Chapter 30-Guesting Tv Show

7 5 0
                                    

Chapter 30-Guesting Tv Show

Marcus's Pov

Pitong araw na kaming walang pahinga. May mga guesting din kami. Ngayon ang araw na pinakahihintay namin para makasama sa guesting ng paborito naming idol na si Miss Che sa kaniyang show, ang Che Talk show. Ilang oras na lang ay magsisimula  na kami. 

"Guys, humanda kayo," sabi ng isang staff. Nagsimula na rin sa ilang oras namin paghihintay. Ito na 'to. Excited na ako makitang idol ko.

"Magandang gabi, madla peoole," panimula ni Miss Che. 

Nasa labas lang kami ng backstage para tawagin ang mga pangalan namin. 

"May mga bisita tayo. Isa sa mga guest natin today na pinagkakaguluhan ngayon. Hindi ko na patagalin  pa ang six of hearts." Nang tinawag ang pangalan namin. Pumasok kami at nag-perform ng pagkapanalo namin. Kinakanta namin ang pagsubok. 

"Salamat, six of hearts." Umupo kami isa-isa. Na parang kinakabahan ako. Ito ang aking pangarap. Pinangarap kong makaharap si Miss Che.

 "Anyway, how are you? Ano ang hinanda niyo noong nanalo kayo?" Napatingin ako kay Kuya Luiz. Hudyat na siya sa sagot sa tanong ni Miss Che.

 "Wala kaming preparation. Last week may mga guesting kami." Nginitian lang kami ni Miss Che. She smiled so cute.

"After you win. Anong aral ang natutunan niyo? 

"Marami kaming natutunan at marami kaming pagsubok?"

 "Tulad ng ano?" sabi sa'kin ni Miss Che. 

"Maraming beses kaming nabigo." 

"Lahat ng nagsimula sa lahat ng kompetisyon ay nagsimula sa pagsubok. Ang natutunan niyo lang ay huwag sumuko. Pero ang tanong ko, mga panahon na ilang beses kayo natalo. Naisip niyo bang sumuko?" 

"Oo, ilang beses na kaming sumuko ni Kambal. Dahil sa lahat ng pangarap namin, parang wala kaming suporta mula sa aming mga magulang." 

"Bakit?" 

"Kasi wala kaming kinabukasan sa sayaw," yumuko si Josh Wane. 

"Pero ipinaliwanag niyo ba sa kanila." 

"Oo. Hindi man lang kami nabigyan ng pagkakataon na ipaintindi sa mga magulang ko," ani Josh Ivan. 

"Pero okay na kami ngayon. Tinanggap na nila ang pangarap namin. 

"Walang magulang na kayang tiisin ang anak." May balita ako. Narinig kong may gustong kumausap sa akin." Napatingin ako sa mga kasama ko. Nakakatawa. Mukhang may ginawang kalokohan. 

"Marcus. Matagal na sa inyo gustong magpa-picture." Walang preno sabi ni Anjo. Bigla akong namula.

"Backstage mamaya." Ngumiti lang si Miss Che sa akin. 

"Pero ito. Bagong akong nasagap, may nagpapatibok ba sa puso niyo?"

"Meron," sabi ni Anjo, tumingin kay Pan-pan at Josh Wane.

"Meron ka. May tinatagpo ka ba?" Natawa ako sa sinabi ni Josh Ivan. Hindi ba niya alam na live kami? Pagtawanan ang mga audience. 

"Sino ang nagpatibok ng puso ng dalawa?" Nakangiti lang si Miss Che. Pasaway na Josh Ivan. Lagot ito mamaya sa bunganga ni Arienne at Monique.

"Nililigawan ni Pan-pan at Josh Wane dalawang babae sa buhay namin." Natawa ako sa nililigawan. Ano kaya ang nararamdaman ng dalawa kapag nakita niya ito? 

"So what's your status, Pan-pan?" Namula ang mukha ni Pan-pan. 

"Ayos naman kami ni Monique. She's a lot of fun to be with." Nakita ko ang ngiti sa labi ni Pan-pan. Nainlove ang loko. 

"Opposite kami ni Arienne. Hindi ko alam ang mood ng babaeng 'yon. Ang init ng dugo sa akin. Laging highblood. Minsan maayos kausap." Natawa kami sa walang preno ni Josh Wane. This war later. Nainlove siya kay Arienne.Kambal nga sila. Hindi man lang mapigilan  ang bibig nila, di ba nila alam nasa show kami. Tutal. Hindi namin kailangan mag-plastic at kailangan naming ipakita kung sino kami. Mamahalin kami bilang kami hindi bilang ibang tao

"Ang maipapayo ko lang sa iyo Josh Wane, wag kang susuko. Pasasaan ba mapapaOo mo rin siya. So! Si Arienne ang lucky girl?

"Anong payo ang maibibigay mo sa mga nangangarap na tila pinanghihinaan ng loob?" Tanong ko ulit sa amin ni Miss Che. Sa huli, napatingin ako kay Anjo. Ayaw nilang magsalita. Pero kapag lakokohan  lumabas ang mga tinatago nilang kalokohan.

"Ang masasabi ko lang ay huwag panghinaan ng loob. Lahat ito ay pagsubok lang sa atin. Laban lang," ani Anjo. 

"Paano kayo naging boy band, at sino ang nag-udyok sa inyo?

 "Bago kami naging boy band, Ang una naming nilahukan ay pagsasayaw. Sampung beses naming ginawa, pero hindi kami nabigyan ng pagkakataon. Pero may tumulong sa amin na matupad ang aming pangarap. Ginawa nila ang lahat para kami ay mag-tagumpay. Pero noon panay reklamo namin kung anong kinalaman namin dito. Inalam nila ang aming kahiligan kaya nabuo ang boyband."

"Sino 'yong tumulong sainyo? " Napatingin ako sa mga kasama ko. Should we say!

"These people are Princess Alyanna, Princess Starry, Princess Sherlyn, Prince Keneth, Princess Alyza, and Diwata Kim? Tinulungan nila kami. Maraming salamat. Isa pa, best buddies ko sina Monique at Arienne, na number one fans namin at nag-udyok sa amin na subukang ang boy band na sumali dito. Sila ang dahilan ng tagumpay namin." 

"Anyway. Salamat sa pagpayag na imbitahan kayo at pinayagan niyo akong makasama sa aking palabas. Anumang huling mensahe? Mayroon  ba kayong palabas na maaari nilang malaman? 

“Bukas sa SM MOA ng 4 pm, at kinabukasan ay nasa tagaytay na kami,” sabi ni Kuya Luiz. 

"Congratulations! Sana magtuloy-tuloy ang pangarap niyo. Sana hindi kayo magbago. Ito ang mahalaga sa lahat; laging tumingin sa pinanggalingan. At laging tumulong sa kapwa." Tumayo si Miss Che. Tumayo na rin kami. Tapos na ang palabas namin. Nagpaalam sa amin si Miss Che. Ngayon ay nakahiga na ako ng maluwag. Niyaya ko na mga kaibigan ko. Bago kami umalis. Nakita namin si  Miss Che paalis na rin.  Just like we talked about kanina. I took pictures with my friends. 

"Thank you," ang tanging nasabi ko. Ngumiti lang si Miss Che sa akin. Nagpaalam na rin kami kay Miss Che. I'm so happy to take a picture with my idol. Biruin mo si Miss Che 'to. May ipagyayabang ako sa dalawa. Aasarin ko mamaya pag-uwi namin. Palabas na kami nang may humila sa amin. Laking gulat ko ng makita ko 'yong dalawa. Andoon pa ba sila? 

"Tara. Nagtitigan lang ba tayo?" mataray na sabi ni Monique. Napa sunod lang kaming sa dalawa. Umuwi na kami. 

Six Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon