Chapter 10
Marcus’s POV
“Ito na ang araw ng inyong huling pagsasanay. Huwag kayong malate. 7 A.M., nasa studio na kayo. Inuulit ko—7 A.M.
— Ang inyong lingkod, Prinsesa Alyza.”
Napatingin ako sa oras na naka-display sa dingding. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kong 15 minutes na lang bago mag-7. Hindi ko alam kung kaba ba iyon o gutom—pero siguradong hindi ako handa.
Mabilis kong tinawagan ang mga kaibigan ko at isa-isa silang ginising. Pero si Josh Ivan, gaya ng palagi, ang pinakamahirap gisingin mula sa kama. Dahil wala nang oras, napilitan akong gawin ang tanging alam kong epektibo: kumuha ako ng mug at binuhusan siya ng tubig. Napabalikwas siya, nabigla, at saglit na natahimik ang buong kwarto dahil sa reaksyon ng mga kasama namin.
“Gago ka!” reklamo niya, basang-basa at nakabusangot.
“Magbihis ka na. Wala na tayong oras. Sampung minuto na lang.”
Pare-pareho silang napakunot ang noo—parang hindi makapaniwala na huling pagsasanay na namin, at halos malate pa.
“Time is ticking,” sabi ko, mas maangas kaysa sa intensyon ko.
Siguro dahil kinakabahan din ako… hindi lang para sa amin, kundi para sa sarili kong pangarap.
Nagmadali kaming lahat magbihis. Tahimik sila, pero sumunod. Kahit Hindi ko itanong. Alam kong ramdam din nila ang bigat ng araw na ito.
Sakto kaming nakarating sa studio pagpatak ng 7 A.M. Pumila kami gaya ng nakasanayan — Kuya Luiz, Pan-pan, Josh Ivan, Josh Wane, ako, at huling dumating si Anjo.
Ako mismo ang nagulat. Madalas siya ang nauna. Pero nitong mga buwan pagkatapos naming mapanood ang BTS, tila ibang mundo na ang tinitingnan niya. Tahimik. Malayo ang tingin. Wala na yung mga pasa niya, dahil hindi na rin siya lumalabas. Sabi ng iba, pinagkakaguluhan daw siya ng mga babae.
Pero para sa akin… mukhang may tinatakbuhan siyang hindi namin alam.
“Magandang umaga.”
Sabay-sabay kaming napalingon. Akala namin—taon na ang lilipas bago naming ulit makita sina Prinsipe Trainor Kenneth, Princess Starry, Princess Alyanna, at Princess Sherlyn. Si Prinsesa Alyza lang naman ang araw-araw naming kasama… at hindi madali ang bawat araw kasama siya.
“Anong ginagawa nila dito?” bulong ni Pan-pan.
“Para silang kabute—lumalabas bigla kapag gusto nila,” dagdag ni Josh Wane.
Tama naman.
“Kumusta ang assignment ko sa inyo?”
"Assignment?" Halos sabay kaming napatingin sa isa’t isa. Wala kaming maalala… at mukhang hindi lang ako ang kinakabahan.
“Prinsesa Alyanna, Prinsesa Starry, at Prinsesa Sherlyn,” sabi ni Princess Alyza, “kumusta ang mga alaga ninyo?”
Para kaming mga estudyanteng nahuling na may ginawang mabigat na kasalanan. Ang mga tingin nila—diretso, tapat, at nakakapaso.
“Well,” panimula ni Princess Alyanna, at agad naramdaman ko ang kaba.
“Ang masasabi ko… naging mabuting disiplina si Prinsesa Alyza sa grupong ito. Nagbago sila ng pananaw. At ngayon, nakikita kong handa na silang harapin ang mundo ng kanilang mga pangarap. Magaganda ang boses nina Anjo at Luiz—napaka-cool at hindi nakakasawang pakinggan.”
Napatingin ako kina Kuya Luiz at Anjo. Nagpapakyut pa rin ang dalawa, kumakaway nang parang nasa fansign.
Pero si Prinsesa Alyza… nakakunot ang noo habang nakatingin kay Anjo.
At doon ako kinabahan.
Bakit gano’n ang tingin niya?
“Pan-pan!” tawag ni Princess Starry.
Tumayo si Pan-pan na parang nanginginig.
“Pan-pan ay isa sa pinakamahusay sa libu-libong trainees dito. Napaka-talented mo — dama ang bawat salita sa rap mo. Kahit hindi kita personal na na-mentor, palagi kong nararamdaman ang iyong pagsusumikap. Congratulations.”
Umiyak si Pan-pan. Hindi yung pa-cute. Totoong iyak.
At bigla kong naalala yung 3 A.M.
Yung araw na nadatnan ko siyang mag-isa sa hallway, inuulit-ulit ang rap niya hanggang namamaos.
Kaya deserve niya ng papuri sa kanya ngayon.
Niyakap ko siya, ramdam ang panginginig ng balikat niya.
“Bilang manager ng Six of Heart,” sabi ni Princess Sherlyn. Nagulat kami dahil nag-smile siya — “alam kong marami kayong tanong. Pero tandaan: lahat ito ay bahagi ng pagsubok. Sana ay may natutunan kayo.”
Akala ko tapos na roon. Pero hindi pa pala.
“Ngayon,” sabi niya, at tumayo siya nang bahagyang mas mataas, “bibigyan ko kayo ng huling pagsubok. Isang test kung gaano kabilis ang inyong pag-unawa.”
Napatigil kaming lahat.
“Ito ay tungkol sa isang bagay na inyong hahawakan. Mayroon kayong sampung minuto. Anuman ang makuha ninyo, ibigay ninyo ang buong puso n’yo.”
“ARE YOU READY?” sigaw ni Prinsipe Trainor Kenneth.
At doon na nagkagulo ang lahat.
Literal na parang gera.
Hindi ko alam anong uunahin.
May nag-aagawan ng mga notebook, kilala ko yung isang grupo na nagtakbuhan agad papunta sa mga props.
Ako?
Tumigil ang isip ko.
At doon ko nakita—isang simpleng lapis.
Yun ang kinuha ko.
Hindi dahil may plano ako.
Pero dahil mula pagkabata, lapis ang unang hawak ko bago ako natutong sumayaw—pang-gawa ng pangarap na hindi ko akalaing mangyayari.
Nagsimula nang mag-present ang ibang grupo. May isang may hawak pang litrato ni Kathryn. Nakakatawa kasi nagsimula siya ng kwento gamit ang tula, sobrang saya niya, at tumayo pa siya para magprisinta. Mukhang handang-handa siya.
“Hoy! Masisira na yang hawak mo,” sabi ni Josh Wane, nagtatawa.
Napatingin ako sa lapis.
Okay naman ah. Hindi ko sinasakal.
Tiningnan ko ang mga hawak ng kasama ko:
• Kuya Luiz — bag
• Josh Ivan — papel
• Josh Wane — libro
• Pan-pan — cellphone
• Anjo — litrato ni Prinsesa Alyza
Kinabahan ako.
Ano ang balak ni Anjo?
At bakit siya parang… tulala?
At bakit parang… nakabusangot si Princess Alyza nang makita ang hawak niya?
Napatingin ako sa grupo sa harap namin.
Isa sa kanila—
At nagsimulang bumigat ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Six Of Hearts
RomantikAnim na magkakaibigan. Isang pangarap. Isang mahiwagang paglalakbay. Anim na magkakaibigan ang may iisang layunin-ang matupad ang kanilang mga pangarap na maging mahusay sa larangan ng sayaw at pagtatanghal. Ngunit nagbago ang lahat nang hindi sila...
