na lang kami sa unahan.

Six Of HeartsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon