Chapter 29- Pagkawagi ng Six Of Hearts
Marcus’s POV
Ito na ang hinihintay namin. Matagal na kaming naghintay, at ngayon ay magpe-perform na kami. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon, kaya hindi ko na lang pinaalam sa mga kaibigan ko. Nakita ko ang saya sa mga mata nila—at lalo pa akong kinabahan nang makita ko ang performance ng mga kalaban namin. Wala akong masabi kung gaano sila kagaling mag-perform, habang kami ay nagsisimula pa lang sa larangan ng boy band.
“Wazzup, madlang people!” sigaw ng host, na bumalik sa aking isipan.
“Handa na ba kayong lahat para sa huling kalahok natin? Hindi ko na ito patatagalin pa.” Napatingin sa amin ang host na si Che. Ang ganda ng ngiti niya—parang anghel na prinsesa. Isa siya sa mga magagaling na artista. Idol ko si Che dahil sobrang galing niya. Marunong siyang umarte sa teleserye, comedy, action, at horror. Magaling din siyang kumanta at sumayaw. May ilang kanta siyang sumikat, tulad ng First Crush at First Love Ko, Bawat Mamamayan sa Ating Lipunan, at ang kanyang latest na Follow Me, Follow You, at marami pang iba—lahat siya mismo ang nagsulat.
“Once again, I call the Six of Hearts. Madlang people, here we are! Kinabibilangan nina: Luiz, Anjo, Josh Wane, Josh Ivan, Pan-pan, at ang kanilang leader, Marcus. Again, I am happy to introduce the Six of Hearts!” Nagpalakpakan ang mga tao. Isa-isa kaming lumapit sa stage.
Napatingin ako sa audience, at ngayon lang namin talaga naramdaman na may sumusuporta pa rin sa amin. Lumingon ako sa mga kaibigan ko, habang nakatingin sila sa mga taong sumisigaw ng pangalan namin. Nanlaki ang mata ko—nandoon sina Monique at Arienne, nagsisigawan sa suporta. Doon ko lang napagtanto kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng mga kasama ko—first time kasi na sinuportahan kami ng mga pamilya namin.
“Handa na ba kayo?” tanong ko. Nakangiti silang tumango.
Ito na. Magsisimula na kami.
Nang marinig namin ang unang tunog ng musika, sabay-sabay kaming gumalaw. Nagsimula na ang aming performance.
Pagsubok
Written by:c_sweetlady
Pan-pan (Rap):
Naalala ko 'yong mga panahong magkasama tayo
Panahon na unti-unti tayong namulat sa mundo
Wala tayong magawa kundi maglaro sa labas, sa bakuran
Pero ngayon, handa na akong harapin
Ang pangarap natin para sa hinaharap
Koro – Anjo (Kanta):
Matagumpay kong nasimulan ang pagsusulit
Sinusubukan kong ipaglaban ang buhay ko
Ang buhay ay nagbigay sa akin
Ng lakas at determinasyon
Luiz (Kanta):
Sa oras ng pagsasanay, para tayong nasa paraiso
Paniniwala ang nagpapalakas sa ating loob
Subukan mong harapin ang hamon ng buhay
Gaano man ito kahirap
Marcus (Rap):
Hindi madaling makuha ang tagumpay
Dugo't pawis ang kailangan bago mo makamit
Mapaglaro ang tadhana
Ngunit dito tayo pinalakas
Hanggang sa abot ng ating makakaya
Lahat (Kanta):
Parang boy band na nakita ko
Maraming sakripisyo ang kanilang ginawa
Para lamang makamit ang mga pangarap nila
Ang daming hirap na pinagdaanan nila
Pero hindi sila sumuko
Laban lang—hanggang makuha mo
Baka challenge lang ito sa atin
Hanggang saan tayo—susuko o lalaban hanggang dulo?
Dahil ang pagsubok sa buhay dito sa mundo
Ay hindi matatapos
Josh Wane (Kanta):
May mga taong huhusga sa'yo
Maraming hindi maniniwala sa kakayahan mo
May mga taong hihilahin ka pababa
Dahil iniisip nilang imposibleng matupad ang pangarap mo
Pangarap mo lang ang minamaliit nila
Josh Ivan (Kanta):
Darating ang panahon para sa mga hirap na dinaanan mo
Unti-unting lilinaw—ang tagumpay mo’y abot-kamay
Nagbabago ang panahon, at pati mga tao
Ang kailangan mo lang ay pagsisikap at sakripisyo
Dahil sa huli, ang tagumpay mo
Ay nasa harap mo na mismo
(Repeat Chorus 2x)
Lahat (Kanta):
Parang boy band na nakita ko
Maraming sakripisyo ang kanilang ginawa
Para lamang makamit ang mga pangarap nila
Ang daming hirap na pinagdaanan nila
Pero hindi sila sumuko
Laban lang—hanggang makuha mo
Baka challenge lang ito sa atin
Hanggang saan tayo—susuko o lalaban hanggang dulo?
Dahil ang pagsubok sa buhay dito sa mundo
Ay hindi matatapos
Hanggang sa natapos na rin kami.
Parang nawala ang buong pagkatao ko.
Ito ang aming performance kung saan ibinigay talaga namin ang best namin.
Halos maghiyawan ang mga tao sa stage.
Muli, tinawag ang mga kalahok—sampu kaming maglalaban, pero tatlo lang ang mapapalad na mananalo.
"Hello guys! Hello, madlang people! Handa na ba kayong malaman ang resulta?"
Nakatingin lang kami sa harap ng stage, naghihintay sa sasabihin ng host.
Hanggang sa tinawag na ang 2nd runner-up.
I'm hoping to be in the group, kahit 2nd or 1st runner-up man lang.
Pero noong tinawag ang 1st runner-up, hindi pa rin kami pinalad.
Napatingin ako sa nanalong grupo—isa sila sa mga kasama namin sa training, na minsang nakabanggaan ni Anjo.
Napatingin din sila sa amin, may ngiti sa labi.
Ibig sabihin, hindi lang kami ang nagsanay—may iba ring tumulong sa kanila na matupad ang pangarap nila.
Ngayon, nakaramdam na naman ako ng pagkadismaya.
Pakiramdam ko, hindi kami susuwertehin.
Sana manalo kami, tulad ng ginawa natin sa paraiso.
Para akong nabasag na plato…
Hanggang sa tinapik ako ni Anjo.
"Relax ka lang," sabi niya. Tumango lang ako.
"Madlang people! Handa na ba kayo sa resulta ng Grand Winner ng Ultimate Barkada Boy Band PH?"
Narinig kong nagsisigawan silang lahat.
"Sino ang Big Winner ninyo?" Halos mamamaos na si Che sa kakasigaw.
"Madlang people, hawak ko na ang resulta! Nakakuha ng rating score of 97%… Oh my G, kinakabahan ako!"
Nakangiting sabi ni Che.
"Ito na! Hindi ko na ito patatagalin pa…
Ang nagwagi sa araw na ito…
Ang Grand Winner ay walang iba kundi ang…
Six of Hearts!"
Nabingi ako. Nanghina ako.
"Nanalo tayo!" sigaw ng mga kasama ko.
"Congratulations again, Six of Hearts!"
Biniyayaan kami ng tropeo.
At sa unang pagkakataon—nanalo kami.
"Any messages?" tanong ni Che.
Kusa kong sinagot ang tanong.
Kahit kinakabahan ako, kailangan kong gawin.
"Salamat sa lahat ng nandito.
Salamat sa lahat ng naniniwala sa kakayahan namin—
Sa pamilya ko, sa pamilya ng grupo ko,
Salamat sa pagpunta at pagsuporta sa amin.
Para sa inyo ito.
Sa mga kaibigan kong walang sawang sumusuporta—
Monique and Arienne, this win is for you.
Kayo ang unang nagtiwala sa amin. Salamat.
Napatingin ako sa kanila. Nginitian nila ako.
Sa mga kaibigan kong nakiisa dito:
Huwag tayong mawalan ng pag-asa; may tamang panahon para sa lahat.
Sa mga kasama natin sa Paraiso—Congratulations.
Napatingin ako sa katabi naming grupo.
Tinapik ako ng isa sa kanila—ang leader nila, si Amihr.
At sa mga taong tumulong sa amin,
Kahit hindi niyo man ito marinig—basta, gusto kong magpasalamat.
Prinsesa Alyanna, Prinsesa Starry, Prinsesa Sherlyn, Prinsipe Keneth, Diwata Kim, at Prinsesa Alyza—
na walang sawang sumuporta sa amin.
Maraming salamat.
Hindi namin ito makakamit kung wala kayo."
"Salamat, Marcus. Binabati ko kayong muli. Congratulations."
Hanggang sa walang sawang pagbati...
Hanggang unti-unting nawala ang ilang tao sa paligid namin.
Hanggang sa niyaya ko na ang mga kasama ko na umuwi—kasama ang aming mga pamilya.
BINABASA MO ANG
Six Of Hearts
عاطفيّةAnim na magkakaibigan. Isang pangarap. Isang mahiwagang paglalakbay. Anim na magkakaibigan ang may iisang layunin-ang matupad ang kanilang mga pangarap na maging mahusay sa larangan ng sayaw at pagtatanghal. Ngunit nagbago ang lahat nang hindi sila...
