Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 31-Surprise

19 5 0
                                        

Chapter 31-Surprise

Marcus's POV

Napatingin ako sa kilos ng dalawang 'to.
Nasa harapan kasi sila, walang tigil sa bulungan. Hindi ako sanay sa mga ganitong kilos nila. Karaniwan, kapag ganito kaingay sa loob ng sasakyan ni Anjo, si Monique ang nangunguna. Lalo na sa pang-aasar ni Josh Wane. Napatingin ako sa kambal. Tahimik sila ngayon-ngayon lang nangyari ito.

"Oh! Hindi ka pa ba bababa?" tanong ni Monique.
Napatingin ako sa kanya, saka sumilip sa labas. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin na nakarating na pala kami. Bumaba na kami, at alam kong mas maiingay pa 'to. Niyaya ko na lang ang mga kaibigan ko.

"Napakadilim," sabi ni Pan-pan.
"Malamang, wala tayo dito," sagot ni Josh Wane.
"Binuksan ko. Alam kong matatagalan tayo," sabi ulit ni Pan-pan.
Hindi ko na lang sila pinansin. Binuksan ko ang gate. Napabuka ang bibig ko nang bigla kaming itinulak nina Monique at Arienne. Nawalan kami ng balanse-nahulog kaming anim sa sagingan.
Biglang umilaw ang paligid. Nagulat kami sa aming natuklasan. Natulala ako. Hindi ko akalaing mangyayari 'to sa buhay namin. Nagtatawanan pa ang dalawa.

"Hindi ba kayo babangon?"
Parang pamilyar 'yong boses. Sinubukan kong alamin kung saan nanggaling. Natigilan ako nang makita ko si Miss Che sa harapan namin. Agad kaming tumayo. Hindi maipinta ang itsura namin dahil sa kalokohan ng dalawa. Sabi ko na nga ba, may binabalak ang mga 'yon.

"Congratulations!" sigaw ng lahat.
Napatingin na lang ako sa mga kaibigan ko. Kanina pa nagtitimpi ang kambal. Ngayon, nag-iyakan na sila. Niyakap sila ng mga magulang nila. Masaya ako para sa kanila.
Ako? Wala akong problema sa mga magulang ko. Kahit wala silang suporta, alam kong proud sila. Naiintindihan ko naman sila-ayaw lang nilang masaktan kami, lalo na't ilang beses na kaming nabigo.

Lumapit isa-isa sa amin ang aming mga pamilya. Masaya naming ipinagdiwang ang tagumpay-lalo na't kasama namin sila.
Ito na siguro ang pinakamagandang nangyari sa amin bilang magkaibigan. Umaasa kami sa tagumpay, at ngayon, proud sila sa amin.

Bago kami kumain, nagbigay muna kami ng mensahe.

"Maraming salamat sa inyong lahat. Sa suporta niyo, sa pamilya namin, at sa aking matalik na kaibigan, Arienne at Monique-salamat. Miss Che, salamat sa pagpapaunlak mo sa amin kahit alam naming busy ka."

Ngumiti lang si Miss Che. Pagkatapos ng pasasalamat, nagsalo-salo kami sa munting handaan.

"Grabe, ang sarap ng feeling na 'to!" seryosong sabi ni Anjo.

"Excuse me, guys!"
Napalingon kami kay Miss Che.

"Anyway, hindi rin naman ako magtatagal. I just want to say congratulations. I'm going to say goodbye."
Ngumiti siya ulit. Ang cute talaga ng ngiti niya. Tiningnan ko ang pamilya namin-ramdam ko ang saya nila para sa amin. Isa-isa na silang nagpaalam.

"Hoy! Hindi pa ba kayo nagpapahinga?"
"Nandito pa pala kayong dalawa," sabi ko kay Monique.

"Of course! Sa tingin mo mawawala kami?" mataray na sabi ni Monique.
"Hindi kami aalis hangga't hindi niyo kami nababayaran. Akala niyo libre? Ipon namin ni Monique 'yon."

"Ano?" sabay naming sagot, kaming anim.
"Surprise lang!"

Sino ba naman ang hindi magugulat? Nawala ang pagod at antok ko sa kalokohan nila.

"Oh hey, we're good! Babalik kami bukas para singilin kayo. Libre daw? Nanalo kayo ng 1 million, 'di ba? Syempre, sisingilin namin kayo!"

Nagtawanan kami. Naiwan kaming naka-nganga habang ang dalawa'y nagtatawanan.
Lumakad ako papunta sa puno, tumingin sa itaas. Tinawagan ko sina Prinsesa Alyza, Diwata Kim, Prinsipe Keneth, Prinsesa Alyanna, Prinsesa Starry, at Prinsesa Sherlyn.
Nagulat ako nang bigla silang lumitaw sa harap namin. Sinundan ako ng mga kasama ko.

"I heard you won," nakangiting sabi ni Prince Keneth.
Tumango kaming lahat.

"Thank you for helping us."
"You don't need to thank us. We just guided you. The success came from you-nagtiyaga kayo, nangarap, at lumaban," sabi ni Diwata Kim, sabay tapik isa-isa.

"Nanalo kayo dahil sa tiyaga at pangarap niyo," dagdag ni Prinsesa Alyza.

"Wow, mukhang nag-mature na si Anjo," panunukso ni Alyanna, nakangiting nakatingin sa kanya.
"Still stunned that we won," sagot ni Josh Wane.

"Tagumpay kayo dahil naniniwala kaming magtatagumpay kayo," sabi ni Princess Starry.

"Oh siya, nagpakita lang kami para batiin kayo. Pero isang paalala-ilihim niyo muna ang tungkol sa amin. Hindi pa dapat malaman ng lahat. Nagkakaintindihan ba tayo?" seryoso si Sherlyn.

"Maaasahan mo kami," sagot ng dalawa sabay pa talaga.
Napatingin kami sa kanila. Nakangiti, nakasaludo pa.

"Kilala nila tayo. Sila ang nagsabi sa amin ng problema niyo," paliwanag ni Diwata Kim.
Ha? Paano?

"Gago ka ba? You kept saying their names out loud. Paulit-ulit pa. Nagtambay kami ni Arienne dito sa puno, tapos nagpakita si Diwata Kim. Parang matanda. Sa totoo lang, nakita rin namin siya nung nabigo kayo. Sinundan namin kayo," kwento ni Monique.

Ngayon ko lang naintindihan. Ngumiti sila sa amin. Niyakap ako ng dalawa kong best buddies. Nagyakapan kaming anim, kasama ang dalawang makulit.
Bumalik kami sa loob, may ngiti sa mga labi.

Napatingin kaming anim sa trophy. Hinawakan namin ang kamay ng isa't isa.

Sabay sigaw:
"Six of Hearts! Laban sa isa, laban sa lahat!"

End.

Six Of HeartsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon